Kabanata 3

3 0 0
                                    

Not Enough

Sabay na kaming naglakad ni Alice pabalik ng room. Unang pumasok si Alice habang ako naman ay nakasunod. Bigla naman akong hinarangan nung babae kanina. Ayan na naman yung kilay niya.

"What?" Tanong ko.

Hindi siya nagsalita at pumasok na. Mabuti naman para wala ng gulo.

"AAAAAAAAHHHHHH!" Napabagsak ako sa sahig ng nakatukod ang kanang braso ko. Napa ngiwi ako sa sobrang sakit.

"Bullet! Anong nangyari? Okay ka lang ba?" Nag pa-panic na tanong ni Moi.

"Can't you see? Nadulas na nga yung tao. Nagtatanong ka pa kung okay siya? Tulungan mo kaya." Galit na sambit ni Alice.

Sinubukan ni Moi na patayuin ako. Hinila niya yung kanang kamay ko nang napabagsak ako sahig at napahiyaw.

"Ano ba Moi! Dahan dahan naman!" Pasigaw na sambit ni Alice.

"Ay! Nabali ata yung kamay niya. Dalhin ko na sa clinic." narinig kong sabi ni Moi.

"Okay. Ako na ang bahala sa excuse slip niya." Sagot ni Alice at umalis papuntang faculty.

Dinala ako ni Moi sa clinic. Pinahiga niya ako sa isang unoccupied clinic bed. Napansin kong katabi nito ay yung lalaki kanina. Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko ang sugat niya sa ulo. Naibsan naman nang nakita ko siyang tulog pala.

Narinig kong kinakausap ni Moi ang nurse at umalis na. May klase pa kasi siyang hahabulin.

"Miss, saang banda yung masakit?" Tanong ng nurse.

"Ah. Dito po." Sabay turo ko sa kanang braso ko.

Sinuri niya ang braso ko. Marahan niyang pinisil pisil ito at napa ngiwi naman ako sa sakit.

"Mabuti naman at sprain lang. Hindi fracture." Nakangiti niyang sabi.

Mabilis naman niyang binigyan ng unang lunas yung sprain ko.

"Mag rest ka na lang muna dito. Importante na huwag ka munang gumalaw masyado." Pagpapaliwanag niya habang tango lang ako ng tango.

Bumalik ako ng higa at nilingon ulit yung lalaki. Nagulat ako nang bigla na lang siyang nagising. Napatingin siya sa akin ng naka kunot ang noo.

"You!" Sabay turo niya sa akin. Tumayo siya at napa hawak sa ulo niya. Bigla na lang siyang napa aw. Nag igting ang panga niya at mas lalong kumunot ang noo niya.

"H-ha?" Mabilis akong dinalaw ng kaba at takot. Wala na talaga akong kawala nito.

"You. You're the reason why I'm here!" Galit pa rin niyang sabi.

"A-ano kasi. Hindi ko naman talaga sinasadya." Sagot ko sabay yuko.

"And why are you here? Has conscience finally knocked at your door?" Sabi niya at napa halukipkip.

Napa tingin ako sa naka bandage kong braso at tumingala ulit.

"Aha! Karma really is a bitch. Buti naman." Ngiting aso niyang sabi.

Nanliit ang mga mata kong tiningnan siya. Yes. I admit. Kasalanan ko naman talaga. But hey, so much for an arrogant person!

Naging tahimik bigla. Ang awkward naman. Tumikhim nalang ako para hindi naman ako mabingi sa sobrang tahimik namin.

"Alam mo. Mag sorry ka na kaya. Kanina pa ako naghihintay. Simpleng sorry, di mo magawa?" Sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

"U-uhm. Sorry" nauutal kong tugon sa sabi niya.

"Not enough." Sabi niya sabay alis.

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon