LOVE SERVICE

11 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


••• LOVE SERVICE•••



Hapon ng araw na 'yon, napalingalinga ako sa buong store.

Bakit wala pa sya?

Nagsimula na akong mainis. Baka hindi na naman ako susunduin non!

15 minutes nalang ay out na'ko kaya nagsimula na ako sa CAYGO ko.

Punas ng towel doon, punas dito. Kinuha ang naipong basura sa trash can tinapon sa UR. Refill sa station and lastly ay ang mag-mop ng floor. Viola! Okay na at good to go na ako.

Pero hindi pa oras ng out ko kaya tumayo muna ako sa POS ko ng may lumapit sa'kin.

Nagulat ako.
Ngumisi lang ito sa'kin.

"Good afternoon, sir" masiglang bati ko.

"Miss, I'd like to order your super meal" anito ng nakangisi parin.

Umarko ang kilay ko. Ano na naman bang kalokohan to?!

"Sige po, sir. Right away," ani ko sa masigla paring boses.
Nasa likod lang kasi ang MOD. Hinayupak na lalaki to! Mamaya ka sa'kin.

Nilatag ko na ang order niya at nagbayad na sya.

"Thank you, sir! Enjoy your meal! Please come again!" Masiglang boses na sabi ko kahit naka-irap na ako sa kanya.

Nginisihan lang ako ng tukmol! Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko sa kanya.

"Sir, out na po ako" ani ko sa MOD at tumango lang ito.

Nang papaalis na ako sa counter top ay bumalik ang hinayupak.

Ano bang problema niya?!!

Nilatag niya ulit ang pagkaing nasa plato sa counter top.

Nakataas ang kilay na tumingin ako sa kanya.
"How can I help you po, sir?"

Sinenyasan niya akong lumapit. Pinalabas pa talaga niya ako sa counter area. Iika-ika naman akong lumabas at lumapit sa kanya.

"Ano po yun, sir?"

"I saw something with the food, miss. Better check it," anito.

Hindi ko alam kung trip lang niya yun pero hindi na ako umangal dahil naki-usyoso rin ang MOD.

Tiningnan ko ang pagkain. Anong meron? Wala naman, ah!

Pero nang akmang tatayo na ako ng tuwid galing sa pagkayuko ay nahagip ng mata ko na may kuminang dahil sa florescent lights.

Ano yun?

Kinuha ko yung fork at inusog ang pagkain hanggang na sungkit ko ang isang kumikinang na bagay.

Singsing!

Napatingin agad ako sa kaharap kong lalaki.

Nakangiti lang ito sa'kin at kinuha ang singsing na nasungkit ko gamit ang tinidor.

Bigla itong lumuhod sa harap ko.

"Mahal, you know what's the meaning of this. Pero ipapaliwanang ko parin sayo--"

Sinapak ko sya!

"Aray! Teka nga!"

"Umayos ka! Ano to!" Hindi yun tanong.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Masaya ako.
Naiinis ako.
Galit ako.
At parang maiiyak ako.

Samo't-saring emosyon ang nasa loob ko.
Ang mga customer na kumakain ay napahiyaw, mayroon pang nag-whistle.

"Mahal, hindi ko inaasahan aabot ako sa puntong ito ka kasama ka. Ilang years na ba tayo? Lima? O higit pa? Sa away bati nating relasyon, hindi ko na alam kung saan ako magsisimulang magbilang. Hindi ko ugaling magtagal sa isang relasyon, alam mo iyan. You were just a catch to me then. But now, I can't live without you. Ikaw ang buhay ko. Sayo na umiikot ang mundo ko. Kahit palagi tayong nagtatalo, hindi ko makuhang iwanan ka o hayaan kang wala ako. Syempre, sobrang gwapo ko para iwan mo rin. Kaya laging sa'kin lang ang bagsak mo. Kahit pa anong gawin nila sa'kin, sayo at sayo lang ako. At akin ka rin lang. Hindi ko pinangarap ito noon. Alam mo na siguro na sobrang mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang, mahal. Kahit pa lagi akong nabubukulan sayo. O sa pang-gigigil mo ay may pasa na ako kinabukasan. Wala akong magawa, kasi mahal kita. Kahit sabihing manhid, sayo parin ako babalik. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mo akong pakasalan dahil kabuwanan mo na ngayon. Malapit na tayong magka-anak! Kaya umo-o kana, ha?" tatawang sabi nito.

Sinapak ko ulit sya "buwiset ka! Tatawa ka pa!"

Hinawakan nito ang mga kamay ko at tumayo.

"Ano ba, Mahal! Kabuwanan mo na ngayon pero lagi ka paring mukhang naglilihi! Ano, tatanggapin mo o hindi?!"

"Isuot mo!" ani ko at nilahad sa harap niya ang kamay ko.

Ngumisi lang ito.

"Dalian mo!" inis na untag ko sa kanya.

Maiiyak na ako!
Hindi ko maintindihan ang sarili ko!

Nang lumapat ang singsing sa daliri ko ay syang pagpatak ng luha ko. Napangiti ako ng malawak ng maisuot nya ito sa'kin.

Totoo ba ito?

Parang buhat ng langit ang damdamin ko. Sobrang saya ko at hindi ko alam kong paano sasabihin at ano ang gagawin.

Tumingin ako sa gwapo niyang mukha. Nakangiti rin sya sa'kin. Hindi ko na sya maaninag dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

Masuyo niyang hinawakan ang aking mga pisngi at ginawaran ng mabining halik sa labi.

Ang mga tao sa paligid ay napahiyaw at nagsisigawan. Sila pa talaga ang kinilig, ah?

"I love you, Mahal" aniya ng nakangiti sa akin.

"I love you more,"

"Hindi, mas mahal kita" nakangisi nyang balik.

Kinurot ko sya dahil doon. Ang kulit talaga nito!

"Aray, Mahal! Love mo ba talaga ako?!"

Sasagot pa sana ako nang may maramdaman ako. Napatingin kami sa isa't-isa at sabay na napatingin sa tiyan ko.

"Pumutok ang panubigan ko!!" taranta kong sigaw.

"Wait!!"nataranta na rin sya.

Agad niya akong binuhat at nilabas sa store. Nahawi naman ang mga tao sa paligid.

"Manganganak na ako!!"


END

WANDERING MINDSWhere stories live. Discover now