Kabanata 5

2 0 0
                                    

@$$#013

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating si Miss Oldivar. Napalingon ako kay Aven at nakita ko siyang nakangiti. Naka ngiting aso.

Padabog na bumalik si Vie sa upuan niya at umupo. Napansin niya sigurong sinusundan ko siya ng tingin dahil inirapan niya ako.

"I'm going to give you some paper works. We'll have it by diad."

Pagsasalaysay ni Miss Oldivar sa harap.

May kinuha siyang papel at nagsimula ng magtawag ng mga apelyido.

"Okay, Caktiong and Cruz."

Narinig kong bumuntong hininga ng malakas si Vie na halatang ayaw niya sa naging kapartner.

"Aboitiz and Yu."

Napangiti ako sa narinig ko. Lumingon ako sa direksyon ni Moi at nakita ko siyang nag thumbs up habang nakangiti.

"Ay, No. Sorry. Aboitiz and Zalda Rriaga pala." Biglang sambit ni Miss Oldivar.

Napahalumbaba ako sa upuan. Of all people, bakit kay barabas pa ako napunta? Narinig ko namang tumawa si Aven sa tabi ko.

"So it's you and me. Together. Working on these paper works." Nakangiti niyang sabi.

Wala akong ginawa kundi ang irapan siya. Mas lalo namang lumawak ang ngisi niya.

Nagpatuloy lang si Miss Oldivar sa pagtawag ng magiging magka diad.

Nalaman ko namang magkapartner si Moi at Alice.

Natapos ang klase ng nakasimangot ako. Si Aven naman ay palaging nakangisi. May sayad na ata.

"Parang pinagsukluban nga langit at lupa mukha natin ngayon ah." Pambungad ni Alice sa akin.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa ground ng LU. Sa labas daw kami kakain ayon kay Alice.

"Tsss."

"Ay, No. Sorry. Aboitiz and Zalda Rriaga pala." Sabi niya while mimicking miss Oldivar. Napatawa naman ako sa ginawa niya.

Mabilis naman kaming nakasakay ng taxi papuntang Mcdo. Fast food chains are really in demand. Lalong lalo na ngayon, palaging on the rush ang mga tao. Kaya they'll prefer grab and go foods.

Binati kami ng guard at binuksan ang pinto. Maraming tao ang kumakain. Napatingin kami sa lahat ng sulok. Halos wala ng bakante. Mabuti na lang at namataan agad ni Alice ang isang table sa bandang dulo, sa tabi ng aircon.

Napagsang-ayunan namin na si Alice na lang ang oorder at ako ang magbabantay sa table namin.

Matagal rin bago nakabalik si Alice sa table namin.

Wala kaming imikan nang magsimula na kaming kumain. Umalis din kami agad pagkatapos.

We went on our separate ways pagdating namin sa LU. Hindi kasi kami pareho ng klase. Napadaan muna ako sa clinic bago pumunta sa room. I'll just ask kung pwede na bang tanggalin ang arm sling ko.

Good news is matatanggal ko na siya bukas. Bad news is, I need to rest my arm para raw hindi mabinat. 3 days from now ay Sportsfest na at hindi pa ako nakakasali sa rehearsal games.

Agad akong umalis. We're having accounting on my next class. Napagtanto kong malapit na pala akong ma late dahil kasunod ko lang dumating si Prof. Sibia.

I sighed in relief nang mapansin kong no trace of Aven Zalda Rriaga akong nakita. Mas lalo pa nga akong ginaganahan sa pag participate sa klase.

Sobrang gulat ko nang makita ko si Aven na nasa labas at nakikipag usap kay Kyfer, Levi at Joss. Magkaibigan na sila agad? At bakit nasa labas siya?

Ewan ko kung bakit ayokong makita ako ni Aven. Nagmamadali akong lumakad nang may humatak sa akin paatras.

"Bullet, right?" Nakangisi niyang tanong.

"No. My name's Gun." sagot ko.

Nakita kong kumunot ang noo niya dahil sa pagkalito.

"Anyways, gun. Can I have your digits? So that I can contact you about our paper works?" Sambit niya habang inilabas ang isang cellphone na may tatak na apple sa likuran. Binigay niya ito sa akin so that I could type my number.

I typed @$$#013 and ran as fast as I could.

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon