CHAPTER 20: SURPRISE

8 2 0
                                    

Timea Hel's PoV!!

         Lumipas ang lunes at martes ng matiwasay, kada hapon pagkatapos ng bawat klase namin dumederetso kami ni Pin sa Personal Secret Base nina Hearon, may good news rin ako naka-fully recovered na sina tito at tita, at nakauwi na sila sa Mansiyon ng mga Velez kaya nakatuon ang buong atensiyon ni Pin ngayon para sa surprise party na gaganapin mamayang gabi, habang ako naman abala sa pagrereview para sa darating na assessment test, mabuti nalang talaga at nasa tabi ko lang si Hearon. While si Ranxer naman, masaya siya na nagkabati na kami, though hindi ko alam kong masaya ba talaga siya pero ang sabi niya kung saan raw ako masaya susuportahan niya raw ako.

Mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon ng marinig ang alarm clock ko, agad na pumasok sa banyo. Mabilis akong naligo at ginawa ang dapat gawin, pagkatapos gawin ang daily routine ko agad akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina, nadatnan ko naman dun si Pin na naghahain ng pagkain sa mesa,

"Good morning Hel! Gigisingin sana kita, halika kain na! We have a big day today,". Mukha nga, kasi pinaghandaan nina Pin ang surprise party para dun sa nililigawan ni Haze.

"Have you talk to Ranxer Pin?". Tanong ko rito,

"Nah, hayaan mo na yun Hel kasama nun panigurado sina Prinz at Eminence! Atsaka matanda na yun, alam mo excited ako mamayang gabi, ewan ko ba pero feeling ko sasagutin na si Haze nung Arielle though hindi ko naman siya kilala pero feel ko talaga eh!". Napailing nalang ako, sa totoo lang wala naman akong pakialam kong sasagutin si Haze o hindi ang importante sakin ngayon ay kung makaka survive ba ako sa assessment test this friday!

"Kumain nalang tayo,". Kumain nga kami ng walang imikan, as usual.

Pagkatapos ng lahat ng etchos etchos na ginawa namin sa apartment, dumeretso na kami sa Primhigh gamit ang sariling kotse ni Pin. Nagpabili talaga siya ng kotse.

Nakarating kami sa Primhigh ng matiwasay, sakto namang paglabas ko ng kotse nagsidatingan sina Hearon, Haze at ang kambal sakay ng kani-kanilang kotse.

"Hi Pin! Hi Hel!". Si Vyan ang unang bumati samin kasi siya naman ang unang lumabas. Nginitian ko lang siya habang si Pin naman hayun kulang nalang mapunit yung labi niya sa lawak ng ngiti. Sunod na lumabas si Haze kasabay si Hearon.

Ayan na naman yung puso kong tibok ng tibok, diyos ko po!

"Papasok na kayo?" tanong ni Hearon, hindi ko na siya sinagot kasi sinagot na siya ni Pin

"Yup!".

"Sabay na kayo samin,". He smiled, iniwas ko ang mga mata ko sa kanya para kasing hinihigop ako lol.

"Sure ka?". Di ko napigilan ang bibig ko't natanong ko yun, lumapit siya sakin sabay tango, seninyasan niya ako na mauna kaming maglakad, habang yung apat naman nasa likod namin nakasunod.

"O my God! Look Kyle si Hearon tsaka yung isang girl!".

"Sila na ba?!".

"Duhh seriously?! Mas maganda pa ako diyan eh!".

"Tumahimik ka nga Gail baka marinig ka eh!".

"Look oh! Di naman sila bagay,".

"Well she's pretty naman, hayaan niyo na yung tao inggit lang kayo eh.".

Yan ang bulong bulongan sa paligid, kaloka naman! Heartthrob nga pala tong mga kasama ko kaya ganito nalang ang eksena ng mga estudyante rito!

"Just don't mind them Hel, siguro simula ngayon masanay ka na,".

"Ha?". Ano bang nangyayari sakin?! Di naman ako ganito ka tanga noon, ngayon lang to! Simula ng matamaan ng kidlat ng kabaitan si Hearon!

"I mean, were friends right?". Dun ko lang na gets yung point niya, friends? Oo nga naman tinulungan niya akong mag review, naging malapit kami this past few days so it means were friends.

Fate of Our Horizon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon