Kabanata 9

3 0 0
                                    

Kung maaari, gawin mo

Napaawang ang bibig ko sa aking narinig. Binalot ang buong faculty ng katahimikan. Narinig kong tumikhim si Coach at nagpatuloy na para bang walang nangyari.

Nagulat ako ng bigla akong siniko ni Alice.

"Haba ng hair mo today ah. Pwede ko bang putulin?" Sabi niya gamit ang mga nanunuksong tingin.

Nagsilapitan ang mga ka team mates ko. Lahat tinatanong ako kung kami na ba daw ni Aven. What?

"Hoy. Hoy! Wag muna kayong lalapit kay Bullet! Baka maapakan niyo yung buhok niya. Sa sobrang haba, di ko na keri!" Natatawang sambit ni Alice. Sinabayan naman siya ng iba na dahan dahang naglalakad na parang may iniiwasang matapakan sa sahig.

Hinanap naman ng mga mata ko si Aven. Nanatili pa rin siyang nakatayo. Katabi niya si Kyfer na ngiting ngiti na kinakausap siya.

What's with you now, Aven?

Pagkatapos ng meeting ay pumunta muna ako sa girls cr para makapagpalit. Nagulat ako nang madatnan kong nakahalukipkip na nakasandal si Aven sa gilid ng cr paglabas ko. Nakita ko siyang pinagmamasdan ang bawat babaeng dumadaan sa harapan niya.

Eto talagang kamanyakan ng taong to.

"Bullet." Tawag niya sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang hindi ko siya nakita.

"H-hey."

Pinigilan niya ako sa paglalakad. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Nilingon ko siya at nakita kong nag igting na naman ang panga niya.

"Ano?" Tanong ko sabay iwas ng tingin. I rested my gaze at the floor.

"I want you to quit soccer." Madiin niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis akong napapiglas sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"What?"

"Quit soccer." Matipid niyang sagot.

"What's wrong with you Aven? Hindi kita maintindihan."

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa bawat paghakbang niya ng pasulong, ay ang paghakbang ko rin ng paatras.

"Quit soccer! Mahirap ba yang intindihin?" Galit niyang sabi. Nakakunot ang noo niyang tiningnan ako.

"W-what?"

"I want you to quit soccer, bullet."

Halos mapatalon ako nang mabilis niya akong naikulong sa mga braso niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Halos lumuwa na ito palabas. Na estatwa ako sa ginawa niya.

"I-I can't. Bukas na ang Sportsfest!" Nauutal kong sambit.

Napamura ako sa aking isipan. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa lalaking ito at bigla na lang niyang pinakekealaman ang buhay ko.

"I don't care."

I rested my gaze at his face. Nakatingin ang mga mata niyang nangungusap sa akin. Kung gaano ka ganda ang mga kilay niya ay ang ikinaganda naman ng mga pilikmata niya. His lashes compliments his hazel brown orbs perfectly. Ibinaba ko ang tingin ko sa ilong niyang god-like, down to his perfectly shaped lips. Tao pa ba to?

Bigla na lang akong napasagot nang maalala kong naghihintay siya sa magiging desisyon ko.

"I-I can't Aven! I don't want to! Ayoko!" Tumaas ng ilang octave ang boses ko.

Soccer is my first love. I can't give it up that easily dahil lang sa utos niya.

"At bakit ba Aven? Ba't bigla ka na lang nangengealam ha?" Hindi ko mapigilan ang mainis.

"I just wan't you to quit! Ayokong nakikitang ibinabalandra mo ang legs mo sa publiko!"

"What? Legs ko to. Akin to! I can expose them whenever I want!"

"You're just so!" Napahawak siya sa kanyang sintido dahil sa inis.

Hindi ko alam kung bakit ko pa ba ipinagpapatuloy ang pag uusap na ito. Why does he even care anyway?

Aalis na sana ako nang bigla niya akong pinigilan. Mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso kumpara kanina.

"Galit ako. Ayoko yung nakita ko kanina.. Okay?" Marahan niyang sabi. Agad naman niyang ibinaba ang dalawang braso niya pagkatapos ay tumalikod.

Galit? Bakit?

"I-I don't want other people enjoying my view.."

Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang braso sa bawat paghinga niya.

".. I don't want to share. I don't want other people feasting on y-your legs. Damn! Ayoko!" He trailed off at agad humarap. Galit siyang nakatingin sa akin.

"Wag mong suotin yung sports attire niyo bukas. Masyadong maigsi." Pagpapatuloy niya.

"Anong gusto mo, magsusuot ako ng pajama habang naglalaro?! You're unbelievable!" Sambit ko sabay iling.

"Kung maaari, gawin mo." Mariin niyang sabi.




















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon