Chapter 36

5.9K 189 10
                                    

The Devils' Island

Chapter 36

(Still Gideon's POV)

Simula nang dumating kami sa hacienda ng mga Echavez ay tila ba parang naging maamong tupa sina Zachary.

Takot lang yata nilang mabalian.

*Aries! Tawagin mo na raw iyong amazona!"

Sambit ni Ivan habang itinutulak ako kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Tigilan niyo ko ah, ba't ako? Kayo nalang."

Sabi ko pero hilaw lang napatawa silang apat kaya napabuntong-hininga naman ako.

"Nasaan ba raw siya?"

Tanong ko nalang.

"Hehe, nasa likod ng mansion. Dun sa may shooting range."

Tumango nalang ako saka tinungo ang sinasabi nilang shooting range.

Kahit nasa labas pa lang ako kay nakikita ko na siyang seryosong-seryoso sa pagpapa-putok.

Nang nasa may likuran na niya ako at tatanggalin na sana ang ear muffs niya ay bigla siyang humarap sa akin at itinutok sa akin ang baril.

Ikinasa pa nga niya ito.

Napakurap-kurap naman ako.

Is she really a 15-year old girl?

Mukhang nagulat naman ito na ako pala ang nasa likuran niya.

Tinanggal niya naman ang ear muffs niya.

"May kailangan ka?"

Tanong niya.

"Kakain na."

Sagot ko saka tumalikod, nakita ko pang tumaas ang kilay niya.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at tumungo nalang sa dining room.

At habang patagal ng patagal ay paunti-unti na rin kaming napapalapit sa isa't isa.

Sinasamahan ko siya sa pagti-training, minsan din ag sinasamahan niya akong libutin ang hacienda nila.

"Gideon"

Napalingon naman ako sa kanya nang tawagin niya ako.

"Hmm? May kailangan ka?"

Tanong ko.

"Babalik ka pa naman hindi ba?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya habang sina Zachary ay napaangal.

"Syempre naman, babalik ako."

Sagot ko saka siya hinigit payakap at hinalikan siya sa noo.

* - *

Aliyah's POV

Hindi ko alam pero kanina pa may humahabol sa akin.

Ang sakit-sakit na ng katawan ko na puno na ng sugat at pasa.

May tama pa ako ng baril sa tagiliran at kanina pa ako ubo ng ubo ng dugo.

'Gideon! Nasaan ka na!'

Paulit-ulit kong sambit sa aking isipan habang patuloy pa rin sa pagtakbo hanggang sa makarating na ako sa parang dead end.

Nasa may bangin na pala ako.

Hindi ko na kayang manlaban pa dahil sa pagod na pagod na ako.

Isang linggo na akong halos walang kain kaya wala akong masyadong lakas.

The Devils' Island (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon