Kabanata 13 : Kumplikado

9.1K 252 16
                                    

AMOR

MASAKIT ANG PANGANGATAWANG PILIT KONG BINABANGON ANG SARILI SA MALAMBOT NA KAMA NG KULAY PUTING KWARTO.

Sa pagbangon ko'y ramdam ko ang bakal na tanso na nakakabit sa mga paa ko. Oo nga pala, nasa poder ako ng Supreme Arch. Although disente naman ang paligid at malinis, hindi ko yun ma-appreciate sapagkat isa itong kulungan para sa akin.

Mahinang mahina ang katawang naupo ako sa kama.

Sa mahigit limang araw simula nang nahuli ako ng Supreme Arch, wala silang ibang ginawa kundi ang ikulong ako rito. Naalala ko pa kung paano nila ako nakuha sa Marion Gym...

5 days ago...

Panalo na sila, Ev. Ang galing talaga ng team ng Lady Crushers dahil magaling rin ang team captain nilang si Ev. She will definitely make a good leader. Proud na proud ako sa mahal ko.

Nandito kami ngayon sa Marion Gym at todo buhos ang suporta sa Lady Crushers. Kasama ko ang lahat ng myembro ng pamilya namin. Alam ko kung gaano kaimportante 'to kay Ev kaya hinikayat ko talaga lahat ng mga close friends at pamilya namin na suportahan si Ev sa laro nito ngayon.

Dineklara na silang nanalo nang naramdaman kong nanghihina akong napaupo. Hindi ako napansin ng mga kasamahan ko dahil excited silang nagche-cheer sa pagkapanalo nila Ev. Maya-maya'y may mga malalakas na mga kamay na humatak sa akin. Sa sobrang bilis nito'y walang nakapansin sa kanya.

Naging sunud-sunuran lang ako sa taong humatak sa akin papunta sa madilim na parking lot. Hindi ko maintindihan kung bakit nahihilo ako at nanghihina. Hinawakan ako nito ng mahigpit gamit lang ng isang kamay habang binubuksan ang kotse nito.

Shit! Hindi ako makagalaw. Gumagana ang utak ko pero ang katawan ko'y mahinang mahina para makipaglaban dito. Kailangang may gawin akong paraan.

Nabuksan na nito ang kotse at inihagis nya ako sa backseat. Ang harsh naman nito. Masakit yun ha! Pero hindi ko mahanap ang boses ko para magreklamo. Humanda talaga ito kung sinumang damuhong 'to, pag na-gather ko na ang lakas ko.

"Yes, Master, nakuha ko na sya. Papunta na kami dyan," narinig kong sabi ng pamilyar na boses ng babaeng kidnapper ko. Wow! Babae pa pala ang kidnapper ko. And I guess, pareho kaming bampira base sa ability na pinapakita nito.

"Buckle up, hybrid," sabi nito.

May dumaan na kotse malapit sa amin at natamaan ng headlight ang bandang mukha nito kaya naaninag ko kung sino ito.

"C-Carmen?" Sa wakas, nakapagsalita rin ako.

"Yes, milady. It's time para ibalik ka sa dapat mong kalagyan." Then she wickedly smirk.

Shit! Tama ako. May something na itinatago si Carmen. Ugh! Bakit 'di ko napansin 'to?

Hindi ako nagsalita. I gather myself up. Inipon ang buong lakas ko at inisip si Ev. Kailangan kong makalaya mula rito. Hindi ako pwedeng makuha ng kung sinumang nag-utos dito.

At sa isiping yun, sinugod ko ito sa backseat. Sinuntok ko ang mukha nito na hindi naman nito inexpect pero hindi naman ito masyadong natinig. Wow! Ang lakas ng babaeng 'to.

"Hmm, feisty," sabi nito. Maririnig ang mockery sa boses nito. "Wag ka ng lumaban, Amor, you're too weak to do that. Now take your medicine, honey," anito at biglang may tinusok sa bandang dibdib ko.

Agad na umepekto ang kung anumang tinusok nito sa akin. Bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Parang 'di ako makahinga. Mamamatay na ba ako? Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Di ako pwedeng mamatay ngayon. My relationship with Ev is just starting. Marami pa kaming plano. No! Hindi ako pwedeng mamatay! No!

Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon