SINCE THEN..

11 1 0
                                    

•••SINCE THEN..•••

"Ano ang nangyari?" tanong ni Ross.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya para pagaanin ang tensyon sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin upang mawala ang lahat ng hinanakit niya.

Ang lalim ng tingin nito at tumatagos sa pagkatao ko. Nakaawang ang mga labi at mahinang humihingal, kinakaposan ng hininga.

"Tell me what i want to hear, Roze.. you can't just do this to me.." his voice broke, he sniffled.

I saw pain in his eyes. Those tears that anytime would dropped down. His jaw tightened, still he fixed his gaze at me. Nang-iinit na mga mata, sumisikip na lalamunan, napalunok ako. Parang batong bumara ang pagdadalamhati ko.

"P--please, Ross.. don't make this hard for me.. f--for us.." I said, almost whispering.

"Edi wag mong gawin ito sa'tin! Simple lang, Roze.. wag mo akong bitawan.. mahirap ba iyon?" Malumanay na tanong nito na parang maiiyak na, kunti nalang ay babalahaw na ito.

Pumatak ang luha ko. Isa.. dalawa.. hanggang sunod-sunod na itong gumulong palabas ng mga mata ko. Mas lalong sumikip ang lalamunan ko at kinakapos ng hininga. Tiningnan ko ang mukha nito. Kailan man ay hindi ako magsasawang pagmasdan ito. Mula sa mga mata nitong nangungusap at kumikislap, nakikita lamang nito ay ako, ang kanyang tanging mundo. Na may mahabang pilik-mata, matangos at matatag na ilong at ang mga labi nitong mapula at kay lambot. Ang buhok nitong maalon at malambot na halos tinatakpan ang kanyang mga mata. Ang mga bisig nitong gustong kong magpaloob hanggang sa magpa-kailanman. Paano ko ba sasabihin? Na sya parin.. sya lang... Siya lang naman. I wiped out my tears.

"R--Ross.. Ross, did you heard what you just said?"

"Mahal k--kita.." pumatak ang luha nito. Napakasakit sa'kin, sa loob ko, na makita syang ganyan. Lalo't ako ang dahilan. Marahas nitong pinahid ang mga luha sa mukha, huminga ng malalim at tiningnan ako. "Akala k--ko ba hanggang dulo? Pero bakit sumusuko ka na.. Di ba, nangako tayong lalaban tayo..? Di ba.. sabi mo pa nga walang bibitaw at walang magpapatalo.. bakit naman--" huminga ito ng malalim," bakit naman ganito.. hindi k--ko kaya.. mahirap ba talaga..?" Lumuluhang anito. Hindi na ito nag-abalang punasan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata nitong nakatitig parin sa'kin, parang inaarok ang iniisip ko.

Yumuko ako. Ang sakit makita ng taong mahal mong lumuluha at nasasaktan ng dahil sa iyo. Parang sinasaksak nang iba't-ibang matulis na bagay ang lahat ng parte ng pagkatao ko, lalo na ang puso ko. Hindi ko sya kayang tingnan ng deritso pero dapat ay matapos na ang paghihirap naming dalawa. Kung hindi ko ito tatapusin, habang buhay kaming mahihirapan at uusigin.

I cleared my throat and looked at him intently, "napakahirap mong pakisamahan.. mahirap kang m--mahalin.." hindi ko alam kung kapani-paniwala ang sinasabi ko dahil kabaliktaran nito ang pinapakita ng mukha ko, ang sinisigaw ng mga mata ko. "Mas makakabuting itigil.. i--tigil na natin i--to.." pumiyok ako.. hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin iyon sa harap niya, sa mismong mukha niya.

Gulantang na tumitig ito sa'kin, napapahikbi itong umiling-iling. "N--no.."

Pumikit ako ng mariin, pinipigilang pumatak ang luhang nagbabadya nang bumuhos. Naramdaman kong ginagap nito ang mga kamay ko.

Isa..
Dalawa..
Tatlo..
Apat..
Lima..

Limang segundo..
Kasabay ng pagdilat ko ay ang pagbawi ko ng kamay dito. Humabol ang kamay nito pero lumayo ako..

"Tumigil ka na.. hindi na tayo pwede.." natawa ako sa sinabi, "hindi ko nga alam kung kailan tayo naging pwedeng magmahalan.. una pa lang, hindi na dapat.. hindi ba..?"

"Wag mong sabihin iyan.. mahal na mahal kita, Roze.. Mahal na mahal.." anito't pilit na inaabot ang balikat ko, umatras ako at tumayo palayo dito.

Tama na siguro.. ayoko ko na syang patuloy pang saktan  para lamang sa hibang naming pangako sa isa't-isa. Tama na siguro ang anim na taong kahibangan at delusyong magiging kami hanggang sa huli. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko at paniwalaan ang lahat na alam kong imposible para sa aming dalawa.

"Ito na ang huli, Ross..." halos pabulong kong sabi dito. Ayoko nang umiyak, babalik lang kami sa simula at patuloy na sasaktan na naman ang isa't-isa.

"You can't, Roze.. you love me, don't you..?"

"I.. I--I do.. I love y--you.."

"Pero bakit ganito? Tell me.. why?"

"Alam mo na ang dahilan ko, Ross.. hindi tayo pwede.." huminga ako ng malalim. "Tama na sigurong alam nating mahal natin ang isa't-isa.. para tumigil na tayo.."

Tumalikod ako dito at humakbang paalis, palabas ng kinaroroonan namin. Rinig kong tinawag nito ang pangalan ko, dumadaing. Rinig ko ang hikbi at palahaw nito ng iyak. Ang sakit.. Sobra.. pero ang pagmamahalan namin ay hindi dapat. Simula pa lamang ay mali na.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Nanghihinang tumigil ako at umupo sa malapit na bench.

Nag-text si Mama.. Inulit-ulit kong binasa ang mensahe ni Mama hanggang sa napag-desisyonan kong hanapin ang numero ni Ross.. nakalagay pa doon ang gustong-gusto kong itawag dito, "Mine".

To MINE<3:

      Umuwi ka na sa bahay.. hinahanap ka na ni Mama..

Sent!

Bumuhos ang luha ko habang yakap-yakap ang telepono ko. Simula noong mga bata pa lamang tayo.. mahal na mahal na kita, Ross..

-flngwrtrroselee 🖤

-flngwrtrroselee 🖤

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
WANDERING MINDSWhere stories live. Discover now