Chapter 14

20 3 0
                                    


I love being in love with you, baby...



"And also I've noticed na parehas kayong may dimples, well dalawa nga lang sayo. Jan kinikilig mostly lahat ng nakakakita sainyong dalawa kapag sabay kayong ngumingiti. Kayo lang kayang dalawa ang may dimples sa room. Hmm. What should I call you both? Dimple couple? Looks sweet" humagikhik siya, I rolled my eyes at her.

Pumikit na lang ako at natulog saka nagkunwaring hindi interesado. Pero deep inside...kinikilig din ako.

"Sige na nga tatahimik na ako. Mauuna na ako sa classroom. Babalik ako, wait for me" I nodded.

Naidlip ako ng nasa tansya ko'y dalawa't kalahating oras, nagising nalang ako ng maalimpungatan ako. May humalik sa noo ko, nakita ko si Alejandro na nagulat ng magising ako. Did he just kiss me on my forehead?

Namula ang pisnge ko kaya pasimpleng  hinimas ko yun na parang kakagising lang para hindi niya makita ang pamumula.

"Gising ka na pala" sabi niya. Lumayo siya saakin.

"Gutom ka na?"

Bumangon ako at napakamot sa ulo, humikab pa ako. Bumigat ang  mga mata ko, I need more sleep.

"Where's Chacha?" nginuso niya si Chacha na nakasalampak sa sofa at tulog na tulog. Natawa ako.

"Feeling good?" tanong niya, nilingon ko siya at tinanguan. Nagstretch ako ng kamay. Tiningnan ko ang relos ko. It's 2:32pm. Meron pang isang period na natitira.

"Tara, klase na tayo" umiling sya.

"Magpahinga ka lang jan"

"Ayos na ako, tara na sayang ang last period"

"Still no, we can catch up tomorrow. Magpahinga ka lang jan, tingnan mo si Chacha walang pinoproblema"

"I'm different, tara na please. Hindi na rin naman kumikirot ang ulo ko" ngumiti ako ng malapad pero talagang ayaw niya. 

"Sleep again, gigisingin nalang kita. Or might as well call me when you need something" ani niya na tinanguan ko na lang.

"That's my baby" ngisi niya.

Humiga ulit ako at tumitig sa kulay dirty white na kisame. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko para malibang ako. Sinulyapan ko siya, nakaupo siya sa hinihigaan ko habang tutok sa cellphone niya, wait a minute...

"Alejandro, kaninong phone yan?" sumulyap siya sakin at napakamot ng ulo.

"Ah sayo?" patanong na sabi niya, sinamaan ko sya ng tingin. 

Tumawa sya, kanina seryoso yan ha. Lumingalinga ako, nakita ko ang bag naming nasa sahig sa baba ng sofa. So kinuha niya sa bag ko.

"Hindi ko naman nabuksan, ano bang password nito?" tanong niya at ipinakita niya sakin ang screen ng cellphone kong may default na lock screen.

"Birthday ko" agad niyang nilagay ang pin . Napangiti sya ng mabuksan niya yun. 

"Akala ko birthday ko yung password mo, sayang" Assuming.

"Pano mo nalaman ang birthdate ko?" takang tanong ko, tiningnan niya ako.

"I have my own source" ngumisi siya, napailing na lang ako.

Nilabas niya ang phone niya at may pinagpipindot dun pati sa cellphone ko. Di ko na natiis kaya bumangon na ako. Ano bang ginagawa niya?

Inagaw ko sakanya ang cellphone ko, nanlaki ang mata niya at agad na bumusangot.

I Abhor YouWhere stories live. Discover now