Chapter 20

6.4K 210 2
                                    

The Devils' Island

Chapter 20

Kinabukasan ay agad ko namang binasa ang bagong issue ng Devilish Newspaper.

Okay naman ang pagkakasulat ni Eloiza sa article na tungkol sa akin.

Hindi siya OA at lahat totoo.

She's a good journalist ha?

Akala ko hacker lang talaga siya.

Agad naman akong nagbihis pagkatapos kong maligo.

Nag-ayos muna ng kaunti saka bumaba.

"Why do all of you look gloomy?"

Tanong ko.

"May kumakalat na naman na rumor na ang 1st Star at si Stacey were dating already."

Napataas naman ang kilay ko.

Ba't ba 1st Star sila ng 1st Star?

Mahirap bang sabihin ang Gideon o Aries?

Is it forbidden to call them by their names? At sino naman si Stacey?

"Why do you keep on saying 1st Star? Bawal ba silang tawagin using their names? At sino naman si Stacey? One of the Tres Marias?"

Napangiwi naman sila.

"Yes, Stacey is one of the Tres Marias. At saka about sa palagi nalang naming tinatawag sila using 1st, 2nd, 3rd, 4th, and 5th Star sadyang trip lang talaga namin."

Napangiwi naman ako.

"Hindi ba natatakot ang Tres Marias sa 5 Stars? And by the way, talaga bang dahil lang ba talaga sa napalapit si Aki kay Spencer kaya napag-tripan nila ito?"

Tanong ko kaya napalunok sila.

"Stacey and Vina are my stepsisters. Sadyang naiingit na sila since then nang ikasal si Mommy sa Daddy nila. Mas pinapaburan kasi ako ng Daddy nila kaysa sa kanila. At nakita nilang opportunity ang pagkakatapon ko rito sa isla."

Sagot ni Aki kaya napatango ako.

"Takot ang Tres Marias sa 5 Stars, sadyang makakapal at malalandi lang talaga sila. Panay ang pagkakapit sa mga bituin. As if namang papatulan sila."

Napailing nalang ako sa sinabi ni Belinda.

Sa kanilang apat, sina Belinda and Aki ang may attitude at may b*tchy side.

Habang si Graziela ay neutral lang at si Halsey ay sadyang baliw lang talaga.

"Close friend nila iyong Queen 'kuno' ng Class E, France."

Sabi ni Halsey kaya napatango ako.

Isa ring b*tch iyon eh.

Totoo nga siguro ang kasabihan na 'Birds with the same feather, flock together'.

I just really hope that everything will alright.
Tinatamad akong makipagplastikan ngayong araw.

* - *

Pagkarating namin sa cafeteria ay panay ang bulungan ng lahat.

Parang big deal din yata sa kanila ang pagbabalik ng Tres Marias.

Ba't ba Tres Marias ang tawag sa kanila?

Masyadong weird at baduy ah?

Nakasuot lang ako ng black leather jeans, at white spaghetti strap na blouse na pinatungan ko ng black leather jacket at nagauot rin ako ng black na ankle boots.

Nagsuot rin ako ng choker na kulay black at hi-nigh pony tail ang buhok ko.

Just in case na makita ko o hindi kaya'y makasalamuha ko ang tres marias.

Nag-order naman kami at agad na umupo sa table namin.

Nagsisimula na kaming kumain nang medyo lumakas ang bulungan nang bumukas ang pintuan ng cafeteria.

Muntikan na akong humalakhak nang may nakita akong mga babae na halatang pink at pula ang favorite color!

Like what the heck!

Don't tell me sila ang Tres Marias?

Siniko naman ako ni Halsey nang mapansin niyang natatawa ako.

"Pigilan mo iyan France. H'wag kang mag-alala, natatawa rin kami pero kailangan mong pigilan iyan. Ayaw pa naman nilang pinagtatawanan ang outfit of the day nila. Trying hard na fashionista kasi ang peg ng tatlong lang iyan. Para silang tatlong bibe na naligo ng pink na pintura."

Bulong sa akin ni Halsey.

Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sariling matawa.

Nakita ko naman si Eloiza na nakatingin sa akin.

Nakangising umiling naman ito nang mapansin niyang natatawa ako.

Sinenyasan niya naman akong tumigil at manahimik.

Kaya pinigilan ko talaga ang sarili at nag-isip nalang ng ibang bagay.

Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa pagkain at hindi nalang sila inisip.

Nag-poker face na rin ako para safe at hindi mahalata na tinatawanan ko na sila kanina pa.

Ang hindi ko lang ma-gets ay kung bakit parang takot na takot yata sila sa Tres Marias, ganun ba talaga sila kalakas para katakutan ng nakararami?

Ano kaya ang rank nila?

Bumuntong-hininga nalang ako.

Nawala naman sa kanila ang atensyon ng ibang estudyante nang tuluyan na silang makaupo at makahanap ng sariling table nila.

Patapos na kami sa pagkain nang lumakas naman ulit ang bulungan.

Napatingin naman ako sa gawi ng nung Tres Marias at nakitang papunta sila sa amin.

'Ano naman kaya ang gusto ng mga 'to?'

The Devils' Island (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon