Hel's PoV!!!
Halos hindi na ako makahinga ng makita ko ang resulta ng ranking.
10th- Amanda Landini & Zana Francisco
9th- Harlee Gonzaga
8th- Samantha Henriques
7th- Aldrin Nabalos
6th- Hana Stiens
5th- Justin Bracken
4th- Prinz Deloux
3rd- Timea Hel Elezanto
2nd- Death Villegas
1st- Jasmine Hizon
Kung hindi ako nagkakamali si Jasmine Hizon ay si Queen... Parang sasabog na ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na emosyon dito sa loob ko... I can't believe it! Si Queen ang nag rank number one at hindi ako! Ni hindi ko nga nakuha ang 2nd rank. God I'm so disappointed for myself!
Ewan ko kung naalala niyo pa yung lalakeng ka banda ni Ranxer, si Death. Yung lalakeng nanggulo dun sa booth namin last last last week. Akalain mo nga naman he's in the 2nd rank! Even Prinz! Dios ko bakit napunta sa 4th rank si Prinz? How is that even possible? Tsaka si Hearon, Haze at ang kambal what happened to them? Bakit di sila nasali sa ranking?! Dahil ba sakin?
Gusto kong umiyak.
Napahawak nalang ako sa mukha ko nang tingnan ako ni Pin at Ranxer. Siguro naaawa sila sakin ngayon.
"Wow Hel! You did a very very good job! You hit the third rank! So happy for you!". Napaiyak nalang ako ng tuluyan akong yakapin ni Pin nang mahigpit habang si Ranxer naman hayun pumapalakpak sakin. Pinupunasan niya rin yung mga luha ko, so is this really the end of my journey here in Primhigh?
Hanggang dito nalang ba talaga?
"Congratulations to those student who pass. And of course to our top ten students who race their knowledge to the top, I'm very proud of you all. And to those student who didn't pass the ranking... Well there will always be next time. That's all students. Have a nice weekend.". Isa isang nagsipalakpakan ang mga estudyante habang ako naman magsisimula na siguro akong maghanap ng bagong school na malilipatan.
"Hey tahan na Hel okey? Ginawa mo yung best mo, maging masaya ka nalang okey? Hanap nalang tayo ng ibang school.". Tumango tango lang ako sa sinabi ni Pin, tama naman siya eh.
"Tsaka matutuwa si Mom and Dad nito Hel kapag nalaman nila na nag rank 3 ka sa Primhigh! I'm sure they'll be proud. Smile ka na.". Napangiti nalang ako sa inasal ni Ranxer sa harap ko, mabuti nalang nandito tong dalawang to kundi ewan ko nalang kong anong mangyayari sakin.
"Hel?". Mabilis akong napatingin kay Prinz nang bigla nalang itong sumulpot, mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at humarap sa kanya.
"Can I.... borrow her for a second?". Ako? Nagkitinginan naman sina Ranxer at Pin at kalaunay tumango rin, sumama ako ka Prinz, di ko naman alam kong san niya ako dadalhin.
"Ahh san tayo pupunta?".
Tanong ko sa kanya,
Huminto siya bigla at hinarap ako ng nakangiti. Yung ngiting nakakatunaw.
Dug.Dug.Dug.
Hala yung puso ko!
"I told you to trust me didn't I?". He said straight into my eyes, mahina naman akong tumango kahit na kinakabahan.
Mas lalo yatang bumilis ang pintig ng puso ko ng hawakan niya ang kamay ko at tinitigan iyon. Ano bang nangyayari dito sa isang to?!
"Don't lose hope Hel... Magiging rank number one ka... I promise". Hala siya! Si Prinz pa ba itong kausap ko?! Bakit parang nag-iba siya? Napalunok nalang ako at sumunod sa kanya nang hilahin niya ako papalapit sa kanya. Sabay kaming naglakad habang hawak ang kamay. Pano kapag may makakakita samin? Issue na naman?
BINABASA MO ANG
Fate of Our Horizon
Teen FictionPinagtagpo ng panahon, Pero pinaparusahan ng realidad, Mahal nila ang Isa't Isa pero pinagkakaitan sila ng oras na magkasama, Gusto nilang maging masaya pero pinipigilan sila ng mundong maging masaya, Sa kabila ng lah...