INTO THE DEMON

8 1 0
                                    

INTO THE DEMON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

INTO THE DEMON

Malapusang mga mata.
Pangil na matatalas.
Mahabang tenga.
Maputing balat.
Maliit na mukha. 

Ang sabi ni ate, kami ang pinakamaganda sa angkan namin. Bata pa lamang ako yun na ang sinasabi ni ate sa akin sa tuwing may tumutukso sa'kin dahil sa anyo namin. Hindi daw namin sila kauri. Noon sobrang lungkot ko, ramdam kong hindi kami kabilang sa kanila. Ngunit kalaunan ay tanggap ko na kung ano ang meron kami ng ate ko. 

Saulado ko na yata ang lahat ng bahagi ng mukha ko kakatitig ko sa batis dito sa labas ng mundo namin. Iba sa lahat ang mukha namin. Hindi katulad ng kapit-bahay naming si tikbalang, hindi kauri ni aswang, hindi malaki katulad ni manong kapre, hindi kaliksi katulad ni sigbin, hindi nakakalipad katulad ni kwaknit, hindi nakakatakbo ng mabilis katulad ni mang mangtas at hindi ganoon kaliit katulad ni duwende. Parang masasabi kong pareho kami ng mga tao pero may pangil, mahabang tenga, malapusang mata, at maputing balat kami na wala naman ang mga tao. 

Agad akong nagtago ng may dumadating. Isang taong may dalang balde kung tawagin ng mga ito. Sa pang-araw-araw kong pagpunta dito ay pagmamasid lang sa kanila ang ginagawa ko. 

May isang pagkakataon noong bata pa ako at nakipagkaibigan ako sa tao. Lagi kaming masayang naglalaro dito sa batis. Hanggang sa nalaman ni ate ang lihim ko at hindi ako pinapabalik dito sa tagpuan namin, ang batis. Nalungkot ako noon kaya hindi ako natiis ni ate at pinayagan ako. Pero noong bumalik ako wala na ang kaibigan ko. 

Dumaan ang mga taon hindi ko parin ito nakikita. Ngunit hindi ko alam kong bakit balik parin ako ng balik dito. 

Hanggang sa kumalat na ang dilim dito sa mundo ng mga tao ay nakaupo parin ako sa taas ng puno. Sa tagong bahagi kung saan napagmamasdan ko rin ang paligid. Sa mundo namin hindi nagdidilim, laging maaraw lang. Kaya ako napapantastikuhan sa mundo ng mga tao dahil maraming kababalaghang hindi ko alam na nangyayari pala. 

Isang gabing araw habang naglalaro ako sa batis ay may kumalampag sa kabilang dulo ng taniman. Pumunta ako doon at nakita ang isang taong tingin ko ay lalaki kung sabihin ng mga tao. 

May hawak itong boteng may laman sa loob. Mabaho ang amoy ng boteng iyon kaya kinuha ko iyon at nilagay sa loob ko. Tingin ko ay tulog ang tao kaya dinala ko ito sa mundo namin. Pumunta ako sa lugar na malayo sa palasyo namin, baka kasi makita siya ng mga kasamahan ko o kaya ni ate.

Hiniga ko ito sa ilalim ng puno at umupo malapit dito. Amoy ko rin sa mukha nito ang amoy ng bote kanina. 

"Oww!" Naisip ko ang bote. Kinuha ko iyon sa loob ko at inamoy. Nilayo ko ito sa'kin, "ang baho naman!"

May tubig iyon sa loob na dilaw ang kulay kaya naisipan kong tikman iyon habang pigil ang pag-amoy. Hindi ko naisip na masama pala ang lasa niyon at naparami ang buhos ko sa bibig ko. "Ackkk!" Pwe! Hindi naman ito tubig, eh!

Hinagis ko sa kung saan ang bote. Hindi ko alam kung bakit pero parang umiikot ang paningin ko. Yung tao ay tulog parin kaya naisipan kong pumikit at humiga katabi nito.

Naalimpungatan ako dahil sa likot ng kilos ng katabi ko. Nakatingin ito sa'kin na parang hindi makapaniwala. Nanlalaki ang mata nito at nakabuka ang bibig habang nakaturo sa'kin.

Napahikab ako. Sarap pang matulog..

"Holysh*t!!" Napatingin ako dito. Anong sabi niya?

"W--who are y--you.??"

"Ha?" Naguguluhan na ako sa taong ito. Hindi ko maintindihan ang sinasabi.

"Si--sino ka-a.. m--may pangil k--ka.. halimaw k--ka ba..?" Umatras ito ng dahan-dahan palayo sa'kin.

"Hindi ako halimaw. Hindi ako tao. Hindi ko alam kung ano ako," naalala ko tuloy ang kaibigang tao ko noon.

"K--kakainin mo b--ba ako..?"

"Ha? Nagbibiro ka ba?" Ani ko't tumawa.

"Eh, anong gagawin mo sa'kin?" Mahinang boses na anito.

"Pinatulog kita dito sa lugar namin. Keysa naman iwanan kita doon sa sakahan,"

"Hindi mo talaga ako k--kakainin?"

Umiling ako at ngumiti, nakita na naman nito ang pangil ko. 

"Wala kang gagawing masama sa'kin?" 

Umiling ulit ako at humiga ulit. Sumiksik ako sa tabi nito. Masarap damhin ang init ng katawan nito. Nakatingin lang ito sa mukha ko kaya tumingin din ako dito. Maganda ang mga mata nito. Parang yung nasa mundo ng mga tao kapag gumagabi, yung tinatawag nilang kalawakan. 

"You're beautiful,"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Tumawa naman ito.

"Siguro isang kang diwata,"

"Hindi ko alam,"

Hinawakan nito ang mukha ko, "pwede ba kitang halikan?"

"Ha? Ano yun?" Ngumiti lang ito sa'kin.

Lumapit ang mukha nito kaya halos maduling ako sa pagtingin sa mga mata nito. "Ipikit mo mga mata mo," anito kaya sumunod ako. Nagtaka ako ng may lumapat na malambot na bagay sa bibig ko. Pagdilat ko ay nakapikit ito, nakalapat ang bibig nito sa bibig ko. 

Hindi ko alam pero may naramdaman ako, at hinila niyon ang mga mata ko para pumikit ulit. May rumagasang bagong damdamin sa loob ko. 

Maya-maya ay lumayo na ang mukha nito sa mukha ko. Nakangiti ito sa'kin at hinahaplos ang pisngi ko.

"Makikita pa ba kita sa susunod?"

Nakangiti akong tumango-tango at niyakap ito.


WANDERING MINDSWhere stories live. Discover now