MJ'S POV
"Goodbye, class. See you tomorrow. Wag niyong kalimutang gawin ang mga assignments niyo."
Pagkaalis ng teacher namin ay agad kong isinukbit ang backpack ko at dali-daling lumabas. Si kuya kasi ang susundo sakin ngayon. Matagal ko na siyang hindi nakakasama dahil busy siya sa dami ba namang school activities na sinalihan niya kaya excited na excited ako ngayon na makita siya. I really miss my kuya.
Malapit na ako sa gate ng biglang may humila sa backpack ko. "Hoy, saan ka pupunta ah?"
Psh. Yung bestfriend ko lang pala. Si Eon. "Uuwi na ako. Di ba obvious?"
Tinaasan lang niya ako ng kilay at hinead-to-foot ako. Aba. Ano bang problema ng babaeng 'to? Nagmamadali na ako.
Nung bumalik ang tingin niya sa mukha ko ay ako naman ang nagtaas ng kilay. "O, tapos ka na bang suriin ang kagandahan ko? Sige. Uuwi na ako." tinalikuran ko na siya pero naramdaman kong hinila niya ang braso ko. Amp! Kainis talaga tong babaeng 'to. Pasalamat siya at bestfriend ko siya kundi ay matagal ko nang hinampas ang mga librong dala ko sa mukha niya.
"Hep hep hep. Sigurado ka bang uuwi ka? Nako, bes Ikaw talaga. Pag isang araw nalaman kong buntis ka patay ka talaga sakin."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Aba. Tingin niya sakin? Babaeng bagito? Tsk.
Binatukan ko nalang siya. Kung anu-ano kasi iniisip eh. "Ano ka ba, bes? Hindi ako ganung klaseng babae. At isa pa, nagsasabi ako ng totoo. Uuwi na talaga ako."
"Eh bakit ka nagmamadali?"
"Bakit? Hindi pa pwedeng excited lang akong umuwi?"
"Psh. Oo na. Ako na iyong mali. Sorry na." sabi niya sabay pout.
"Wag ka na mag-pout, bes. Ang pangit mo tingnan." sabi ko sakanya sabay tawa. Maganda naman talaga siya, eh. Inaasar ko lang.
"Mas maganda kaya ako sayo."
Binehlatan ko nalang siya at tumakbo paalis. Haha. Ang sarap talaga niyang asarin. Napatingin naman ako sa watch ko. 5:40 na. 5:30 yung usapan namin ni kuya. Mas binilisan ko yung paglakad ko papuntang parking lot.
Pagdating ko dun ay agad ko siyang hinanap- at ayun! Nakita ko ang sasakyan niya na naka-park sa pinaka-dulo. Nakita ko rin siyang nakasandal sa kotse niya pero nung nakita niya ako ay agad siyang kumaway at tumakbo palapit sakin.
Hindi ko na-contain ang excitement ko at sumigaw ako. "KUYA!!!!" kinawayan ko rin siya. Yung kaway na naka-taas talaga yung kamay mo. Hahaha.
Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako. Papalapit na siya sakin nang may biglang-"PEEP! PEEP!"
Nakita ko ang isang sasakyan na papalapit sakin. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa sasakyan na papalapit ng papalapit na sakin.
Is this the end for me?
Hindi. Hindi pwede kasi kailangan ko pang makasama ang kuya ko pero kahit anong pilit ko para akong na-istatuwa sa kinatatayuan ko at hindi na ako makagalaw. Huh. Noon, lagi akong nagagalit sa mga tao sa dramas na pinapanuod ko na hindi umiilag pag malapit na silang masagasaan. I mean, may oras pa sila para tumakbo. Pero ngayon, I understand.
Palapit na ng palapit ang sasakyan. Konti nalang....
"MJ!!!"
Narinig ko ang sigaw ng kuya ko at ang biglang pagtulak niya sakin and then there was darkness....
BINABASA MO ANG
Mr. Popular And I [UNDER CONSTRUCTION]
Hayran Kurgu[DO NOT READ! INE-EDIT KO PA BAWAT CHAPTER. HUEHUEHUE. I HAVE MY REASONS KUNG BAKIT KO INEDIT. BASTA. WAG NIYO MUNA BASAHIN TO. NASA INYO NA IYON KUNG MAKIKINIG KAYO SA AKIN.]  What happens when you fall in love with a person who doesn't e...