Aven Manuel Zalda Rriaga
Mabilis akong nagtungo papunta kay Coach Li at sa iba kong team mates matapos akong magpaalam kay Moi.
"Kanina pa natapos ang break, where have you been?" Pambungad na tanong niya sa akin.
"Nag cr lang po." Well, white lies lang naman.
"Okay, Bullet you may now join."
Hingal na hingal ako habang inaagaw ang bola kay Feb. Mabilis talaga siyang tumakbo. Sinenyasan ko si Alice na agawin ang bola kay Feb. Agad naman siyang lumapit at sinubukan ang sinabi ko. Imbis na maagaw ay nadapa siya. Tumakbo ako upang balikan ang bola. Malapit ng maka goal si Feb nang maagaw ko ang bola at sinipa. Pero imbis maka score ay tumilapon ang bola sa ibang direksyon.
"Oh my God!!" Sigaw ng isang ka team mate ko na si Diane.
"Anong nangyari?" Nagtataka kong tanong.
"Aboitiz! Out!" Sigaw ni Coach habang nakatingin sa akin.
Agad nagsilapitan ang mga ibang estudyante. Pinapalibutan nila ang isang lalaki na nakahandusay sa lupa. Lumapit ako doon at napansin kong may dugo siya sa ulo. Worse is, katabi niya yung bola. I'M SO DEAD.
"OHMYGOOOOOD! AVEEEEEN!!" Sigaw ng karamihan.
"Ano pang hinihintay niyo? Dalhin niyo na siya sa clinic." Sabi ni Coach na ngayon ay nakapamaywang.
Agad namang dinala ng iba yung lalaki sa clinic. Habang ako naman ay naiwang tulala. Napaisip tuloy ako kung anong kahihinatnan ko nito.
Bumalik lang ako sa wisyo ko nang may tumikhim.
"Kabago bago pa nga lang ng tao, malas na kaagad. Kawawa naman si Aven. Tsk tsk." Sambit ng isang babae habang tinataasan ako ng kilay. Ang iba naman ay nakahalukipkip at galit na galit na nakatingin sa akin.
Mabuti na lang at tinawag ulit ako ni Coach kasama ang team mates ko.
"Okay now that you're all here, gusto kong malaman niyo na we'll have our rehearsal game tomorrow again. I need you all to really improve especially you, Vergara." Nakapamaywang na sabi ni Coach Li habang tinitingnan si Mary Rose.
"And you, Aboitiz. Great performance! Keep it up! But may atraso ka pa." "See you tomorrow and you may now go. All of you."
Inakbayan ako ni Alice at sinabayan ako sa paglalakad.
"Bullet! Swerte mo rin ah. Okay ka lang ba? Patay na ba yung tao?" Pagpipigil niya ng tawa.
"Ba't ba, halos lahat parang galit sa akin? I mean ba't parang ayaw nila sa akin?" Tanong ko.
"Ano ka ba! You almost killed their King, and you'll expect them to like you? Patawa ka rin ano."
"What? Ni hindi ko nga yun kilala eh." Kunot noo kong sagot.
"Kaya nga, wala ka kasing alam. Si Aven Manuel Zalda Rriaga kaya yun."
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
Romance--Be strong enough to let go and be patient enough to wait for what you deserve.-- Dumating siya sa buhay mo ng di mo inaasahan. Kung gaano man siya kabilis dumating, ganun din siya kabilis nawala. Alam mong mahal mo siya, pero kaya mo bang pakawala...
