Oh, panyo...
"Gwynet! Diba sinabe ko na sayong ilagay to sa ibabaw ng lamesa?! Halika nga rito!" rinig kong sigaw ni Mama galing sa labas ng bahay.
Maaga kaming pinauwi ngayon dahil sunod-sunod hanggang oras ng dismissal namin ang vacant period. Mainit ang ulo ni Mama, natatakot ako at kinakabahan sa di malamang dahilan.
"Ha! Talaga lang Ysabel, ngayon ka pa talaga nagkaroon ng ganang magpakita sakin?! Ngayong mainit ang ulo ko?" sigaw agad sakin ni Mama.
"S-sorry po" paghingi ko ng paumanhin, kahit wala naman akong ginawang mali.
Nagulat ako ng bigla niyang ihagis saakin ang tasang may mainit na kape. Napaso ang balat ko, yumuko ako at pinulot ang mga bubog kahit na humahapdi ang balat ko sa binti. Narinig ko ang mga hakbang nya papalapit sakin. Nanginig ang tuhod ko. Napahawak agad ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang maririin niyang paghila sa buhok ko.
"Alam mo ikaw ha! Ikaw talaga ang malas dito, dala mo lahat ng kamalasan! Kung bakit ba kasi kailangan mo pang makisiksikan dito sa pamamahay ko eh punong-puno na kami dito! Wala ng espasyo para sa'yo!" tinulak niya ako ng malakas kaya napaupo ako sa sahig.
"Hindi kami maghihirap kung hindi dahil sayo!" bulyaw niya saakin at dinuro-duro ako. Yumuko na lang ako at napapikit. Kung pwede ko lang sabihin sakanya na marami akong perang naipon sa bangko at marami akong pwedeng maitulong, ginawa ko na. Kaso lang ay pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka hindi niya tanggapin yun tulad noong bata pa ako, nagtinda ako sa klase ng bananacue at maligayang binigay kay Mama ang naipon ko pero binato niya lang yun sa sahig.
"Kung bakit ka pa kasi niluwal palamunin ka lang naman, binitbit ka na lang sana ng damuho mong ina!!" nanlaki ang mata ko sa sinabe niya at napatingin sakanya.
Binitbit ka na lang sana ng damuho mong ina...
Damuho mong ina...
Damuho mong ina..
"Oh bakit?! Aangal ka? Totoo naman! Walang kwenta yang nanay mo, walang utak! Kung sana nag-iisip sya'y sana dinala ka niya at di iniwan dito sa'min. Oh eh anong resulta ng pag-iwan sayo dito? Palamunin! Malas! Parehong-pareho kayong mag-ina mga malas!" tumayo ako kaya nagulat sya, may namumuong mainit na likido sa mga mata ko at pinipigilan kong huwag yun umapaw.
"Tinatanggap ko po ang pananakit niyo sakin kahit naman wala akong ginagawang masama sainyo, tinatanggap ko po lahat! Pero ang laitin niyo ang nanay ko? Hindi na ako makakapayag" napailing ako at kinuha ang bag ko sabay pasok sa kwarto. Sinundan niya ako.
"Ha! Aba lumalaban ka na, sumasagot ka na! Hala, Sige! Sinimulan mo na din naman!"
Lumapit sya sa kabinet ko at pinagtatapon ang mga damit ko kaya isa-isa kong pinulot yun. Hinila niya ang buhok ko at sinabunutan ako.
"Wala kang karapatang umangal dahil wala ka sa teritoryo mo!" Nagpumiglas ako kaya nabitawan niya ako.
"Kayo ang wala sa teritoryo! Bago kayo nagpakasal ni Papa, andito na ako! Ang bahay na'to, teritoryo namin 'to ng Papa ko hindi inyo! Kayo ang walang karapatan!" isang malutong na sampal ang natanggap ko. Nangilid ang luha ko.
"Hindi ako makakapayag na habang-buhay akong makakatikim ng sakit sa poder niyo. Hindi katanggap-tanggap yun. Minahal po kita Mama Klara, pero ang hirap lang po sa inyo sobrang sobrang sobrang manhid niyo!" mariin kong sambit, dinuro niya ako.
"Huwag na huwag mo kong masusumbatan, malaki ang utang na loob mo sakin. Ako ang nagpalaki sayo!" mabilis akong umiling.
"Ako po ang nagpalaki sa sarili ko, hindi kayo! Sinasaktan niyo ako hindi niyo kailan man ako inaruga!''
YOU ARE READING
I Abhor You
Short StoryA girl with a really complicated life. Unidentified if rich or poor but is purely tough not just by the looks but by the heart. She has this tragic story which includes everyone's safety to the fact that she is willing to sacrifice all for her love...