Especially You
"Go bullet!" Narinig kong cheer ng mga estudyante. Sabado ngayon at rehearsal games pa rin namin.
"Ang sexy mo Bullet!" Narinig kong sigaw ng isang Junior na ngayon ay tinutulak ng mga kasamahan niya.
Patuloy pa rin ang hiyawan ng mga tao nang nahagilap ng mata ko si Aven na may kausap na babae sa tabi ng torch. Nakahawak siya sa bewang nito habang may binubulong.
Biktima na naman sa kalandian ni Aven.
Nagulat ako nang bigla na lang lumingon si Aven sa direksyon ko. Pero di katulad ng dati, malamig ang titig niya sa akin ngayon.
Bumalik lang ako sa wisyo ko nang sinigawan ako ni Mary.
"Bullet! Yung bola daliiiii!!!!"
Mabilis kong sinipa ang bola patungo sa goal.
Napasimangot ako nang nasalo ito ng goalkeeper. Mabilis namang nakapito si Coach. 30 minutes break daw muna.
"Hoy babae." Napalingon ako sa nagsasalitang si Alice.
"Hmm?"
"Mabuti naman at di nabutas yung bola. Anyare sayo?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Hmm, wala."
Naglakad kami ng sabay patungong bleachers. Iniabot naman agad ni Alice ang isang bottled water sa akin. Mabilis ko itong tinungga.
"Sus. Sinungaling!?" Tanong niya.
Maigi niya akong tinitingnan. Kahit mahigit walong taon na kaming magkaibigan ni Alice, hindi ko pa rin matukoy kung kailan ba siya nagseseryoso.
Kibit balikat ang naisagot ko. Ayaw kong malaman ni Alice kung ano yung nakita ko dahil panigurado na walang tigil na kantyaw sessions ang mararanasan ko.
Mabuti naman at hindi na siya ulit nangulit pa o nagtanong man lang.
"Tara na? Tapos na yung break." Basag ko sa katahimikan.
Agad akong nilapitan ni Coach pagdating namin sa field. Kinausap niya ako tungkol sa nalalapit na Sportsfest.
"May meeting tayo mamaya. Together with the basketball team. 4:30 okay?"
"Okay coach." Sagot ko.
--------
Nasa faculty room ako ngayon kasama si Coach Li at ang mga team mates ko. Hinihintay namin yung basketball team since may practice pa sila.
"Omg, Varsity si Aven?" Narinig kong tanong isang team mate ko.
Isa isang nagsidatingan ang mga basketball varsities. Lahat, pawis na pawis. Agad siguro silang dumiretso dito pagkatapos ng rehearsal game.
"Now that you're all here, I want you to know na nalalapit na ang SportsFest ng Liceo. So, ang pag uusapan lang natin ngayon ay ang Jersey o Sports attire niyo." Pagsisimula ni coach.
Agad kong naaninag ang mukha ni Aven na pulang pula. Nakatingin siya sa kanyang cellphone. Bigla kong naalala yung nangyari kahapon. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
"So what can you suggest? Basketball varsities, you first?" Tanong ni coach.
May nagtaas ng kamay. Si Jahred, ang captain ball ng basketball team.
"Sir, ibabalik na lang siguro natin yung maroon at saka white jersey namin noon?" Pagsusuhestiyon niya.
"Pwede rin. Ayaw niyo ba ng bago?" Tanong ni coach sabay sandal sa lamesa.
Nakita kong itinaas ni Aven ang isang kamay.
"Yes, Mr. Zalda Rriaga?"
"I would like to change the sports attire of the soccer team." Walang emosyon niyang sabi.
"Hey dude, what now? Kasali ka na sa women soccer team? Sa basketball varsities pa nga lang yung pinag uusapan. Wait... Are you gay?!" Pagbibiro ni Kyfer na naging dahilan upang magtawanan ang lahat.
Hindi niya initindi ang biro ni Kyfer. Sa halip ay tumikhim siya bago nagsalita ulit.
"I don't like seeing them showing too much skin." Komento niya habang nakatitig sa akin ng maigi. Naiilang ako sa titig niya. Sinubukan kong tingnan siya ng diretso at nakita kong nag igting ang kanyang panga.
"T-teka, OMG! Concern si Aven sa akin!" Narinig kong bulong ni Jacki, isang ka team mate ko.
Pero bago pa man siya maghurumentado sa kilig, narinig kong biglang nagsalita si Aven.
"Especially you number 24."

BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
Romance--Be strong enough to let go and be patient enough to wait for what you deserve.-- Dumating siya sa buhay mo ng di mo inaasahan. Kung gaano man siya kabilis dumating, ganun din siya kabilis nawala. Alam mong mahal mo siya, pero kaya mo bang pakawala...