WITHOUT ME

12 1 0
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



•••ENCOUNTERS: WITHOUT ME•••


Lord, please! Tulungan nyo po ako!

Sa kakatakbo ko ay nakarating ako sa isang madilim na eskinita. Walang katao-tao, parang walang nakatira.

Wala akong alam sa lugar na ito pero sige lang ako sa paglalakad kung saan man ako dalhin ng paa ko.

Naulinagan ko ang posteng may ilaw sa hindi kalayuan. Tinungo ko ito pero may yabag na paparating.

"Magpakita ka ngayon din, duwag!! Hindi ka makakalabas sa lungga ko! Hahahaha!"

Nangilabot ako sa tawa na iyon. Natakot ako!

Oo, lalaki ako. Geek, nerd, bully-target at duwag to be accurate.

Hindi ko alam bakit lapitin ako ng ganitong eksena. Wala naman akong ginawa sa buong buhay ko kundi aral, basa at manahimik sa isang tabi.

Rinig ko ang yabag na siguro ay patungo rin sa kinaroroonan ko. Tatakbo na sana ako palayo sa posteng iyon pero pagtalikod koy biglang may humila sa sweater kong suot.

"Huli ka!"

Nanginig ako sa boses nito sa tenga ko. Parang wala lang akong tinapon nito sa talahiban.

Malaki itong tao kumpara sa akin na walang laman. Hindi ako payat pero hindi ako mataba. Sadyang malaki lang ang kaharap ko. At wala akong maramdaman ngayon kundi takot sa pwedeng mangyari sa'kin.

Lumapit ito sa'kin. Kinuwelyuhan ako habang nakangisi ito sa mukha ko.

"Porket ang yaman mo na ayaw mong magbigay ng pera? Ang yabang nyong mayayaman!" anito't sinuntok ako sa pisngi.

Hindi ko yun inasahan kaya tumilapon ako. Ang sakit ng panga ko!

Lumapit ito sa'kin at sinuntok naman ang sikmura ko. Napadura ako ng dugo.

Lord, kung dito man magtatapos ang lahat. Ikaw na ang bahala sa Mom at Dad ko.

Pipi akong nanalangin habang lumalapit na naman ito sa'kin.

Hindi ako makagalaw! Sobrang sakit ng katawan ko!

Napasigaw ako sa sakit ng tadyakan ako nito.

"AHH!!"

Sunod-sunod ang ginawa nitong tadyak at sipa sa katawan ko!

"HOY!!"

Tumigil ito sa pananakit sa'kin ng may sumigaw. Lumingon ito sa may malaking puno malapit sa poste. May bahay kubo pala sa hindi kalayuan sa punong iyon.

Hindi ko makuhang magtaas ng ulo para tingnan iyon. Umuubo na ako ng dugo. Sapo-sapo ko rin ang katawan kong nagsusumigaw ang sakit.

May nahulog galing sa puno. O sabihin nating may tumalon galing sa puno.

Noon ako nagtaas ng tingin.

Matangkad.
Naka-snow cap.
Malaking jacket at faded jeans na malaki rin dito.

Nangmalinawagan ito ng ilaw galing sa poste ay napatalak ako. Babae!
Bakit nandito sya?!

Shett! May laban ba to sa mala-hulk na kaharap nito?!

"Boss!" nagulat ako sa sinabi ng mala-hulk na'to.

"Anong pinagkakaabalahan mo d'yan?" pormal at mahinahong tanong nong babae.

"May inaregla akong piso, boss"

Nagpailing-iling ang babae.

"Natutulog ako sa taas," ani ng babae at tinuro ang malaking puno. "Masyadong naging masaya naman yata kayo dito."

"Hehehe..."

"Umuwi kana,"

"Boss, naman!"

"Umuwi ka na sabe! Hindi nyo ko pinatulog tapos itutuloy nyo pa dito?! Baka bangasan kita d'yan!"

Hindi ko alam kong saan nakuha ng babae ang angas nito at kamot-kamot ang batok na umalis ang gumulpi sa'kin.

"Sa susunod," anito at tinuro pa ako bago tuluyang umalis.

Lumapit ang babae sa'kin. Tiningnan ako nito kaya napa-upo ako kahit masakit ang katawan ko. Hindi ko naman napigilang umaray.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Napailing-iling itong nakatingin sa kabuoan ko. "Kelaki-laki ng katawan trabaho'y mang bugbog lang!"

Nilahad nito ang kamay at tinanggap ko iyon. Pinatayo ako nito.

"S--salamat.." hindi ako makatingin dito.

Ang ganda nito. Pero parang mas-siga pa ata doon sa lalaki.

"Bakit ka nandito sa lugar namin?" tanong nito.

"D--dinukot ako nung lalaki..."

"Hmmm. Dito ka muna, kukunin ko yung motor ko para ihatid ka," anito't umalis patungo sa kubo.

Gusto ko sanang tumanggi pero mabilis itong naka-alis sa harap ko.

Napangisi ako sa kawalan. Babae pa talaga?

Narinig ko ang pagkabuhay ng motor sa kinaroroonan ng kubo.

Maya-maya pa at pinarada nito ang motor sa harap ko.

"Kaya mo bang sumakay?" anito.

Nahiya naman ako kaya hindi ko ininda ang sakit sa katawan at umangkas ako sa likod niya.

Parang gusto kong sumigaw sa sakit. Igting ang pangang pinigil ko ang mapasigaw.

May inabot itong face towel sa'kin.

"Punasan mo ang dugo," anito't pinaharurot ang motor.

"Dapat yata sa tabi mo nalang ako lagi, lapitin ka rin ng disgrasya e no?!" anito.

Napangisi naman ako.

"Patay ako kay Tita nito," umiling-iling nitong dagdag.

WANDERING MINDSWhere stories live. Discover now