Tray of eggs...
Lunes na ngayon kaya naman nagmamadali kami nina Ben at Chacha umuwi. Nakalabas na kami ng gate at nakita agad namin ang kotse ni Auntie Jess na kulay itim at tinted na tila kumikinang pa dahil siguro'y bagong palinis. Tumakbo na papunta dun sina Ben at Cha ng nagtatawanan para walang makahalata sakanila. Tatakbo na din sana ako ng biglang may tumawag sakin.
"Ysa!" nilingon ko sya. Nakita ko si Alejandro dala ang notebook ko. Napakamot ako sa ulo at lumapit sakanya saka kinuha yun sa kanya.
"S-salamat." napatingin ako sa kotse na bumubusina. Hindi ako pwedeng makita ni Alejandro dun. Pero baka wala naman yun, sasakay lang naman ako dun sa kotse. Imposibleng matuklasan niya ang trabaho ko dahil lang sa pagsakay ko sa kotse.
"Bat kasi iniiwan mo?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Malay ko bang naiwan ko 'to"ani ko na ikinanguso siya.
"Napagalitan pa ako ni ma'am dahil jan," nanlaki ang mata ko at napakamot ulit sa ulo.
"Sorry naman, salamat salamat. Kaylangan ko na kasing mauna" tinuro ko ang kotseng nagaantay sakin. Nangunot ang noo niya.
"Akala ko ba pinalayas ka ng nanay mo?" takang tanong niya na ikinalunok ko at tumango.
"Oo, hindi naman si Mama or si Papa yan. Basta" nanlaki ang mata nya.
"Teenager palang tayo, bakit ka sumasama sa--" napatingin siya sa kotse ng bumukas ang pinto.
"Ysa, halika na!" sigaw ni Ben at tumakbo papunta samin.
"M-mauna na muna kami Alejandro" nakatingin lang sakin si Alejandro.
"Halika na nga Ysa," hinawakan ni Ben ang kamay ko at hinila na ako papalayo. Sumulyap ako kay Alejandrong sobrang sama ng tingin samin.
"San kayo pupunta?" habol na tanong ni Alejandro kaya napalingon sakanya si Ben.
"Wala ka na dun, bro" napabuntong hininga nalang ako. Bakit pakiramdam ko may iniisip siya masama?Natapos ang trabaho namin at ang buong linggo. Bugbog kami ngayon ng assignments, sobrang dami. Gabi ngayon ng biyernes at ginagawa ko na ang mga takdang aralin ko para konti na lang ang gagawin ko bukas ng sabado. Biglang may kumatok sa pinto ko, napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko at maga-alas dose na."Pasok po" sigaw ko kaya pumasok si Lola Fe. Napangiti siya ng makita akong kaharap ang maraming notebook at nakabukas na mga libro.
"Napakasipag naman ng magandahin kong alaga, oh eto gatas at cookies. Matulog ka na rin matapos mong gawin yan, hating-gabi na oh hindi na maganda sa kalusugan yan" nilapag nya ang tray sa katabing mesa ko at naupo sa kama ko sabay tingin sakin."Opo Lola, salamat po dito" sabi ko at ininom ang gatas. Tumango siya.
"Kung mamarapatin mo ija, itatanong ko lang sana kung bakit biglaan ang pagpunta mo dito sa bahay mo. Gayung dapat ay ang napag-usapan niyo ni Jess pagkatapos mong pirmahan ang kontrata'y bibisita ka lang muna dito saka aalis. Maninirahan ka dito kapag tapos ka na sa sekondarya." tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.
"Umm, hehe. Nakatira po kasi ako talaga sa napakaliit na bahay. Kabaliktarang masyado nitong bahay nato. Naipatayo ko lang po ito dahil nagpursigi ako sa trabaho po." ngumiti siya ng malungkot. Napabuntong hininga si Lola Fe."Hindi naman iyan ang tanong ko ija, alam naming lahat ang kwento kung pano ka nagkaroon ng ganito kalaking bahay. Ayos lang naman kung magbukas ka ng kwento saakin. Ituring mo na akong Lola, ija. Huwag kang mahiya" Napabuntong hininga ako.
YOU ARE READING
I Abhor You
Short StoryA girl with a really complicated life. Unidentified if rich or poor but is purely tough not just by the looks but by the heart. She has this tragic story which includes everyone's safety to the fact that she is willing to sacrifice all for her love...