DISASTER IN DISGUISE

12 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


••• ENCOUNTERS: DISASTER IN DISGUISE•••


Sunday afternoon.

Nakasanayan ko na ang magsimba sa hapon dahil bukod sa wala na ang masakit na sikat ng araw ay parang solong-solo ko rin ang isang mahabang upuan na nasa unahan.

Mapapansin kasing sa hapon nagsisimba ang mga teenagers at ito'y nagsisiksikan sa mga nasa huliang upuan, basta't hindi sa unahan. Hindi ko alam kung anong meron sa unahan at parang ayaw ng mga katulad nila ang maupo doon.

Naupo ako sa pangalawang hanay. May babae kasing nakauna na sa pwesto ko. Mukhang naunahan ako sa pag-upo doon. Maya-maya pa ay nagsimula na ang misa.

Hindi ko alam kung totoo ang hinala ko sa babaeng nasa unahan pero kanina pa kasi sya humihingos at kasunod niyon ang pagpahid ng kamay sa mukha nito.

Umiiyak ba ito?
Nadala ba ito sa sinabi ng paring nagmimisa?

Pero imposible, wala namang nakakiyak doon. Masyado yatang OA kung ganoon nga.

Maya-maya pa'y yumugyog ang balikat nito at mahinang humihikbi. Naantig naman ang damdamin ko. Ang laki siguro ng problema nito at dito nakita ang karamay. Ang Diyos.

Parang kinuyumos ang puso ko sa isipang nasasaktan ito ngayon.
Hindi ako nakatiis.
Tumayo ako at umupo sa tabi nito. Isang kamay lang 'ata ang layo namin pero hindi niya ako napansin. Nakayuko ito at tahimik na umiiyak.

Hanggang sa ito na ang nagtaas ng mukha at deritsong tiningnan ang altar kung saan naroon ang malaking imahe ni Kristo.

Huminga ito ng malalim pero may kumawalang patak ng luha sa mga mata nito.

Kinuha ko ang panyo ko at nilahad sa mukha niya.

Naguguluhang tumingin ito sa'kin.

Noon ko sya napagmasdan. Siguro hindi sya nalalayo ng edad sa'kin. Mugto ang mga mata sa kaiiyak pero may pagkasingkit ito. Maliit na ilong at maliit pero punong mga mapupulang labi. Ang buhok niya ay hanggang leeg lang sa ikli. Wala kahit na anong kolorete sa mukha.

Napangiti ako dito. Hindi ko alam kung bakit.

Winagayway ko ulit ang panyo sa harap niya.

May alinlangang tinanggap nito iyon at pinahid ang basang mukha nito.

"Kung nasasaktan ka, magdasal ka lang sa Diyos" nakangiti kong ani habang nakatingin rin sa altar.

Hindi ito umiik. Hanggang sa 'Our Father' na at ako mismo ang humawak sa kamay nito habang nakatayo. Nagpatiuna nalang ito kahit maang itong nakatingin sa'kin. Ngumiti ako dahilan para bawiin nito ang tingin patungo sa altar.

Wala akong ibang motibo dito. Ramdam ko lang na kailangan nito ng kasama. Parang nahahawa ako sa kalungkutan nito.

Hanggang sa matapos ang misa.

WANDERING MINDSWhere stories live. Discover now