Doll shoes...
2:30pm palang, we still have 30mins bago umuwi, tinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Mag-aantay na lang ako ng text ni Auntie jess saka ako uuwi.
"Ysa!"
Nilingon ko si Alejandro na may hawak na manggang hilaw. Natakam ako kasi mukhang masarap. Natutuwa akong tumakbo papunta sakanya at kinuha ang mangga.
"Paborito mo talaga ang mangga noh?" tumango ako agad. Luminga-linga ako sa paligid wala akong nakitang nagtitinda ng mangga. Kumunot ang noo ko.
"Saan mo nakuha to? Saan ka bumili?" napangisi siya at tinuro ang puno ng mangga sa likod namin. Nanlaki ang mata ko, ito yung punong tinatanaw ko kanina.
"Inakyat mo?" takang tanong ko na agad niyang tinanguan.
"Turuan mo kong umakyat ng puno" magiliw kong sabi sakanya.
"No way, Ysa. Pano kung mahulog ka?" ngumuso ako.
"Edi mahulog" sagot ko napalingon siya sakin.
"Masasaktan ka lang kapag nahulog ka" banta niya. Eto na naman yung pagbabanat nya. Kinain niya yung manggang binalatan niya gamit ang ngipin niya.
"Ano naman kung masaktan ako? At least natuto" tumango-tango siya.
"Pano kung nung umakyat ka ulit tapos nahulog ka na naman pero di ka na nasaktan kasi may sumalo na sayo?" Tinanaw ko ang puno. Natawa ako.
"Tss. Sino namang baliw ang sasalo sakin" sabi ko sabay nguya.
"Syempre ako" nabuga ko yung nginunguya ko at napalingon sakanya.
"Ha?" bulyaw ko kay Alejandro na nanlalaki ang mga mata ngayon at di parang naestatwa sa kinatatayuan.
"A-ano? Sabe ko nasa tabi-tabi lang yun, tch. Tara na nga" Nauna na siya maglakad papalayo sakin. Napataas na lang ang kilay ko saka naglakad sunod sakanya. Kagat-kagat ko yung manggang dilaw sa bibig ko habang humahabol sakanya. Nilingon niya ko, natawa sya. Huminto ako saka kinain ulit ang mangga.
"Tara na," sabi ko.
"Ang cute mo kanina, dapat ganun ka lang lagi may nguyang mangga habang tumatakbo. Gawin mo yun sa school bukas ah" sinamaan ko na lang sya ng tingin at inirapan. Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang masayang nagkukwentuhan hanggang sa madayo ang mata namin sa tapat ng isang bakery. Sa loob nito ay nilalaman ang isang moreno at matabang lalakeng nag-aayos ng supot ng mga tinapay.
"Ayan yung pinakamalapit na bakery sa'tin." turo niya dun sa malaking bakery.
"Magandang hapon Mang Juls!" sigaw niya sa panaderong nagtitinda dun.
"Oh, Alejandro! Magandang hapon din sayo.Oh! napakaganda naman ng kasama mong dalagita, nobya mo yan noh" Asar niya kay Alejandro na ikinanlaki ng mga mata namin.
"Ay hindi po, sya po si Ysabelle Sanchez. Bagong kapitbahay namin" napaawang ang bibig ni Mang Juls.
"Magandang hapon sayo ineng, tawagin mo na lang akong Mang Juls" nginitian ko sya saka nagmano.
"Magandang hapon din po Mang Juls" tawa ko na tinawanan niya din. Mahabang pagpapakilala ang naganap hanggang sa hindi rin nagtagal ay nagpaalam kami sakanyang ma-uuna na kaya binalaan niya kaming mag-ingat. Habang naglalakadlakad kami ay napatili ako sa biglang sumigaw sa gilid namin. Natawa si Alejandro. Isang lalakeng kasing tangkad naman ni Alejandro ang bumungad samin. Tama lang ang kilay, maputi, matangos ang ilong, medyo may kurba ang labi at brown na brown ang mata pati ang buhok.
YOU ARE READING
I Abhor You
Short StoryA girl with a really complicated life. Unidentified if rich or poor but is purely tough not just by the looks but by the heart. She has this tragic story which includes everyone's safety to the fact that she is willing to sacrifice all for her love...