CHAPTER 23: ASSESSMENT TEST PART 1

11 2 0
                                    


Timea Hel's PoV!!

Kanina pa ako napipikon dito kay Pin kasi naman hanggang dito sa apartment tinutukso parin ako kay Hearon! Alam niyo sa totoo lang kanina nung lunch habang kumakain kami bigla nalang akong nakaramdam ng kaba ng sabihin ni Queen yung katagang 'Uhm Hearon di mo ba ako i-imbitahan sa dinner niyo ng family niyo bukas? You know as Girlfriend' cause like seriously?! Inakala ko talaga na may girlfriend na si Hearon, eh ano naman kasing paki ko diba? Wala namang kami tsaka hindi talaga ako palasalita pagdating sa harap ng pagkain, gusto ko ng tahimik lang.

"Sabihin mo na kasi anong pinag-usapan niyo?! Ikaw Hel ah magtatampo na talaga ako sayo, naglilihim ka na naman sakin!". Ang OA talaga nitong babaeng to! Nagluluto ako ngayon ng hapunan namin, sabi ni Hearon pupunta raw siya hindi ko alam kong seryoso ba siya dun. Eh kasi naman baka napipilitan lang siyang gawin to para sakin diba?

"Eh wala nga! Sabi niya pupunta siya dito kasi mag rereview kami!". Sigaw ko sa kanya, nasa sala kasi siya at nagsisigawan lang kami,

"Talaga?! Ayieee nagkakadevelopan na kayo ah?!". Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumunta ako ng sala.

"Alam mo ikaw talagang mahuhulog ang loob ko kay Hearon kapag di ka pa titigil sa kaka-ayiiee mo nayan! Atsaka kailan pa ko naglihim sayo ha? Lahat naman ng scenaryo sa buhay ko alam mo.". Sabi ko sa kanya habang dinuduro gamit ang sandok.

"Talaga? Eh pano kapag niligawan ka niya? Ako ang unang makaka-alam?". Baliw talaga.

"Eh bakit naman niya ako liligawan?! Sira ulo ka talaga!".

"Alam mo Hel ang manhid mo no? Kasi ako kitang kita ko eh! May gusto siya sayo pramis!".

"Isa pa Pin ihahagis ko talaga tong sandok sa mukha mo! Imposible nga yun, magkaibigan lang kami,". Sabi ko bago tumalikod sa kanya, habang inihahain ko ang niluto kong ulam biglang sumulpot si Pin sa harap ko.

"Ay talaga ba kasi sa pagkakaalam ko sa pagiging 'magkaibigan' nagsisimula ang lahat!". Itinigil ko muna ang ginagawa ko pagkatapos ay tinitigan ko si Pin.

"O segi may konti akong nararamdaman para sa kanya, hindi ko alam kong pano, saan, at kailan to nagsimula. Kilala mo naman akong tao diba Pin? Hindi ako mahilig sa ganyang bagay, and I've read a lot of hypothetical about Romantic love trust me it sucks!". Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko, oo may nararamdaman ako kay Hearon, narealize ko maybe a second ago.

"Timea naman! Love is not a hypothetical! it's real okey? And girl you're experiencing it right now!". Hahayy di talaga magpapatalo tong babaeng to.

"Pin yung nararamdaman ko sa kanya ngayon ay 'like' lang okey? Hindi ko siya mahal ano ka ba,". Bigla naman niya akong tinawanan na parang di makapaniwala.

"Hel saan ba nagsisimula ang Love?". Eh ba't tinatanong niya pa sakin? Ang dali lang naman sagot.

"Sa 'L' hello?! Alam mo bumalik ka kaya sa kinder--Aray!". Napahawak ako sa ulo ko ng sapakin niya ako, ansakit nun ah?!

"Oh ngayon alam mo na ang feeling ng sinasapak babae ka! Atsaka pwede ba anong 'L'?! Hindi naman literal na LOVE ay nagsisimula sa L! What I mean is yang nararamdaman mo ngayon diyan nagsisimula ang pagmamahal! Tsaka di ako kagaya mo na myembro ng NBSB no, expert to!". Inirapan ko lang siya, baliw! Kaya nga di ko pinipigilan ang nararamdaman ko kay Hearon eh kasi ayaw kong lumala!

"Oh di ikaw na! Kumuha ka ng plato, maghahapunan na tayo bilis!". Mabilis naman siyang sumunod sa sinabi ko, good!

"Bahala ka sa buhay mo basta sinabihan na kita.". Hindi ko na siya sinagot at kumain kami ng hapunan. As usual wala na naman kaming imikan.

Fate of Our Horizon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon