CHAPTER 21: DREAMS THAT TURNS INTO REALITY (1)

9 2 0
                                    


Timea Hel's PoV!!!

"Promise walang iwanan?".

"Promise!".

"Hel baka paglaki mo makakalimutan mo na ako?".

"Bakit naman kita makakalimutan? Eh ikaw lang naman ang kaibigan ko eh!".

"Talaga? Ako lang ang kaibigan mo?"

"Oo naman! At kapag nakalimutan man kita ipakilala mo lang ang sarili mo sakin maalala na kita!".

"Tara dun laro tayo!".

"Hel sabi ni Sister bawal raw diyan baka masagasaan tayo ng truck!".

"Sandali lang naman tayo eh, tsaka wala namang truck oh! Tara na kasi!".

"Eh tigas talaga ng ulo mo segi na nga!".

"Mmm! Ikaw taya habulin mo ko!".

"Ang daya mo talaga! Hintayin mo ko Hel!".

"Huli ka ngayon sakin!".

*PEEEEEEEEPPPPPPP*

"Hel may truck!".

"AHHHHHHHHHHHHHHH--BOOGSH!".

"PRINZZZZZ!!".

Habol ang hininga habang pinagpapawisan ako ng magising sa isang masamang panaginip. Ngayon ko lang napanaginipan ang bagay na yun, at parang totoo ang panaginip ko.

"Prinz?" Bakit nasali siya sa panaginip ko? Hayst baka pagod lang ako kaya napanaginipan ko yun. Napatingin ako sa alarm clock ko katabi ng kama ko, it's just 3:00 am. At dahil di na ako nakatulog ulit, bumangon ako sa kama ko saka pumunta sa kusina kailangan kong uminom ng tubig.

Yung batang nasa panaginip ko parang totoo eh, but it's just a dream. Pagod ka lang Hel, pagod ka lang okey?

"AY PANGET!/AY MULTOO!". Muntikan na kaming mag lips to lips ni Pin ng magkasalubong kami sa kusina kadiri tong babaeng to.

"Hoy sinong panget Hel?! Baka nakakalimutan mong sakin ka nagmana?!". Hindi ko nalang pinansin si Pin at ang drama niya, nilagpasan ko siya at kumuha ng pitsel ng tubig sa ref.

"Anyare sayo? Bakit pawis na pawis ka?". Napansin niya pala,

"Wala to ang init kasi,". Alibi ko,

"Init? Eh ang lamig lamig nga eh! Magsabi ka nga ng totoo Hel!". Bumuntong hininga ako saka  lumingon kay Pin,

"Fine, nagising ako kasi masama ang panaginip ko.". Muli akong tumalikod sa kanya habang binabalik ang pitsel sa ref.

"Ay talaga? Ano ba yung napanaginipan mo Hel?". Ang kulit

"Hindi ano kundi sino! Napanaginapan ko si Prinz actually bata pa siya run, hindi natapos ang panaginip ko kasi nagising ako bigla basta ang huling nangyari dun eh may malaking truck!".

"Eh bat di ka natulog ulit para natuloy yung panaginip mo?". Gaga talaga tong babaeng to

"Eh ikaw nalang kaya tumapos ng panaginip ko no? Teka nga! Bakit ba gising ka pa?!". Bigla naman siyang tumawa sa tanong ko, yung parang kinikilig! Nasapian ba to ng malanding multo?!

Fate of Our Horizon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon