Chapter 39

5.8K 169 10
                                    

The Devils' Island

Chapter 39

[Flashback]

Pinilit ko na lamang ang sariling tumakbo papalayo.

'Hooo! You need to concentrate Aliyah! Kailangan mong mabuhay.'

Paulit-ulit kong sambit pero hindi ko pa rin mapigilan ang sariling hindi maiyak.

Ilang oras pa akong naglakad sa at napapansin ko na ring dumidilim na ang paligid.

Malapit nang gumabi.

Napahawak naman ako sa tagiliran kong kanina pa nagdudurugo.

Nilakasan ko na lang ang loob ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Hanggang sa tuluyan na akong napapatakbo nang maramdaman kong parang may paparating.

Napaluhod naman ako dahil sa sobrang pagod.

Nilingon ko naman ang nasa likuran at may naaaninag akong kotse.

Nandito na sila!

Kaya agad naman ulit akong naglakad.

* - *

Napatitig naman ako kay Eloiza nang maalala ko na naman ang mga nangyari noon.

Nakatali siya sa isang upuan, silang apat ng Tres Marias.

"Nasaan na si Akesha, Eloiza?"

Tanong ko pero nginisihan lang ako nito.

"Why would I tell you? Sino ka ba sa tingin mo para sabihin ko sayo ang kinaroroonan ni Akesha?"

Nang-uuyam nitong sambit kaya napangisi nalang din ako.

"Fine, you don't need to tell me then dahil alam ko namang mahahanap at mahahanap niya naman rin ako. But let me ask you a question, nagpa-plastic surgery ba si Akesha? Ha Eloiza?"

Tanong ko kaya napataas ang kilay nito.

"You bet. Maybe yes, maybe no. Pwedeng oo, pwede ring hindi. Nakadepende na iyan sa kung anong trip mong isipin."

Sagot niya kaya napailing ako.

"You're really not the Eloiza that we know."

Sambit ko.

"Of course, are you even sure na kilala niyo ako?"

Ani niya kaya napangiti ako.

"No, dahil alam naman yata nating lahat na ginawa mo lang naman ang lahat ng iyon dahil sa iniutos iyon sayo ni Akesha. And it seems like, you dedicate your life to Akesha. Lucky her then for havibg someone like you. And too bad for you, for having someone like her. Sa tingin mo ba, sasagipin ka niya rito Eloiza?"

Sambit ko kaya sinamaan niya ako nang tingin kaya hindi ko mapigilang hindi mapangisi.

"I can conclude already na ang Crisantang kasama ko bago ako napapunta rito ay si Akesha. And I think she's too dumb para hindi ako patayin kahit may tsansa naman siyang patayin ako habang magkasama kami sa iisang bubong."

Dagdag ko pa nang narining kong tumawa si Eloiza.

May topak rin yata 'to sa ulo kagaya ng kambal ko eh.

"No, you're just lucky Chesca. Mukhang noong nagpaulan ang langit ng swerte ay halos nasalo mo lahat. Do you even know na noong araw na nakuha ka ng mga agents ng Devils' Island ay siya ring araw din na ipapatay ka sana ni Akesha?"

Ani niya kaya napakunot noo ako.

"Bantay sarado ka niya noon pa man nang malaman naming nabuhay ka pa matapos nang mangyari sa iyo, sa tingin mo bakit siya pumayag na hayaan kang pumunta sa convenience store mag-isa para bumili lang ng cornetto? We already have a plan all along pero may mga bwis*t talagang ipinanganak sa mundo."

Napakunot noo naman ako.

"You weren't supposed to be here Chesca, pero dahil sa may nag-report na kailangan mong maitapon rito dahil kagaya ka rin naming demonyo eh ora mismong napatapon ka rito. Do you know who she is? At alam mo rin ba kung ano ang rason niya para ipatapon ka rito?"

"Dahil alam niyang sa oras na nandito ka, marami ang magpo-protekta sayo. Ang Tito mo, ang 5 Stars pati na rin ang magiging kaibigan mo once na mapunta ka rito. Ang talino niya ano? At alam mo ba kung sino siya? Trixie Lyannah Herrera."

Dagdag niya kaya napatigil ako.

"At first akala namin coincidence lang ang lahat hanggang sa malaman naming buhay nga ang kapatid ni Aries at nasa puder ito ng Tito mo. Do you even know kung kanino ang islang ito, Chesca?"

"Sa pamilya ng Echavez at sino ang tagapagmana? Ikaw. Lahat nang naririto ay saiyo. At ang kasalukuyang humahawak ay ang Tito mo. I salute your Tito for being so wise and clever though. Iniba niya pa talaga ang pangalan niya. And it's still a wonder kung saan niya itinatago si Trixie. Pero hindi na namin iyang po-problemahin, do you know why? Because our main objective and goal is to kill you. Your twin sister is so obsessed in killing you."

"And I know she's going to do it, whatever it takes. Kahit madamay na ang lahat na naririto sa isla. And oh! I have trivia, may isang oras nalang kayo before sumabog ang mga bombang inilagay namin dito. Tick! Tock! Tick! Tock!"

Tumawa naman si Eloiza na parang nababaliw.

"Magkamatayan na tayong lahat, tutal pare-parehas naman tayong demonyo. Sabay-sabay nalang tayong lumipad papuntang impyerno."

[A/N: At tuluyan na pong nabaliw si Eloiza. Hindi po yata siya hacker, psychopath yata, mukha nga pong silang dalawa ni Akesha ang magka-kambal, hahahaha. Malapit na siyang matapos in fairness. Pasensya na kayo kung walang masyadong kilig moments sina Gideon at Aliyah.]

The Devils' Island (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon