I miss you...
Every person needs space. You can't achieve happiness without going through sadness. Sadness won't exist if it isn't because of our problems..problems and consequences.
People just need to take a deep breathe, accept what is happening then face the reality.
But in my situation today, there's this part I may accept it and some part of me saying that I can't.
It'shard. Really hard.
Mahirap talaga kapag naiipit ka sa papakinggan mo ba ang katotohanan mula saisang taong minsan ka ng sinaktan o pipikit ka na lang at iisiping walang nangyare, wala akong nalaaman at wala akong pinagdadaanan.
Tiwala.Trust. It is given to a person known to be reliable.
I hate deception, iniisip ko pa lang na maaring niloloko ako ay nawawasak na ako pano pa kaya pag totoo.
Tulalaa ako ngayon sa kwarto ko habang iniisip ang nangyare kahapon, wala akong kasama sa kwarto ko dito sa hospital.. Nagising lang ulit akokanina matapos magkwento ni Mama, kumakalam na ang sikmura ko.
Nilibot ko ang paligid ko, may prutas ng mangga sa gilid ko. Sinubukan ko na yung abutin kanina pero di ko maabot.
Nakakastress. Gutom na ako. Hindi naman ako makatayo kasi masakit pa ang paa ko. Sabi ng doktor ay ilang araw pa to bago gumaling, pinoproblema ko rin ngayon ang sugat ko sa mukha. Mag iiwan ito ng peklat dito, pano na ang modeling? Pati pag aaral ko, ayoko namang pumasok ng mayroong sugat sa paa dahilan ng hindi maayos na paglakad ko.
Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas, napangiti ako ng makitang iniluwa nito sa Aunt Jess.
Kasama ni Aunt Jess si Chacha at Ben, tumakbo papunta sakin si Chacha na namumuo ang luha sa mata. Naupo siya sa gilid ng kama ko at hinawkan ng mahigpit ang kamay ko.
Tininganko ang likod nila, may hinahanap pa ako. Napanguso ako ng isinara na ni Ben ang pinto.
Hindi niya pa ako nadadalaw..
"Y-ysa, beshy sama ka na lang sakin. Nahihirapan na akong makita kang nasasaktan dahil sa mama mo, hindi lang emotionally ang dulot niyang sakit sayo pati physically"
Tumulo ang luha niya ng suriin ang kabuuan ko. Pinunasan niya yun agad. Lumapit na din saamin sina Aunt Jess at Ben na may nag aalalang mukha. Maydalang bulaklak si Ben, ibinigay niya yun sakin, tipid akong ngumiti.
"Don't worry isasama kita samin pagkalabas na pagkalabas mo palang ng hospital nato" nanlaki ng mata ko sa sinabe niya, ngumiti sya ng tipid.
"Ipapaayos ko ang katabi ng kwarto ko sa bahay, sasabihin ko si Mommy. For sure papayag naman siya kasi malapit naman kayo sa isa't isa"pagdedesisyon niya. Mabilis akong umiling sa sinabe niya na ikinakunot ng noo niya. Napaawang ang bibig niya at napahampas ng malakas sa gilid ng kama ko. Sumama ang ekspresyon ng mukha niya, napapikit ako ng mariin sa ginawa niya.
"Ysanaman! Gusto mo bang masaktan ulit? Ang bobo mo talaga" mariing sabi niya, nanatiling tikom ang bibig ko.
"Hindi mo ba nakikita ang kalagayan mo ngayon? Hinanghina ka na! Bulag ka ba Ysa o nagbubulagbulagan ka lang. Sinasaktan ka na ng nanaynanayan mong yan! Sumama ka na sakin pansamantala, hindi ka malalapitan ng Mama mong yun!" namumula na siya kasisigaw, inabot ko ang braso niya.
"Cha, salamat pero ayos na kami ni Mama. Humingi na siya ng tawad sakin"ani ko.
"And you forgive her that fvcking easily? Why are you so insane? Ano ganun ganun na lang yun? Tingnan mo nga ang itsura mo! Magagawa ba yan ng isang nagmamahal na ina sa minamahal niyang anak? That's bullshit"patuloy akong umiling. Mahal ako ni Mama, sabi niya babawi siya sakin panghahawakan ko ang mga salita niyang yun.
YOU ARE READING
I Abhor You
Short StoryA girl with a really complicated life. Unidentified if rich or poor but is purely tough not just by the looks but by the heart. She has this tragic story which includes everyone's safety to the fact that she is willing to sacrifice all for her love...