Not Hot at All
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gustong iparating ng lalaking iyon. Nagsorry naman ako kasi hiningi niya. Ano pa ba ang kulang?
He's ego is just so intact. Nakakairita.
Gabi na nang maka uwi ako kahapon. Wala akong nakitang Alice At Moi kasi maaga natapos yung classes nila.
Tinanong ni Mommy kung anong nangyari sa akin nang makita niya ang naka bandage kong braso. She was mad. Sinabihan ko naman siya na nadulas lang ako at na sprain lang. But she wouldn't believe me at first, she would even make me quit soccer as soon as malaman niyang nagsisinungaling ako.
"Bullet, exempted ka muna sa paglalaro." Narinig kong sabi ni Coach.
Nakaupo ako sa bleachers habang nakatingin sa mga team mates kong naglalaro. Nakita kong pinag break muna sila ni coach sandali. Agad namang naglakad si Alice papunta sa akin.
"Bullet, okay ka lang? Halata kasing naiingit ka na." Panunukso niya.
"Heh! Kung ikaw kaya nasa kalagayan ko? Baliw." Sumbat ko.
"Alam mo bang tatlong araw ng absent si Aven?"
Nakaramdam ako ng kaba at guilt pagkarinig ko ng pangalan niya. Eto na naman. Guilt trip.
"Hindi. Pakealam ko?" Sabay taas ko ng kilay.
"Wow. Taray ah. Parang walang kasalanan!"
Sabay kaming napatawa ni Alice at nagsalita ulit.
"Balita ko, nakaratay na raw sa ospital. Comatose." Seryoso niyang sabi.
Natahimik ako bigla. Mas lalo akong kinabahan.
"H-ha?" Nauutal kong tanong.
"Oo. Ewan ko nga. Kawawa talaga yung tao." Nakita kong umiling si Alice na parang nanghihinayang.
Nakatulala lang ako kay Alice nang bigla siyang napatawa.
"Hahahaha! Yung mukha mo. Hahaha!" Hagalpak niya ng tawa.
Pero imbis na mainis ay napatawa na rin ako. Kaya nga lang hindi pa rin nawawala yung kaba.
"Sa totoo lang, ayan na nga siya oh." Sabi niya habang nakaturo sa building ng College Of Business And Economics. CBE din siya?
Pasimple lang siyang naglalakad habang nakapamulsa. Naka white v-neck at acid washed jeans. Laging nakasunod ang mga mata ng mga tao sa kanya. Bigla siyang tumigil at kinindatan ang isang babae na naghuhuromentado na sa kilig.
"Yabang talaga." I murmured.
"Anyare sayo?" Nagtatakang tanong ni Alice.
Hindi ko na siya sinagot at umalis na. Late na ako sa klase! God knows kung anong gagawin sa akin ni Miss Ordoval! Mabilis akong naglakad patungo sa building ng College of Business and Economics.
Tatlong palapag ang building at sa second floor ang sunod na klase ko.
Agad ko namang narating ang room at pumasok. Nadatnan kong nagkakagulo ang klase. Same as usual. Nagulat ako ng mapansin kong naka upo si Aven sa tabi ng seat ko.
Nag uusap sila ni Vie Caktiong. Yung kaklase kong maganda, makinis at chinita. Kilala siya dahil isang business tycoon ang dad niya. Hindi mong maipagkakaila na mayaman siya dahil sa mga damit niya pa lang ay sumisigaw na ng karangyaan.
Mabilis akong umupo sa upuan at nanatiling tahimik. Matutulog na lang siguro ako habang naghihintay sa pagdating ni Miss Oldivar.
"Why so gorgeous babe?" Narinig kong sabi ni Aven.
Hindi ko maiwasang hindi makinig at mas lalong hindi ko mapigilang hindi lumingon. Nakita kong nakaakbay si Aven kay Vie. Habang si Vie naman ay nakahawak sa braso ni Aven. In short, naglalandian sila.
"Haha. You're so bolero talaga!" Sagot ni Vie ng nakangiti.
"No. I'm telling the truth." Nakangising sambit niya.
"Well, gwapo ka rin. Sobra." Sabi ni Vie habang nakatingin kay Aven.
"Hindi ko naman maitatanggi. Denying the obvious is not for me." Sagot ni Aven na ngayon ay nakahawak na sa beywang ni Vie. They were about to kiss nang may nasabi ako bigla.
"Yabang talaga. Akala mo naman kung sinong gwapo, di naman hot." Agad kong tinakpan ang bibig ko sa sobrang gulat.
Sabay na napalingon si Aven at Vie sa direksyon ko. Si Aven nakangisi, at si Vie naman ay nakasimangot.
"Oy, ikaw pala." Nakangiting sabi ni Aven sa akin.
Wala akong masabi sa kanya. Napansin kong okay na yung sugat niya. Band-aid na lang yung nakatakip dito.
"And, what did you just said?" Karugtong niyang tanong.
"She said that you're mayabang and you're not even hot daw." Sagot ni Vie kay Aven pero nakatingin sa akin.
"I'm tired of hearing people saying I'm hot but not doing one damn thing about it." Taas noo niyang sagot as he smirked.
Hindi ko mapigilang hindi sumagot.
"It's because, you're really not that hot at all!" Sambit ko.
Nakitang kong nagsilapitan na ang mga kaklase namin at inaabangan ang susunod na mangyayari.
"Paano pa sila maka gagawa ng move? Eh, naikama ko na sila?" Sagot ni Aven sabay halakhak.
Pakiramdam ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Siguro ay pulang pula na ako ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/21242529-288-k957167.jpg)
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
Romance--Be strong enough to let go and be patient enough to wait for what you deserve.-- Dumating siya sa buhay mo ng di mo inaasahan. Kung gaano man siya kabilis dumating, ganun din siya kabilis nawala. Alam mong mahal mo siya, pero kaya mo bang pakawala...