Hi! First of all I am very thankful and very happy dahil may nagbasa ng story ko, especially Cez_Mont_Bach deathix123 beahmalong and sherinedangas thanks to you guixe😂😂 Anyways Happy reading and God Bless us All😘😘😘muah!!*****
Timea Hel's PoV!!!!
Napataas ang kilay ko sa nakikita ko ngayon,
[Lions,
Menzel,
Deloux,
Axson,
Velez,
Chien,
Hizon,
Aviles,
Elezanto]"Goodness me! Pakisapak nga ako!"
Hindi ako nagdalawang isip na sapakin si Pin! Sira ulo pakisapak raw siya kaya sinapak ko!
"Masakit Hel ah??". Oh? Ngayon nagrereklamo siya?! Baliw talaga!
"Sabi mo sapakin ka eh kaya sinapak kita!"
"Good! Very good! Most obedient bestfriend of the year! Anong gusto mong medal?! Yung kasing laki ng ulo ni Einstein?!" Ay pota!
"He! Samahan mo narin ng certificate ah para kompleto!"
"Che! Mukha kang alien di kita getz! Bumalik ka na sa planeta mo Hel!" Aba?! Puti ako di ako green!
"Wow nahiya naman ako sayo! Anong tingin mo sa sarili mo normal?? Abnormal ka Pin hah! Saan ka bang mental hospital nakatakas?!"
"Sa puso niya... Ayieeeeeee!!". Baliwwwwwwwww!
*PAAAAKKKK*
Sinapak ko ulit siya! Sira talaga!
"Che! Balik na tayo sa binabasa natin! Nakakadalawa ka na saking alien ka hah??".
"Tumahimik ka baliw!" natahimik naman kaming dalawa saka binalik ang atensiyon sa laptop ni Pin, tsk! Baka naman nagkataon lang na pareho kami ng apelyedo??
"Baka naman nagkataon lang diba Hel??". Ay sabi ko nga, tumango tango lang ako bilang sagot ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nun si Ranx na nakasuot ng pantulog habang may dalang unan!Anakng! Agad na pinatay ni Pin ang laptop niya at nagpanggap kaming dalawa na walang nangyari,
"Did I miss something??". Taas kilay na tanong ni Ranx,
"Wala naman, nag-uusap lang kami ni Hel tungkol sa... Sa?? Ano nga yung topic natin Hel??". Baliw talaga! mahahalata kami neto!
"Ahh... yung ano, yung assessment test next month, tama yun nga, assessment test...". Sheeet! Hindi pa nga pala alam ni Ranx na kailangan kong mapunta sa First Place para hindi kami ma-kick out ni Pin!
"Assessment test?? Ahh.. Okey...". Nagkamot pa siya ng ulo! Tsk!
"Bakit ka nga pala nandito?? Bakit may dala kang unan?? Anyari sayo??". Takang tanong ni Pin,
"Dito ako matutulog... Please baby Pin...". Nagpuppy Eyes pa Si Ranx sa harap naming dalawa, tsk! Nakita kong umiling iling si Pin,
"Ano namang pumasok sa pwet mo't dito mo gustong matulog hah?! Labas! Kami lang ni Hel ang matutulog dito! Chupe!". Tahimik lang ako na nakatingin sa kanilang sa dalawa habang hindi maalis ang ngiti sa aking mukha, nakakatawa silang tingnan sa totoo lang,
"Sige na... Baby naman, namiss ko kayo.... Pleaseeeeeeeeeee...". Hindi bakla si Ranx ah?? Mukha lang hahaha
"Sige pero sa sahig ka magtutulog, akala mo hah!". Napailing iling naman ako,
BINABASA MO ANG
Fate of Our Horizon
Teen FictionPinagtagpo ng panahon, Pero pinaparusahan ng realidad, Mahal nila ang Isa't Isa pero pinagkakaitan sila ng oras na magkasama, Gusto nilang maging masaya pero pinipigilan sila ng mundong maging masaya, Sa kabila ng lah...