The Devils' Trap
Chapter 13
Pagkatapos ng battle namin ay agad naman kaming pumunta sa cafeteria.
"Wew! Magiging permanent ka na sa Rank 6, France."
Napatingin naman ako kay Belinda dahil sa sinabi niya.
"Talaga?"
Tumango naman sila.
"Oo, lahat naman ng stars ay naging 5 Stars dahil sa battle. At magiging permanent na ang rank mo unless may battle na naman na nangyari."
Napatango naman ako sa sinabi ni Grazeila.
Ganun pala iyon?
Pagkarating naman namin sa cafeteria ay napapatingin sa amin ang iilang estudyante at nagbubulungan.
Napangiwi naman ako.
Talagang nagbulungan pa sila ano?
Napabuntong-hininga nalang ako at hindi sila pinansin.
Pagkatapos naming maghanap ng table ay nag-prder naman sina Belinda, Aki at Grazeila.
Kaming dalawa lang ni Halsey ang nasa table.
"Halsey, hindi ba uso rito ang Queen bee or yung mga err mean girls dito?"
Nakita ko namang napanguso si Halsey.
"Meron, pero wala sila rito. Iyang si Aki, nabiktima na iyan. Halika rito, may sasabihin akong sekreto."
Lumapit naman ako kay Halsey.
"Alam mo bang nagkagusto o sinubukang ligawan ng 2nd Star si Aki?"
Napasinghap naman ako.
"What? Talaga?"
Tumango naman siya.
"Omo! Paano nangyari iyon?"
Ngumisi naman si Halsey.
"Mag-childhood sweethearts silang dalawa. Actually may nararamdaman din yata si Aki pero si-net aside niya iyon. Ayaw niya kasing madamay sa magulong buhay ng 2nd Star. Magmula kasi nang mamamatay ang kapatid ni Aki, gusto na niyang mag bagong buhay kahit hindi halata. Iyon kasi ang huling habilin nito sa kanya. At kapag pumatol o papatulan niya si 2nd Star, eh parang pinapasok niya na namang muli ang mundong gusto na niyang bitawan at kalimutan."
Napatango naman ako sa sinabi ni Halsey.
"Pero hindi ba sabi mo nabiktima na si Aki ng Queen bee at mean girls dito sa isla? What do you mean by that?"
"Muntikan na siyang mapatay nila."
Nanlaki naman ang mata ko sa nalaman.
"Ano na namang ikinu-kwento mo sa kanya Halsey? Ang daldal mo talaga kahit kailan."
Rinig kong sambit ni Aki sa aking likuran.
Napalunok naman ako at napakamot sa ulo.
"Don't look at me like that. Para kang nakakita ng isang himala."
Sabi ni Aki kaya napaismid ako.
"Grabe ka. Ganun ba ka-weird ang pagkakatingin ko sayo?"
Napangiwi naman ako nang tumango silang apat.
"Psh, fine. Pero 'di nga--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong sinubuan ni Aki ng puto.
Napangiwi naman ako saka nginuya at kinain ang isinubo niya. KJ.
"Oo totoo ang lahat nang sinabi ni Halsey. Madaldal lang ang isang iyan hindi sinungaling."
Nakita ko namang napasimangot si Halsey dahil sa sinabi ni Aki.
"Kumain na nga lang kayo, baka sa kung saan pa iyan mapunta."
Sambit ni Belinda kaya nagsikain na nga lang kami.
Pagkatapos naming kumain ay agad ko silang niyaya sa beach pero ayaw nila.
Tinatamad raw sila.
Ang sama-sama nila ano?
Hindi naman mainit eh, mukhang uulan yata.
Umaambon na naman eh saka medyo malamig ang simoy ng hangin kaya maganda ang tumambay ngayon sa may sea wall.
Bumili na muna ako ng siopao, siomai, vitamilk, nova at cornetto sa convenience store bago ko tinungo iyong dagat.
Naghanap naman ako nang maganda pwesto at agad kong inilatag ang mat na bigay sa akin ni Halsey.
Nagtingin-tingin na muna ako bago ko sinimulang kainin ang mga binili ko.
Napabuntong hininga naman ako.
'Ano na kaya ang mangyayari?'
Bulong ko sa sarili.
Nagulat nalang ako nang may umupo sa tabi ko.
Nanlaki pa ang mata ko nang makilala ko ito.
'Iyong 1st Star! Si Gideon Aries!'
"May kailangan ka ba?"
Tanong ko.
"Ba't ka nandito Aliyah?"
Napalunok naman ako dahil sa lamig ng boses niya.
"Kasi, kasi gusto kong magpahangin."
Nakita ko naman siyang napangisi.
Hindi ko alam pero bigla akong nangilabot.
Bigla niya namang hinablot ang kanang braso ko at hinawakan ito ng mahigpit.
"Why are you f*cking here Aliyah Franchesca? Ba't ka nandito sa Devils' Island? Talagang sobrang kapal ng pagmumukha mo para magpakita sa akin ulit?"
Hindi ko alam pero nang makita kong nagkaroon ng emosyon ang kanyang mga mata ay biglang nagsipatakan ang aking mga luha.
Galit at poot, panghihinayang at sakit.
Iyan ang nakita ko sa mga mata niya.
"Anong ibig mong sabihin? Why do keep on saying na kilala niyo ko?"
Tanong ko rito kaya napangisi uli ito at napahalakhak ng kaunti.
"Such a great actress eh? Kung may pinaplano ka na naman, stop it already Aliyah. Hinding-hindi na kita hahayaang makasakit pa ng iba. Dahil sa oras na may masamang mangyari na naman nang dahil sayo hindi-hinding ako magda-dalawang isip na patayin ka. So f*ck off."
Sambit niya pa saka niya binitawan ang kamay ko.
Napahinga naman ako ng malalim at napahawak sa mukha ko.
Ba't ba ako umiiyak?
Ba't niya ba sinasabi na kilala ko siya?
At ano bang nagawa ko para sa sabihin niya ako ng ganun?
Napahagulhol naman ako.
Halos hindi na ako makahinga ng maayos.
Ba't ba ako nasasaktan?
Napatitig naman ako sa papalayong pigura ng 1st Star.
'Sino ka ba talaga Gideon Aries?'
"Aliyah"
BINABASA MO ANG
The Devils' Island (Completed)
Teen FictionGideon Aries • Aliyah Franchesca Highest Rank Achieved: #1 in Academy #25 in Mystery #7 in Action #7 in Teen-fiction