Maiintindihan mo rin ba ako?
Binagsak ko ang bag ko sa upuan ko na siyang kinagulat ng mga nasa malapit sakin.
"Anong nangyayare sayo Ysa, ayos ka lang?"sabi ng isa kong kaklase. Napahilamos lang ako ng mukha.
"Badtrip tayo ngayon ah, ano kayang nangyare. Well, by the way wala tayong first period ngayon dahil may aasikasuhin raw. Pero papasok sya mabilis lang raw, may ipapakilala lang" ani Chacha na tinanguan ko na lang.
Naupo na ako at pumikit saka hinilot hilot ang sintido. Sakit ng ulo ko. How I wish na kung nasan man ang lalakeng yun ay huwag na syang magpapakita sakin. Nakakasira ng araw.Nagsitahimikan na ang mga kaklase ko kaya alam kong andyan na si Maam. Pero di parin ako dumilat at patuloy parin ang paghilot sa sintido ko. Ganito na lang ako makikinig kay maam, atleast unti unting bumabawas sakit ng ulo ko.
"Good morning class, I wont teach this day but I entered your class because I'll introduce all of you to your new classmate. Pasok na ijo."Napadilat ako ng nagtilian ang mga classmates ko, at sa yugyog ng katabi kong si Chacha.
"Ysaaaa, ang gwapooo. We're so lucky gosh" ngumiwi ako at tumingin sa unahan. Nalaglag ang panga ko at namuo na naman ang inis sakin ng malamang siya ang magiging kaklase namin. SERIOUSLY! Nasan ang gwapo jan!?
"A wonderful morning to all of you, the name of this man owning such an adoring face is Alejandro Mir Lucosthea. Nice meeting you all" kumindat sya kaya umakto akong nasusuka. Nilingon ako ng nakangiwing si Ben.
"Di naman gwapo, diba Ysa?" tumango ako agad sa sinabi niya kaya natawa sya. Umingay lalo ang room namin kahit na sinasaway na sila ni Maam Reyes. Nasapo ko ang noo ko.
"Sawayin mo na sila, ang ingay eh. Absent ang President natin ngayon, ikaw na ang magte-take over" bulong ni Ben sakin kaya tumango ako at tatlong beses na pinukpok ng malakas ang armchair ko.
"Everybody quiet!! Kindly give respect to the people infront of us. We are all matured for this kind of behaviour, act like your age. Stop being so childish!" Seryosong sigaw ko kaya natahimik silang lahat, napatingin naman sakin si Alejandro.
"Yes, Vice President" sabay sabay nilang sabi. Napangiti naman si Maam.
"Thank you, Ysa" tumango nalang ako kay Maam pero di ako ngumiti, ayokong masabihan ng pabida. Nanatiling blangko ang mukha ko. Bistado ako ng mga kaklase ko. Alam nilang kapag seryoso ako, as in huwag kang magbiro.
"Find your seat, Mr. Lucosthea" sumaludo sakanya si Alejandro kaya naghagikhikan na naman ang girls excluding Chacha na nasense ata na di namin gusto ni Ben ang Alejandro na yan.
Geez.Umupo si Alejandro sa pinakalikuran ng klase, pero nag-offer si Michael which we all called Mike na umupo sa tabi niya, katabi ni Ben yung nag-offer sakanya na mukhang kakilala niya kaya naman malapit samin ni Chacha ang mokong. Tiningnan naman ako ni Alejandro at ngumiti saka kumindat pero tinarayan ko lang sya kaya naman nagtawanan ang mga boys na nakakita.
YOU ARE READING
I Abhor You
Historia CortaA girl with a really complicated life. Unidentified if rich or poor but is purely tough not just by the looks but by the heart. She has this tragic story which includes everyone's safety to the fact that she is willing to sacrifice all for her love...