CHAPTER 22: DREAMS THAT TURNS INTO REALITY (2)

9 2 0
                                    

Timea Hel's PoV!!

    Nakarating kami ni Pin sa Primhigh ng matiwasay, maaga kami ngayon kaya naisipan ko munang pumasok sa library. And as usual hindi na naman sumama si Pin alam niyo naman ang babaeng yun may topak!

Mamaya pa naman ang first subject namin kaya dito na muna ako sa library mag rereview! Speaking of review, hindi ko alam kong anong nangyari dun kay Hearon kanina! May sasabihin raw siya sakin pero pinatayan naman ako ng tawag, sira ulong lalakeng yun. Aishh bahala na muna siya magrereview lang muna ako, bukas na ang assessment test!

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at naghanap ng libro, hindi aabot sa sampu ang estudyanteng naririto ngayon though maaga pa naman. Naabot ko ang pinakadulo ng library, tahimik parin ng mahagip ng mata ko si Haze. Wait what?! Si Haze?!

Nakaupo siya sa sahig habang may binabasang libro. Luhh nagkaayos na kaya sila ni Arielle? Lalapitan ko ba? Huwag nalang kaya? Aish baka gusto niyang mapag-isa? Segi aalis nalang ako!

Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Hel". Napalingon ako kay Haze ng tawagin niya ako, argh fine ngayon lang to.

Lumapit ako sa kanya tapos umupo katabi niya, baka kailangan niya ng kausap nasan ba kasi yung mga kaibigan neto?

"Alam kong di ka okey.". Pagsisimula ko, eh alangan namang tanungin ko siya kung okey ba siya eh halata naman sa mukha niyang di siya okey! Nagulat pa ako ng isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko, grr hinayaan ko na lang ng marinig kong umiiyak siya. Hindi mahilig ang mga lalakeng umiyak pero kapag umiyak man sila for sure may masakit silang pinagdadaanan kagaya ni Haze, mahal niya nga talaga si Arielle.

"Hindi ba kayo nagkaayos?". Tanong ko, umiling naman siya

"I've tried my best Hel, siguro di kami ang para sa isa't isa. Hindi naging maganda ang pag-uusap namin kagabi at napagdesisyunan niyang bumalik na ng Paris, she's pregnant and she's getting married Hel hindi ko na gustong ipagsiksikan pa ang sarili ko sa buhay niya.". Inialis niya ang mukha niya sa leeg ko, nanatili lang akong tahimik

"I guess it's time for move on,". Sabi niya ulit, nanaig ang katahimikan saming dalawa bago ko mapagdesisyunang magsalita.

"Trust me Haze time can only heal your pain, at hindi mo kasalanan na naging ganito ang ending ng love story niyo. Hindi ikaw ang nawalan Haze kundi si Arielle, someday you'll be fine.". Lumingon siya sakin saka mahinang tumango, akala ko talaga magkakabati sila ni Arielle kagabi. Mahal naman nila ang isa't isa pero hindi pa pala sapat yun para magkasama sila.

Hindi pabor sa kanila ang tadhana, baka naman kasi may nakalaan na ibang babae para kay Haze.

"Bakit ka nga pala nandito? Alam ba to ng mga kaibigan mo?". Pag-iiba ko ng topic

"Hindi. Hel this place is the best place to think, dito ako palaging pumupunta kapag may problema ako, thanks by the way.  Eh ikaw ba't ka nandito ha?".

"Ahhh kasi nagrereview ako, tinawag mo ko kaya heto!".

"Baka may maitulong ako sa pagrereview mo, I need to keep myself busy para makalimutan ko si Arielle,". Ahh I see

"Yeah sure, tara?". Nagiging friendly yata ako ngayon no? Bahala na nga!

Bumalik ako sa table ko kasama si Haze, nagsimula akong magreview habang siya naman ang sasagot sa mga tanong ko,  Iba talaga kapag matalino ka no? Maasahan mo talaga ang utak mo!

Marami rami rin ang pumasok sa isip ko, mabuti nalang at may umaalalay sakin, pero iniisip ko rin eh makakalaban ko Sina Haze, Hearon, Prinz, ang kambal except kay Eminence kasi nga may gagawin raw siya, eh pano yan? Ang tatalino ng makakalaban ko? Kay Prinz palang tumba na ako.

Fate of Our Horizon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon