Chapter 33

5.7K 178 12
                                    

The Devils' Island

Chapter 33

Someone's POV

"Uno?"

Pambungad ko sa tumawag.

"Oh? Napatawag ka?"

Napatitig naman ako sa repleksyon ko sa salamin bago ako sumagot.

"Do it now. May ipapadala na akong mga tauhan na maaaring tumulong sa inyo. Do what it takes para makuha si Aliyah. I'm trusting you to do this well Uno."

Sambit ko.

"Sure dear, may plano na ako. So you don't need to worry. Kailan pa ba ako pumalpak?"

Napangisi naman ako.

"I know, and nice acting by the way. Napaniwala mo siya, pwede ka ng mag-artista."

Narinig ko naman siyang napatawa.

"Yah right, nagka-amnesia lang siya nagiging bobo na. Sige na, I need to go."

Sambit niya.

"Okay, just call me kung nagawa niyo na."

Ani ko saka in-end ang tawag.

It's now or never Aliyah.

* - *

Aliyah's POV

Ilang araw na ang makalipas matapos ang battle pero may iilan pa ring nagbubulungan tungkol rito.

Nasa maayos na kalagayan ang Tres Marias.

At sa tuwing nagkakasalubong kami ay panay lang ang tingin nila sa akin ng masama.

As if it's my fault na nagkaganun sila.

Eh sila naman ang nag-file ng petition, ang sarap din nilang pag-untugin eh.

"Aliyah?"

Napalingon naman ako sa tumawag.

"Oh? May kailangan ka, Grazeila?"

Napailing naman siya.

"Wala lang, nakita mo ba sina Aki?"

Umiling naman ako.

"Ba't mo naman sila hinahanap?"

Tanong ko.

"Gusto ko kasing pumunta sa indoor na swimming pool ng campus pero wala akong kasama."

Napatango naman ako.

"Maliligo ka?"

Nakita ko naman siyang napangiwi.

"Hindi, kakain ako dun France, kakain."

Binatukan ko naman siya.

"H'wag kang pilosopo."

Sabi ko naman kaya napaismid siya.

"Pero hindi nga, may indoor swimming pool pala rito?"

Tumango naman siya.

"Sama ka?"

Tumango naman ako.

"Edi tara na."

Sambit niya saka pinulupot ang mga kamay niya sa braso ko.

"Seryoso kang maliligo ka pero walang pamalit?"

Tanong ko kaya napatigil naman siya at napakamot sa ulo.

"Oo nga 'no? Hehe. . Sige sa dorm nalang pala muna tayo."

Sabi niya saka ako hinila patungong dorm.

Pagkarating namin sa dorm ay napakunot noo ako dahil sa bukas ang pintuan ng dorm namin.

Napatingin naman din sa akin si Grazeila.

"May nakapasok ba sa dorm natin, France?"

Nagkibit-balikat naman ako.

May napasin pa akong ilang scratches sa door knob kaya baka may nakapasok nga.

Dahan-dahan naman kaming pumasok ni Grazeila sa dorm.

Inilibot naman namin ang tingin sa sala mukhang wala namang tao.

Nilingon ko naman si Grazeila at nanlaki naman ang mata ko nang makita kong nakahiga na ito at may nakatarak na injection sa may leeg niya.

Naramdaman ko namang parang may tao sa likuran ko.

Agad ko namang sinangga ang kamay niya na may hawak na injection.

Pinilipit ko naman ito kaya nabitawan niya ang injection kaya agad ko itong sinipa palayo.

Tinuhod ko naman siya at bahagyang itinulak saka sinipa kaya napaupo naman ito.

Lumingon naman ako sa may likuran ko nang maramdaman ko na namang may tao sa likuran ko.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangisi.

Sinubukan naman akong suntukin nung isa sa kanila at buti nalang ay naiwasan ko ito.

Hinablot ko naman iyong isa nang makita kong sasaksakin na sana ako nung isa pa.

Sinipa ko naman iyong isa na may hawak na baril.

May baril naman pala sila, ba't hindi nila ginagamit?

Bobohan lang ba ang peg nila?

Agad ko naman silang napatumba kaya kinuha ko naman ang baril.

Saka itinutok sa taong nasa likuran ko.

Lahat sila naka-ninja outfit kaya hindi ko sila makilala.

But this one is very familiar.

Siya rin yata iyong nakita kong nakatingin sa amin ni Gideon nung may nanloob din sa dorm namin.

Tinutukan niya naman ako ng baril kaya tinutukan ko rin siya.

Napangisi naman ulit ako at napatawa.

May lumabas pa kasi na mga ninja.

Mga sampu at lahat sila may hawak na baril.

"Wow ha? Prepared na prepared, should I feel honored then?"

Tanong ko.

This would be a game over for me.

Ikinasa ko naman ang baril ko.

Kaya sumunod naman din silang lahat.

Pinukpok ko ang ulo nung kaharap ko at dali-dali kinuha ang baril niya at agad na hinablot siya para gawing pang-sangga at binaril isa-isa iyong iba pang ninja.

Hindi naman sila agad naka-react dahil sa gulat.

At mas lalong hindi sila makapa-putok dahil nga sa kasama nila.

Naitumba ko naman silang lahat nang maramdaman kong may parang may kung anong itinarak sa may leeg ko.

Bigla naman akong nahilo at parang inaantok.

'Sh*t!'

Bulong ko nalang nang natumba na ako at tuluyan ko nang naipikit ang aking mga mata.

The Devils' Island (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon