Hearon's PoV!!!
Kakagising ko lang ng maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa tiyan ko! Sh*t! Si Cyan! Ambigat! Humihilik si Cyan habang ang katawan niya ay nakahiga sa tiyan ko ang mukha naman niya nasa paa ni Vyan, tapos ang paa naman niya nakatanday sa mukha ni Haze! Tengene! Nakadapa pa siya! Biglang gumalaw si Vyan, tss! Isang maling galaw ni Vyan mahuhulog talaga siya sa kama! Si Haze naman ayun ansarap ng tulog balot na balot pa siya ng kumot! Di ako makagalaw! Kainis! Andami daming kwarto dito sa Mansion pero dito talaga sa kama ko nakikipagsiksikan! Tss!
*Tok*Tok*Tok*
"Señorito Hearon, Señorito Haze, Señorito Vyan, At Señorito Cyan, breakfast is ready mga Señorito,". Nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari ng biglang kumatok si Eusugi, ang butler namin,
*Blaaaaag*
"Did I hear 'breakfast'??". Si Vyan! Nahulog si Vyan si kama pero agad ding bumangon mula sa pagkakabagsak niya! Wth?!
"Gutom na ako! Paunahan sa hapag kainan!". Bigla na lang bumangon si Cyan sa tiyan ko! Sh*t! So all this time gising silang dalawa?!!
Agad na nagunahang lumabas ang dalawa sa kwarto, habang kami naman ni Haze naiwan, tsk! Yung dalawang yun talaga!
"Señorito Hearon hindi pa ba kayo bababa para kumain?". Tanong ni Eusugi, hindi ko siya namalayan,
"Eusugi, may kaaway ako sa school, and worst babae pa! Gusto ko siyang gantihan!". Napatingin ako sa ekspresyon ng mukha niya, okey, mukha parin naman,
"Hmm, kanina Señorito, tumawag si Madam Heana, nabanggit nga niya sakin na may nakaaway raw kayo sa unang araw ng klase, bakit ka nga pala napaaway Señorito??". That Madam Heana is my mom, tsk! Ambilis naman yatang makarating dun kay mom ang nangyari?? Nasa ibang Bansa na nga siya updated parin?? Oh... I forgot nothing in this world can hide from her!
"It's a long story, Eusugi kapag ikaw ang nasa posisyon ko anong gagawin mo para makaganti sa kaaway mong babae?". Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko,
"Señorito, kung ako lang, hindi ko na siya gagantihan kasi magsisimula na naman yan ng panibagong gulo, ako nalang ang kusang lalayo,". Napailing iling nalang ako sa sinabi ni Eusugi! Tsk! Ayaw! Gaganti ako!
"Eusugi naman! Binangga niya ang isang Hearon Menzel! Hindi ako papayag na hindi ako makaganti! Tsk!". Napahawak sa sentido si Eusugi, tsk! Basta gaganti ako!
"Siya, basta mag-ingat nalang kayo Señorito, segi na, bumaba ka na at kumain dahil baka maubos ng dalawang señorito ang agahan, mahimbing pa ang tulog ni Señorito Haze,". Pagkatapos sabihin yun ni Eusugi ay lumabas na siya ng kwarto, ilang sandali pa lumabas narin ako at pagbaba na pagbaba ko palang nakita ko na ang kambal! Tsk! Napailing iling nalang ako sa ginagawa nila sa lamesa!
Si Cyan nakapikit habang nagdadasal si Vyan naman ayun umaandar na naman ang kademonyohan! Ewan ko ba diyan sa lalakeng yan mukhang pinaglihi sa demonyong gwapo yan eh! Tsk!
"Lord goodmorning, thank you for all the blessing that you've given to us, sa kagwapuhang ipinagkaloob mo sa akin, lalo na po sa breakfast namin ngayong umaga, I pray that this food will give us some proteins, vitamin C, and etc. Lord ipinagdarasal ko rin po ang kambal kong si Vyan, may the spirit of stick to one comes in him, I also pray for Hearon sana po magkaroon na siya ng girlfriend, at si Haze sana po magising na siya, pabalikin niyo na po siya sa realidad para makakain na siya ng breakfast, Lord patawarin niyo po si Vyan, Hearon, at Haze sa kanilang mga kasalanan at yun lang po. Amen.". Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa dasal ni Cyan! Tsk! Akala mo naman kung sinong anghel na nahulog sa lupa!
BINABASA MO ANG
Fate of Our Horizon
Teen FictionPinagtagpo ng panahon, Pero pinaparusahan ng realidad, Mahal nila ang Isa't Isa pero pinagkakaitan sila ng oras na magkasama, Gusto nilang maging masaya pero pinipigilan sila ng mundong maging masaya, Sa kabila ng lah...