Tomorrow
"Okay. I need you to meet up with your diad. The submission of your paperworks is on this coming Thursday. Goodbye." Sabi ni Miss Oldivar sa klase sabay alis.
Agad nagsitayuan ang lahat at pumunta sa kani-kanilang partner. Pero nanatili pa rin akong naka upo.
Nakaramdam ako ng kalabit sa aking balikat. Nakita kong nakasimangot na humarap si Aven sa akin.
"About yesterday, Gu-" Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa akin ng maigi. "Bullet, you tricked me. Not only once, but twice!" Sabay iling niya na parang dismayado.
Nakangisi akong tumingin sa kanya. Nakita ko siyang kumunot ang noo na parang nagtataka.
Agad kong kinuha ang paper works at may isinulat doon. Pagkatapos ay ibinigay ko naman sa kanya.
Napansin kong nag iba ang kanyang ekspresyon, unti unting umangat yung gilid ng labi niya.
"You really can't resist my charms, huh."
Inirapan ko siya at nagsalita. "Since research ang gagawin natin, hindi ito magiging madali. So I need your full cooperation."
"Hmmm." Sambit niya habang nakangisi.
"So?"
Nag aabang ako sa kung anong sasabihin niya.
Pero wala naman pala.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap. Narinig ko siyang tumikhim pero nanatili pa rin siyang tahimik.
Minutes later,
Biglang tumayo si Aven at lumabas. Nakita kong naghihintay si Joss at si Kyfer na may kasamang babae. Binigyan ng high five ni Kyfer si Aven habang tinanguan lang siya ni Joss. Narinig kong tinanong ni Aven kung asan si Levi.
"Ah. Absent. He's busy on his Dad's company. Soon to be CEO yun eh." Sagot ni Kyfer.
Kilala ang mga angkan ng Madrigal. Kahit sa ibang bansa ay matunog ang kanilang apelyido. Nasa college pa nga lang si Levi pero naatasan na siyang sumunod sa yapak ng Dad niya bilang CEO ng kanilang kompanya.
"Matagal na palang magkakilala sina Aven, Kyfer, Joss at Levi?" Narinig kong tanong ng isang kaklase.
"Yup. Since grade school. Late enrollee si Aven kasi kararating pa lang niya galing States." Sagot naman ng isa.
Napalingon ako sa direksyon kung asan nakatayo si Aven. Pero nagulat ako nang mapansin kong umalis na pala sila. Teka, magka cutting si Aven?
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa clinic para maipa check ulit yung sprain ko.
Ngiting-ngiti akong lumabas ng clinic pagkatapos. Makakasali na ako sa rehearsal games ulit!
"Okay ka na?" Tanong ni Alice na ngayon ay kasama kong naghihintay sa iba naming team mates.
"Yup." Nakangisi kong sagot.
Mabilis pero sobrang nakakapagod ang rehearsal game namin. Labis akong nakaramdam ng lagkit, kaya pumunta muna ako para makapagbihis agad.
Naglalakad na ako pabalik sa bleachers nang may tumawag sa akin.
"Pssst! Bullet!" Awtomatiko akong napalingon sa likod ko. Nakita kong agad na lumapit si Aven sa akin. Naka varsity jersey siya ng basketball.
"Tomorrow." Mabilis niyang sabi sabay alis.
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
Romance--Be strong enough to let go and be patient enough to wait for what you deserve.-- Dumating siya sa buhay mo ng di mo inaasahan. Kung gaano man siya kabilis dumating, ganun din siya kabilis nawala. Alam mong mahal mo siya, pero kaya mo bang pakawala...
