The Devils' Island
Chapter 41
Papunta na ako sa classroom ko nang makasabay ko si Prof Goliath/Tito Carlos.
"Aliyah"
Napalingon naman ako sa kanya.
"Pupunta rito si Trixie this coming Wednesday. I think oras na para
makita ni Gideon ang kapatid niya."Tumango naman ako.
"Sige po, ano na nga po pala ang nangyari sa Tres Marias at kay Eloiza?"
Tanong ko.
"Nasa isang specialize na institute sila na hawak rin ng Devils' Island. Doon na muna sila inilagay pansamanta hanggat hindi pa nadadakip si Akesha."
Tumango naman ako.
"Kamusta na nga pala si Trixie?"
Tanong ko.
"Okay lang naman, well, she's really thankful to you dahil sa pagligtas mo sa kanya noon."
Napangiti naman ako.
"Hay. Sana nga po talaga, matapos na ang lahat. Nakakapagod na rin po kasi."
Natatawang sabi ko.
"Nakakapagod na nga. But you should ready yourselves baka anytime ay darating si Akesha rito at manggulo."
Tumango naman ako saka tinungo ang upuan ko habang si Prof ay pumunta naman sa harapan at nagsimula nang magklase.
* - *
Kanina pa kami pinagtitinginan at pinagbubulungan dahil sa kasama namin ang 5 Stars.
Idagdag na rin na panay ang kulitan nila at tawanan.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang makikita nilang ngumingiti at tumatawa ang 5 Stars.
"Hoy tumigil na nga kayo diyan. Nagmumukha kayong mga sira."
Sambit ko pero nag-make face lang sila.
Magsasalita pa sana ako nang bigla akong sinubuan ni Gideon ng Lumpia.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Napaismid pa ako nang magsikantahan sila ng 'Muling Ibalik ang Tamis ng Pag-ibig'.
"H'wag kang masyadong KJ, Aliyah."
Sambit ni Gideon.
Imbes na sagutin siya ay inirapan ko nalang siya saka nginuya ang Lumpiang isinubo niya sa akin.
"Pero hindi nga, pasensya na for this question ah, may chance pa bang magkabalikan kayo, Aliyah? Aries?"
Tanong ni Halsey kaya pinanliitan siya ng mga mata.
"Depende sa kanya."
Sagot ni Gideon kaya nagsitilian naman ang mga babae, isali mo na rin si Halsey na feeling babae.
Habang sina Spencer ay napapailing nalang habang nakangisi.
"Eh kayo, Akihira at Spencer?"
Tanong ni Gideon kaya natahimik ang lahat saka tiningnan sina Aki at Spencer.
Napatawa pa ako ng bahagyang nagsi-iwasan silang dalawa ng tingin. Mga pabebe rin ang dalawang 'to.
"Uy sumagot kayo. H'wag kayong pa-suspense."
Sambit ni Grazeila kaya napatawa kami.
"It depends also, hindi naman natin alam, maybe yes, maybe no."
Sagot ni Spencer kaya napa-ows sina Halsey pati na rin sina Zach.
Habang ako ay napapailing nalang.
"Ay Zach! Nakilala mo na ba si Belinda?"
Tanong ko at tumango naman ito.
"Alam mo bang--"
Iku-kwento ko na sana na may gusto sa kanya noon si Belinda nang subuan niya ako ng Lumpia, na naman.
"Yes alam ko. Na-kwento sa akin ni Halsey."
Sambit ni Zach kaya napatawa kaming lahat nang biglang nag-blush at napalunok si Belinda.
"Iyan daw! Iyan daw ang naka-move on na."
Ani ni Aki kaya napatawa ulit kami.
"Naka-move on na naman talaga ako. Sadyang nakakahiya lang talaga!"
Sabi ni Belinda pero halata sa boses nito na parang nahihiya ito.
"Tumigil na nga lang kayo. By the way, pupunta raw si Trixie rito bukas. Iyan ang sinabi ni Prof Goliath kanina."
Turan ko kaya napalingon silang lahat sa akin.
"Trixie? Iyong kapatid ni Gideon mo?"
Napairap naman ako sa tanong ni Lance.
"Oo, iyong kapatid ni Gideon. And for the record, he's not mine kaya hindi ko siya Gideon. Tigil-tigilan niyo ko ah."
Sabi ko kaya napa-awws na naman silang lahat.
"Wala na! Inuman na this!"
"Kawawang Aries!"
"Okay lang yan Pre! Pakitaan mo lang ng Abs!"
Natawa nalang kaming lahat dahil sa pinagagawa nila.
Mga baliw talaga.
BINABASA MO ANG
The Devils' Island (Completed)
Teen FictionGideon Aries • Aliyah Franchesca Highest Rank Achieved: #1 in Academy #25 in Mystery #7 in Action #7 in Teen-fiction