Chapter 30

6.2K 205 4
                                    

The Devils' Island

Chapter 30

Sunday na ngayon kaya ibig sabihin, battle na namin laban sa Tres Marias.

Papunta na kami sa arena, habang naglalakad kami ay panay ang bulungan at tinginan ng ibang estudyante sa amin.

Kesyo matatalo lang naman daw kami kaya mas mabuting mag-back out na kami hanggat maaga pa.

Napapairap nalang tuloy ako.

Pagkapasok pa namin sa arena ay kitang kita na namin kaagad ang Tres Marias na nakangising nakatingin sa amin.

Maglalaban na nga kami't lahat-lahat, pink pa rin ang kulay ng damit nila.

Hindi ba sila naaalibadbaran sa suot nila?

Napangiwi naman ako.

Inilibot ko naman ang tingin ko at tumigil naman ito ng makita ko ang 5 Stars na nakatingin sa amin.

Nakangiti sa akin sina Lance at Ivan habang si Zach at Spencer ay seryoso lang ang mukha at si Gideon ay naka-poker face.

As usual.

"Sige, maghahanap nalang muna kami ng mauupuan, galingan niyong tatlo okay?"

Sambit ni Belinda kaya tumango naman kaming tatlo nina Aki at Eloiza.

"Basta girls ha? Just do your best na hindi masyadong mapuruhan at mag-ingat sa mga dirty tactics ng Tres Marias. Alam niyo namang ang dumi-dumi nilang makipaglaban, ano pa ba ang aasahan natin sa mga maiitim ang budhi."

Nakasimangot na sambit ni Halsey kaya napatawa kami.

"Of course, sige na aakyat na kami. Cheer for us okay?"

Sabi ni Eloiza at tumango naman sila.

"Good luck!"

Sabi nila kaya nginitian namin sila.

Huminga naman muna ako ng malalim saka nagsimulang maglakad papuntang ring.

* - *

Aries' POV

"Sino sa tingin niyo ang mananalo?"

Rinig kong tanong ni Zachary.

"Of course, sina Aliyah. Si Aliyah pa ba?"

Sagot ni Spencer at nakita ko namang napangiwi sina Lance at Ivan.

"Aysus! Si Aliyah daw pero ang totoo naman ay kinakabahan siya para kay Akihira."

Sambit ni Lance kaya binatukan ito ni Spencer.

"Manahimik ka diyan Lance. Ipatapon kita sa bermuda triangle eh."

Napailing nalang ako saka tinititigan si Aliyah.

She looked okay though.

Parang hindi naman siya kinakabahan, actually silang tatlo ng kasama niya, parang hindi sila makikipaglaban, they lookes so calm and serene.

"Ikaw Aries, sino sa tingin mo ang mananalo?"

Nagkibit balikat naman ako.

"I don't know, how would I know that."

Sagot ko kaya napangiwi at napakamot sila sa ulo.

"Hay, sana manalo sina Aliyah. Ba't ba kasi ang epal ng Tres Marias eh."

Turan ni Ivan.

"Makapag-sabi ng epal ang Tres Marias eh parang hindi siya kasali sa pag-grant ng petition nila para sa battle."

The Devils' Island (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon