Chapter 42

5.5K 155 6
                                    

The Devils' Island

Chapter 42

Kinabukasan ay agad naman kaming nagsipuntahan sa mga classroom namin pagkatapos naming kumain.

Kasalukuyang nagdi-discuss ang Prof namin nang biglang nag-ring ang emergency bell.

Napatingin naman ako sa 5 Stars at nagtinginan pa kami bago tuluyang nagsitakbuhan pababa ng building.

Nakasalubong naman namin sina Hasley.

"Halsey! Anong nangyayari?"

Tanong ko pero umiling lang sila.

"Hindi namin alam. Si Prof Goliath?"

Tanong ni Aki at nakita naman naming papatungo si Prof sa amin.

"Nandito ang mga tauhan ni Akesha!"

Nagulat naman kami sa sinabi niya.

"Ha? Paano nangyari iyon?"

Tanong ni Zach.

"Tama nga ang hinala mo Aliyah, marami pa ang tauhan ni Akesha rito sa Devils' Island."

"Nagsimula na silang mang-gulo kaya pina-ring na ng officials ang emergency bell. Natamaan namin si Akesha sa may seaside. I think she's coming for you Aliyah!"

Sambit ni Prof kaya napabuntong-hininga ako.

Nagsitakbuhan naman kami patungo sa seaside at nagulat nalang kami kung gaano kagulo ang lahat.

Agad ko namang iginala ang aking paningin.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Akesha.

"Sh*t! Gideon! Si Trixie!"

Gulat kong ani habang nakaturo kay Akesha na ang anyo ay parang si Crisanta at hawak-hawak pa nito Trixie.

Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Gideon at Prof Goliath.

"How the hell did she get Trixie?"

Sambit ni Prof Goliath.

"Trixie!"

Sigaw ni Gideon kaya napalingon si Akesha at Trixie sa amin.

Nakita ko namang napangisi si Akesha.

Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa kanila habang sila ay naglakad na rin patungo sa amin.

"Oh hi my dearest twin sister! Ooops, si Crisanta nga pala ako ngayon kaya dapat cousin ang tawag ko sayo."

Naikuyom ko naman ang mga kamao ko habang nakatingin sa kaniya.

"Nababaliw ka na nga talaga, Akesha! Namatay na nga sina Mommy at Daddy! Hindi ka pa rin matigil-tigil!"

Sigaw ko pero ngumisi lang ito.

"Of course, saka lang naman ako matatahimik kapag mamamatay ka na rin!"

Nagpaputok naman siya, mabuti nalang at nahila ako ni Gideon.

"Iyon na nga eh! Ako naman pala ang kailangan mo! Ba't mo pa isasali si Trixie!"

Sigaw ko ulit pero umirap lang ito.

"Syempre! Paano kita mako-kontrol kung wala akong ipapain sayo! Like duh, hindi naman ako kagaya ni Eloiza na tatanga-tanga!"

Napaawang naman ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"Sumusobra ka na, Akesha. Noon pa man, sumusobra ka na. Nagiging masaya ka ba sa ginagawa mo? Does is it make you happy sa tuwing may sinisira kang buhay? Ha? At talagang ganyan lang ang tingin mo kay Eloiza? Kaibigan mo iyon!"

Nakita ko namang napahalakhak ito.

"She' not one of my friends, Aliyah dear. She's just one of my puppets so you don't need to over react."

"You're crazy, Akesha."

Sambit ko pero ngumisi lang ito.

"Matagal na. Buhay mo kapalit ng buhay ni Trixie, sounds fair right?"

Ani niya kaya napailing ako.

Tinutok niya naman sa akin ang baril niya kaya tinutok ko rin sa kanya ang baril na hawak ko.

Ngumisi naman si Akesha saka dahan-dahang pinakawalan si Trixie.

"Lakad!"

Sigaw niya kaya dahan-dahan ring naglalakad si Trixie papunta sa amin.

Nakatitig lang kaming lahat kay Trixie na naglalakad patungo sa amin.

Ikinasa naman ni Akesha ang baril niya kaya ikinasa ko na rin ang baril.

"Shoot me once or twice or even thrice, sisiguraduhin kong isa sa inyo ni Trixie ang mamamatay kasabay ko Aliyah."

Nakangising sambit nito.

Kaya napapikit ako ng mariin.

"Just one wrong move, I won't hesitate to pull the trigger."

Dagdag niya pa kaya natahimik lang ang lahat.

Malapit na sa pwesto namin si Trixie nang biglang nagpaputok si Akesha sa taas kaya napaigtad kaming lahat.

"I'm just practicing guys, no need to worry. You all looked scared."

Natatawang sambit niya.

Nakatitig lang ako kay Akesha nang para bang kakalabitin na niya ang gantsilyo.

Kaya sabay kaming napasigaw lahat.

"Trixie"

Nagpaputok naman sina Aki sa direksyon ni Akesha.

At nanlaki naman ang mata ko nang makitang tumakbo si Ivan sa gawi ni Trixie at bigla itong niyakap.

Napaluhod naman ako nang makitang natumba ito matapos tamaan ni Akesha.

"Ivan"

Tanging nasambit ko na lamang.

The Devils' Island (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon