Chapter 2

37 2 0
                                    

Pretty name, ugly face...



Nandito ako nakahiga sa kama ng kwarto namin ni Gwynet. Tulog na sya maging sina Clarisse at Mama sa kwarto nila. 


Sayang di nagtagal dito si Papa. I wonder kung nahanap na niya si Mama, hindi ako makapag-antay.  May kasunduan kasi ni Papa na hahanapin niya si Mama kasi hiniling ko sakanyang makita si ko kahit isang beses lang si Mama. Lagi kasi siyang kinukwento sakin ni Papa sa 'twing uuwi siya samin. 


Oo, hindi ako tunay na anak ni Mama Klara pero ang sakit lang isipin na minamahal ko sya bilang tunay na ina ko pero sya pinagtatabuyan ako na para bang ibang tao. Hindi ko naman sya masisisi kasi malaki ang galit nya kay Mama. Yun na nga lang ang hindi ko alam kung bakit.


Basta ang alam ko si Mama Bella ang unang pag-ibig ni Papa. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Kaso nga lang ibang iba ang nasyon ni Mama at Papa, ani Papa na syang di ko maintindihan. Ipapaintindi niya na lang daw sakin ni Papa sa tamang panahon.

Nabuo ako sa gitna ng pagmamahalan nila pero di inaasahang ipaghihiwalay sila ng tadhana. Naiwan ako kay Papa, di namin alam kung asan na si Mama. Hanggang sa ipagkasundo ng kumare ng ina ni Papa ang aking ama sa tumatayong nanay ko ngayon. Tutol na tutol si Papa noon pero wala syang nagawa. 



Lagi syang lasing noon kaya lumagapak ang buhay namin sa lupa. Kaya naman ngayon ay naghanap ng magandang trabaho si Papa at ani'y bumabawi siya. Hindi niya lang nga alam na tumutulong ako sa pagbawi niya.


Sana nga lang ay makilala ko na si Mama. Sa lahat ng parte ng katawan ko sabi ni Papa ay talagang ang mukha ko ang paborito niya.  Kamukha ko ang inay kaya hindi ko hinahayaang magka-pimples ako o maging oily man ang mukha ko. Alagang-alaga ko ito kasi pakiramdam ko sa sarili ko mismo nakikita ang Mama ko.


I have dark brown eyes unlike sa dalawa kong kapatid na kamukhang kamukha ng nanay nila. Pure black ang mga mata nila at may straight na mga buhok. Di tulad ng aking wavy hair. Makapal din ang kilay ko, kinaiinggitan nga raw ng mga kaklase ko kasi mala-Andrea Brillantes ang dating lalong lalo na ang pilikmata ko. Pero kasi feeling ko mas maganda yung kila Clarisse na manipis.



Tinanong ko nga din minsan si Papa kung may foreign blood kami kasi sabi ng kaklase ko ang tangos raw ng ilong ko as in ang layo sa ilong ng mga pinoy. Mala-Liza Soberano raw ang ilong ko sabi ng schoolmates ko. Hindi ko nga alam kung maniniwala ako sakanila or talagang nanghihingi lang sila ng piso..

Ani naman ni Papa ay siya raw meron kasi Latin ang Lolo ko. Kinaiingitan ni Gwynet yun kasi ba't raw di nila minana?

Pati na rin sa pisnge ko. Dito sobrang natuwa si Papa nung isilang raw ako. Namumula kasi ako everytime na tumawa ako kahit hindi sobra. Dun lumalataw ang dalawa kong lubog na lubog na dimples. Sabi niya ay namana ko raw yun kay Mama. Mas lubog pa nga raw ang sakin eh.

Pero yun lang yung labi ko, ayoko na ng may ganito. Nakakasakit ako nito eh. Elementary nun ng may masuntok ako ata napa-guidance pa dahil dun kasi muntik na akong halikan ng grade 6 student grade 4 palang ako nun. Na-suspend yung muntik ng manghalik sakin na sobra kong pinagsisihan. Sinisi niya pa ako kasi bat daw ganito kasi labi ko. Sabi ko naman aba sisihin niya magulang ko.

I Abhor YouWhere stories live. Discover now