What the
Panay ang palingo lingo ko sa paligid. Ba't wala pa siya? Kanina pa ako naghihintay.
"Ma'am, may I take your order now?" Tanong ng waiter habang nakangiti. Pangalawang beses na niyang balik dito sa table.
"Ah. Um. Mamaya na lang siguro." Pilit kong ngiti.
Napag usapan namin kahapon ni Aven na dito sa The PitStop magkikita. Dalawang oras na akong naghihintay. Text na ako ng text, ni isang reply, wala! Sinubukan kong tumawag pero unattended naman.
Napahalumbaba na lang ako sa lamesa. 3 minutes na lang talaga.
Napa angat ang tingin ko sa pintuan ng resto nang bigla itong bumukas. Kasabay nito ang pagpasok ni Aven. Naka plain white shirt at jeans. Kumikinang ang dog tag niyang suot habang naglalakad patungo sa direksyon ko.
Matalim ko siyang tinitigan.
"Awww. Baby, I'm sorry! Wa'g ka na lungkot. I'm heeeere!" Nakangisi niyang sabi sabay angat ng dalawang braso.
Yayakapin niya na sana ako nang tinabig ko ang mga braso niya.
"Eto naman, tampo agad?" Pabirong tanong niya sabay upo.
Inirapan ko na lang siya. Umupo na rin ako sa tapat niya habang nakahalukipkip siyang tinitingnan.
"So, now that you're FINALLY.." pag didiin ko sa salita.
Nakita kong tumaas ang kilay niya.
"..Here. Kailangan na nating magsimula agad." Pagpapatuloy ko.
Inilabas ko naman ang mga paper works at nagsimula kaagad.
Iniisa isa ko ang mga activities at research na gagawin. Napalingon ako kay Aven na ngayon ay nakangising tinitingnan ang cellphone niya.
"Aven." Tawag ko sa kanya.
Hindi siya kumibo. Panay ang kulikot niya sa kanyang cellphone. Parang aliw na aliw pa siya sa kanyang ginagawa.
"Aven." Kinalabit ko siya sa balikat.
"What?" Patay-malisya niyang tanong habang tutok na tutok pa rin sa ginagawa niya.
"You're late!!!!" Pabigla kong sambit. Sinubukan kong huminahon kahit namumula na ako sa inis.
"Hey. Hush. I over slept okay?" Sambit niya sabay tingin sa akin. Akala ko titigil na siya ngunit agad din naman niyang ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Napahawak na lang ako sa sintido ko. Wala na akong choice kundi ang hablutin ang cellphone niya.
"Hey!" Mabilis niyang sambit. Halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pasimpleng tiningnan ang cellphone niya.
Mabilis na lumipad ang kamay ko sa bibig ko. Agad nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
"Devirginized your eyes eh?" Sabi niya sabay halakhak.
"What the! Aven!!!"
Mabilis akong lumabas ng resto dahil sa sobrang inis. Naririnig ko pa rin ang halakhak niya sa malayo.

BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
Romansa--Be strong enough to let go and be patient enough to wait for what you deserve.-- Dumating siya sa buhay mo ng di mo inaasahan. Kung gaano man siya kabilis dumating, ganun din siya kabilis nawala. Alam mong mahal mo siya, pero kaya mo bang pakawala...