My lovely queen...
"Ang saya niyong tingnan, kayo na noh?" aniya kay Alejandro. Umiling ito na ikinakunot ng noo niya.
"I'm still courting her, pero kung tingin mo kami na pwede din naman,hindi naman ako maarte" napaawang ang bibig ko sa sinabe niya. Tinaliman ko ng tingin si Alejandro na ikinangisi niya, hinampas ko siya sa braso kaya natawa siya.
"Pero diba nililigawan din siya ni Ben, alam yun ng lahat. Bakit parang ayaw mong ipaalam?" ngumiti si Alejandro sa sinabe ni James.
"Hindi ko naman kaylangan ng mga tao para ipangalandakang nililigawan ko sya. Sya ang gusto ko hindi atensyon ng mga tao. Saka malalaman din nila yan, sasabihin ko kapag nagtanong sila" sabi niya.
"Pwede ko bang sabihin to kay Mike?" tawang tanong niya na tinanguan naman ni Alejandro.
"Hindi ko naman nililihim, sadyang ayoko lang ng etensyon. Baka isipin ng tao, gusto ko ng kumpetisyon. Papanalunin ko naman si Ysa kahit walang nakakaalam"
"Tol naman, masyado mong pinagdadamot si Ysa. Porket ang dami daming nagkakagusto dyan. Baka kapag naging kayo na, hindi mo parin ipangangalandakan" ani James na agad inilingan ni Alejandro.
"Iba na yun. Iba ang sigaw ng puso ng lalakeng nagmamahal sa lalakeng sinuklian ng pagmamahal. At sa panahong mangyayare yun, hinding hindi ko na bibitawan ang Ysa ko, ganun ko siya kamahal. Sobra pa sa sobra" namula ang pisnge ko ng tumingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin.
"Yun oh! Hahaha don't worry, ipapakalat ko na lang kay Mike to" humagalpak siya ng tawa, napailing na lang ako.
Patuloy kaming nagkwentuhang tatlo dito. Madalas ay inaasar kami ni James pero iiwas na lang ako ng tingin habang si Alejandro ay ngingisi at mananatili ang titig sakin. But in the end, ay matatawa na lang kami. Wala kaming ilang na nararamdaman sa isa't isa.
Nang sumapit ang ala sais ng umaga ay sunodsunod na ang pagpasok ng mga kaklase naming bagong dating. Nangalahati na ang bilang ng estudyante sa loob ng classroom.
Napnangiti ako ng makita si Chacha na kakarating lang, agad syang lumapit saakin saka nilapag ang bag nya sa upuan.
"Ysa, goodmorning! ang aga natin ah" tawa niya at niyakap ako na niyakap ko din pabalik.
"Good morning din, Chacha" tumawa ako.
Ngumiti sya sakin at nginuso sakin si Alejandro na nakikipagtawanan kay James at sa iba pang mga kasama nilang lalake.
Lumingon saamin si Alejandro, napangiti siya ng makitang nakatingin din ako sakanya. Kumindat sya sakin, umiwas ako ng tingin. Kinagat ko ang buong ibabang labi ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala.
Humagikhik si Chacha na pinagpapalo ang braso, tinaas ko ang kilay ko sakanya.
"Ysa ha, mga 10 hectometers na ata" tawa niya na ikinakunot ng noo.
"10 hectometers na ang haba ng buhok mo, girl" nginusuan ko na lang sya ng humagalpak siya ng tawa.
Napatigil siya sa pagtawa ng biglang sumigaw ang isa sa pinakamadaldal sa klase namin.
"Tol Mike! Ang tagal mo, dali na may iaanounce tayo sa lahat" tumawa ng malakas si James habang nakaakbay kay Mike na nagtataka sa pinagsasasabeaibigan.
Nandidiring tinulak ni Mike si James papalayo sakanya, nagtawanan ang mga nakakitang halos lahat naman. Binato ni Mike ang bag niya sa upuan niyang hindi kalayuan sakanya ng hilahin siya ni James papuntang harapan ng klase. Lahat ng mga mta'y nakatutok sakanila.
YOU ARE READING
I Abhor You
Cerita PendekA girl with a really complicated life. Unidentified if rich or poor but is purely tough not just by the looks but by the heart. She has this tragic story which includes everyone's safety to the fact that she is willing to sacrifice all for her love...