CHAPTER 17: BLACKMAIL PART 2

20 3 0
                                    


Pin's POV!!!

Naiwan kami ni Ranxer dito sa loob ng hospital, kaloka yung tatlo di ko alam san na nagpunta! Kapag may masamang mangyari talaga kay Hel lagot sakin yung dalawang gwapong nilalang na yun!

"Pin, hindi ka pa ba inaantok?". Tanong ni Ranxer sakin, well pagkatapos ng mga nangyari ngayong araw bukas na siguro ako matutulog speaking of bukas mag-uumagana na pala hindi ko man lang namamalayan, haystt asan na ba si Hel? I'm glad na okey na sina mom and dad pero di pa namin sila nakikita kailangan pa kasing ayusin yung room nila,

"No, nawala lahat ng atok ko Ranxer eh, tsaka weekend naman bukas kaya makakapag-pahinga ako, pero sa ngayon gusto ko na munang makita sina mom and dad, kahit saglit lang,". Napatango naman siya,

"Alright, bibili lang ako ng makakain diyan, I'll be back,". Tumango lang ako bilang sagot, siguro nagutom yun pagkatapos ng mga nangyari,

Naiwan ako nag-iisa, well may nakikita naman akong mga nurse, hayyyyy asan na ba yung bespren koo???????

Tumayo ako sa kinauupuan ko ng biglang tumunog ang selpon ko, napaisip naman ako sino naman kayang tatawag sakin ng ganitong oras? Si mom and dad well wala sila sa kondisyon na tawagan ako, si Ranxer naman kanina lang magkasama kami, si Hel? Eh walang selpon yun eh!

Kinuha ko ito at tiningnan! Hala siya Unknown number! Baka naman nakidnap si Ranxer?! Tapos tapos nanghihingi sila ng Ransom?! Patay!! O baka naman serial killer to?! Lagot naaaaa!

Di ko nalang kaya sagutin? Ehhhh

"Hayst! Kapag itong caller nato nagloko isasabit ko talaga siya sa bubong!". Nasabi ko nalang bago ko sagutin ang tawag

"Yes? It's Sunalia Pin speaking who's this??*pretty eyes*". Kinakabahang tanong ko,

"Where's Hel?". Hala siyaaaaa!! Si Hel? Asan? Waaaa baka kinidnap niya si Hel!! Yung bespren koooo,

"Hoy! Kapag may masamang mangyari sa bespren ko kakalbuhin talaga kita kung may buhok ka! Ibalik mo siya dito sa hospital ngayon din!". Bulyaw ko dito

"Hospital?". Napatakip ako sa bibig ko ng marealize kong nasabi ko nga pala kung nasan ako, waaa patay naaa! Baka puntahan niya ako?! Tapos tapos kikidnapin rin?

"Hey still there?". Tanong ulit nito, naku naman! Ano ngayon ang gagawin ko?! Pero wait! Yung boses niya pamilyar eh!

"Can you speak again Mr. Kidnapper?".

"Tsk! You're unbelievable! I'm not a f*cking kidnapper! I'm looking for Hel I have something important to discuss about her!". Kaboses ni....

"Hearon! Is that you?! Hah! I knew it! Ehhh bakit mo gustong kausapin si Hel ha?? Tsaka sa ganitong oras, galing! Wala siya dito, lumabas sumama dun sa dalawang gwapo,". Napanatag naman ang loob ko ng malamang si Hearon pala itong kausap, medyo nahiya naman ako ng konti kasi napagkamalan ko siyang kidnapper

"What?! Find her! Give that damn phone of yours to her now!". Ay pota!

"Hoy Hearon inuutusan mo ba ako?! Huh! Di mo ko maid no! Atsaka ikaw tong may kailangan sa bespren ko kaya ikaw ang lumapit sa kanya! atsaka wala nga siya dito!". Akala niya ha?!

"Tsk! Kapag sinabi kong hanapin mo hanapin mo siya dammit! Huwag ka nalang magreklamo pwede ba?!". Grrrrr!!

"Huh! Hindeeee! Bala ka sa buhay mo! Atsaka nakakahalata na ako ah! May gusto ka ba dun sa bespren ko hah?! Pwes ito lang masasabi ko sayo! Goodluck!!!". Yun lang ang sinabi ko sa kanya saka pinatayan siya ng tawag, hmmmp!!! Siya na nga tong may kailangan siya pa tong nagagalit! Naku nakakabwesittt!

Fate of Our Horizon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon