Kabanata 1

9 0 0
                                    

Anong meron?

Paano ba to? 3 seconds na lang! Iyan ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko.

" Ano ba, Bullet! Bilisan mo na!!" Narinig kong sigaw ni Alice sa aking likuran.

Mabilis kong naagaw ang bola at tumakbo ng pakaliwa.

"THAT WAS A GREAT KICK FROM ABOITIZ NUMBER 24!" Napahiga ako sa lupa ng marinig ko ang sabi ni Coach Li.

"Bullet? Ayos ka lang ba?" Tanong ng isang team mate ko.

"Ayos lang." Marahan akong tumayo at umayos ng upo.

Nakita kong papalapit na ang ibang ka team mate ko upang ako'y daluhan.

"Wow! Grabe ka naman! Rehearsal game pa nga lang. Binuhos mo na! Ayos!" Nakangiting sambit ni Feb.

Ngiti na lang ang naisagot ko, at tumayo na. Kahit rehearsals pa lang ay maigi na akong naglalaro. Mas okay na yung handa. Naglakad ako patungo sa bleachers at umupo. Agad ko namang nilagok ang tubig.

"Intense ah. Galing mo talaga Aboitiz."

Nakaramdam ako ng tuwa sa narinig kong boses. Ibinaba ko ang iniinom na tubig at nilingon siya.

"Moi! Ayan ka na naman sa pangbobola mo! Ikaw talaga." Nakangiti kong sambit.

"Hoy. Hindi ako bolero. At ano kasi, Bullet may sasabihin ako sayo."

"Ano, Moi?" At inakbayan ko siya. Things will never get awkward when you're with your bestfriend.

"Matagal ko na sanang gustong sabihin to sayo Bullet. A-ano kasi. Ma.Ma. M-maha----"

"WAAAAAAA!!! AVEEEEN! My loves!"

Sigaw ng babaeng nasa tapat ng gate habang nakatingin sa isang magarang sasakyan na naka park sa di kalayuan. Maraming taong nakapalibot sa naturang sasakyan.

"Anong meron?" Kunot-noo kong tanong kay Moi.

"Ewan. Yan na siguro yung bagong transferee na sabi nila." Sabay kamot niya ng ulo.

"Ah, ganun ba? So, ano nga ulit yung sabi mo?"

"W-wala. Uh. Sige alis na ako Bullet ah." Sagot niya at tumakbo.

Ibinalik ko ang tanaw ko sa bandang gate. This time ay may lumabas na lalaki. Naka uniporme siya na palatandaan ng isang driver. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang lalaking matangkad. May nakapansak na earphones sa tenga, habang abala sa pagkulikot sa cellphone niya. Nakasabit naman ang isang strap ng bag niya sa balikat. Sa pananamit niya pa lang ay sumisigaw na ng karangyaan.

Patuloy pa rin ang pagdami ng mga taong nakapalibot sa kanya. And he seems to enjoy the attention. May isa pa ngang babaeng nakasuot ng crop top na may tatak na Aven's property.

Napangiwi naman ako ng makita ko iyon. Why so desperate? He's still human. May mata. May ilong. What makes him different from other guys?

Napatigil ako sa pag iisip nang tinawag ako ni Coach Li.

"Bullet, come on. Let's resume!"

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon