I put my hands above my face as the wind blows strong and the leaves of the mango tree are swaying above me and the heat of the sun found my bare face.
Summer. My favourite season. Kahit mainit ay maginhawa pa rin sa pakiramdam. I stood up as I heard the galloping of the horses in the distance. Lumingon ako sa likuran at nakita ang tatlo kong pinsang mga lalaki na nagkakarerahan sakay sa kani-kanilang mga kabayo. Napangiti ako at pinagpag ang saya ng aking dress. Kumaway ako sa mga ito nang nakangiti.
"I'm gonna beat you Hendrix!" rinig kong galit na sigaw ng pinsan kong si Jared. Kapatid ni kuya Hendrix.
"In your dreams man" nakakalokong sagot naman ni kuya Hendrix ng maunahan niya si Kuya Jared.
Tinapik pa nito ang balikat ng kapatid at mas pinabilis pa ang pagtakbo ng kanyang kabayo.
In the end nauna si kuya Hendrix.
"Argghh damn you!" si Jared. Habang bumababa sa kanyang kabayo. Nasa harapan ko na sila ngayon at nag-aasaran.
"You are always slow Jared" tawa naman ng pinsan kong babae na si ate Maea.
"One day, I'm gonna beat your ass, Hendrix!" at pabiro nitong sinuntok ang dibdib ng kapatid.
"Watch your language! May bata dito" sabay tingin ni kuya Tim sakin.
"I'm sixteen already Kuya Tim" nakabusangot kong sabi.
"I'm not bata anymore."
"You're not yet eighteen Clare, so bata ka pa" sabay gulo nito sa aking buhok.
"Clare, just help me here. Wag mo na pansinin yang KSP mong pinsan" pang-aasar ni ate Maea sa kapatid.
"Whatever you say Maria" si Tim.
"Manners Timothy! Mas matanda pa rin ako sayo."
"Just three minutes older!" pang-aasar pa ni kuya Timothy.
Pinuntahan ko na si ate Maea na nasa kanyang kabayo at kinuha ang dala niyang basket na may lamang mga pagkain at banig. Dalawa kaming nag-ayos ng mga pagkain habang ang tatlo pa naming mga pinsan ay naliligo na sa sapa malapit sa kung nasaan kami.
Ate Maea and Kuya Timothy are twins. They're eldest sa aming magpipinsan. And then kuya Hendrix. Two years lang ang tanda nila ate Maea and kuya Tim kay kuya Hnedrix. At sinundan naman ni kuya Jared. And me, the youngest.
Nang matapos na kami sa pag-aayos ay tinawag na ni ate Maea ang mga pinsan namin at kapatid niya.
"Boys, handa na ang mga pagkain. Tara na dito."
