Timea Hel's PoV!Umuusok na sa sunog ang bahay namin! Sa hindi inaasahang pangyayari bigla nalang kaming pinaulanan ng bala! Hindi ko maiwasang kabahan, matakot, at umiyak, ang dalawa kong kambal na kapatid ang kasama ko ngayon sa kwarto nagtatago habang yakap yakap ko sila, habang ang mga magulang ko nasa labas! Mas kinakabahan ako para sa kanila, Diyos ko, proteksiyonan niyo po sila,
"Ate, ate, si mama? Si papa? *Hik* asan sila?". Inosenteng tanong ng kapatid ko habang umiiyak! Hindi dapat nila nararanasan ang ganito dahil ang babata pa nila! Bakit nga ba kailangang mangyari 'to?! Wala naman akong kilalang gagawa nito samin! Mabait ang pamilya ko, sinong maglalakas loob na paulanan kami ng bala?! Pero mas kinakabahan ako para sa magulang ko! Kanina lang biglang lumabas si mama para hanapin si papa pero hindi na siya bumalik! Gusto ko siyang sundan! Pero ang mga kapatid ko, hindi ko sila gustong iwan,
"Bunso, tandaan niyo Mahal na mahal kayo ni ate hah? *Hik* lalabas lang si ate sandali para hanapin si mama at papa... Huwag na huwag kayong aalis dito!". Napagdeisyonan kong hanapin sila Mama, bahala na kung anong mangyari! Hinalikan ko isa isa sa noo ang kambal kong kapatid, dapat mahanap ko sina mama at papa, Sana lang at walang masamang nangyari sa kanila!
"Ate! *Hik* balikan mo kami!". Dinig ko pang sabi ng kapatid ko pero tuluyan na akong nakalabas ng kwarto ng biglang!
*RATATATATATATAT*
*RATATATATATATAT*
*BOOOOOOMMM*
"Aaaaaaaaaaaahhhh!". Napaluhod ako sa sahig ng wala sa oras at napatakip sa'king tenga! Nagpaulan ulit ng bala! Diyos ko sina mama at papa sana ayos lang sila! Ang apoy nagsisimula ng kumalat sa dingding! Wala akong ideya kung bakit nangyari 'to samin pero ang mas importante sakin ngayon ay makita sina mama at papa na ligtas!
Tinakpan ko ang ilong at bibig ko dahil sa sunog! Ma?? Pa?? Asan na ba kayo?? Tumayo ako at dahan dahang naglakad,
"PLEASE! PLEASE! HUWAG MO KAMING IWAN NG MGA ANAK MO HON! LUMABAN KA PLEASE! HUWAG MO KAMING IWANAN!". Mula sa kinatatayuan ko rinig na rinig ko ang malakas na hagulgol ni mama galing sa kusina! Nagsimula na akong kabahan... Naging iba ang pakiramdam ko, Diyos ko huwag naman sana!
Tinakbo ko ang kusina at halos gumuho ang mundo ko sa nakita ko! Si Papa! Napatakip ako say bibig ko at naninikip Ang lalamunan ko, pinipigilan kong tumulo ang luha ko habang sobrang bilis ng pintig ng puso ko, Si Papa nakahandusay sa sahig habang duguan! Diyos ko! Huwag ang papa ko!
"PA! PA! PA! A-anong n-nangyari?! PA?! Magsalita ka naman Pa! PA! Huwag mo kong iwan! PA! Naman eh! Please maawa ka sa amin! Huwag mong gawin 'to Pa! Huwag mo kaming iwan...please....pa...". Humagulgol ako ng todo ng malapitan ko si Papa! Bakit nangyari 'to?! Hindi na siya humihinga! Bakit?! Bakit kailangan kunin si Papa?! Niyakap ko si Papa ng mahigpit na mahigpit hindi ko siya gustong iwan!
"Pa! Gumising ka na please....huwag namang ganito oh...". Pumipiyok na ang boses ko, hindi eh! Hindi pwedeng mawala si Papa! Kailangan pa namin siya!
"Anak, wala na ang Papa mo! Natamaan siya ng bala ng baril kanina....*hik* Kailangan na nating umalis dito! Ang mga kapatid mo ang babata pa nila! Nasa panganib ang buhay natin kailangan na nating umalis!". Si mama, pero wala akong planong iwan si Papa! Gusto kong manatili sa tabi niya, gusto ko siyang samahan! Mas Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya, mahal ko si Papa!
"Ayaw ko! Gusto ko sa tabi ni Papa Ma! Iwan niyo nalang ako dito! *Hik* hindi siya patay! Buhay ang papa ko! Hindi siya patay!". Pagmamakaawa ko! Hinawakan ni mama ang braso ko at tinanggal ang pagkakayakap ko kay papa at iniharap niya ako sa mukha niya, pulang pula na ang mata ni mama! Bakit ba nangyari 'to eh?!
BINABASA MO ANG
Fate of Our Horizon
Teen FictionPinagtagpo ng panahon, Pero pinaparusahan ng realidad, Mahal nila ang Isa't Isa pero pinagkakaitan sila ng oras na magkasama, Gusto nilang maging masaya pero pinipigilan sila ng mundong maging masaya, Sa kabila ng lah...