Kabanata IX

5 1 0
                                    


Dahil sa wala naman akong gagawin ay naisipan kong gumala sa malawak naming lupain sakay sa kabayo. Hanggang sa mapadpad ako sa dulo ng lupain namin. Ang lupa sa likod ng barbwires ay sa mga Aragon. Lumingon-lingon ako at walang kahit isang tao akong nakita. Tinanaw ko ang kagubatan sa aking harapan. Mababa lang ang barbwires kaya walang kahirap-hirap na tinalon ito ng kabayo.


Wala naman sigurong makakakita sakin na nasa lupain ako ng mga Aragon. At saka, gubat naman ito. Pinalakad ko na papasok sa gubat ang kabayo. Mga nagtataasang kahoy ang sumalubong sa akin. Malalaki rin ang mga ugat nito. 20 minutes na siguro ang nakakalipas nang pumasok ako sa gubat. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng bumabagsak na tubig. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang waterfalls.
Bumaba ako sa kabayo at hinihila ang tali nito habang naglalakad papalapit sa waterfalls.


Namangha ako sa ganda nito. Nasa may itaas ako kung saan nanggagaling ang tubig at sa baba ay ang nagkukulay asul na tubig.


"Ang ganda" mangha ko pa ring sabi. Hindi ganun kataas ang waterfalls. Pwede kong talunin mula sa kinatatayuan ko hanggang sa baba. Pero natatakot ako dahil hindi ko alam kung gaano ito kalalim kahit na marunong naman akong lumangoy.


Dahan-dahan akong bumaba dahil sa may kadulasan ang lupa. Nang tuluyan nang makababa ay hindi ko napigilang lumusong sa mababaw na parte.


Sana pala dinala ko si Ana. Paniguradong matutuwa ito.


Lumakad ako nang mabagal hanggang sa nasa bewang ko na ang tubig. Kahit walang dalang pamalit na damit ay hindi nito napigilan ang kagustuhan kong maligo. Nagsimula akong lumangoy pero hindi ako pumunta sa gitna.
Habang nasa ilalim ng tubig, I heard the horse neigh. Agad ay napaahon ako at nakita si Xavier na nakatayo malapit sa aking kabayo na nakatali.


Wearing a plain army green shirt and a white bermuda shorts he looks like a model. Lalo dahil magkacross ang kanyang mga kamay habang masamang nakatingin sa akin.


"What are you doing here?" Pagtatanong niya habang lumalapit. Tumigil siya nang nasa gilid na siya ng talon.


"What are you doing here?" Pag-uulit niya sa tanong ng may diin.


Napayuko ako at hindi nakasagot. Nasa loob ako ng lupain nila ng walang pahintulot.


"This is trespassing. Pwede kitang kasuhan"


Agad ay napaangat ako ng tingin rito at napatayo.


"Tss." Rinig kong sabi niya at nag-iwas ng tingin. Nakakunot pa rin ang kanyang noo.
Napatingin naman ako sa aking sarili at nagulat nang makitang bumakat ang bra ko sa manipis kong damit. Kitang-kita ko si hello kitty. Nakakahiya. Kung pwede lang akong lamunin ng tubig.


Tinanggal ko sa pagkakatali ang mahaba kong buhok at iniharang ito sa aking dibdib. Lumakad ako papalapit sa kanya para puntahan ang nakatali kong kabayo at para na rin makaalis. Pagkalagpas ko sa kanya ay nagulat ako nang higitin niya ang palapulsuhan ko. Dahil sa malakas na paghila ay nawalan ako ng balanse at napasalampak sa lupa. Tumama ang palad ko sa magaspang na bato. Agad ay napadaing ako sa sakit.


"Hindi ko sinasadya." agad na sambit ni Xavier. Maluha-luha akong napatingala sa kanya. Ang gulat ay nasa mukha pa rin niya.


Tumayo ako at pinagpag ang aking pwetan.


"Tingnan mo ang nangyari!" Sigaw ko sa kanya sabay pakita sa nasugatan kong palad.


"Ang oa mo naman. Gasgas lang eh" Nagulat ako sa inasta niya. Imbes na magsorry ay parang kasalanan ko pa. Parang nabasa niya ang iniisip ko kaya nagsalita ulit siya.


"Kasalanan mo talaga. Nasa lupain ka ng mga Aragon. Alam mo bang bawal tumapak dito ang mga outsiders? Private property ito."


Baliw na yata ako. Imbes na lalong magalit ay namangha ako dahil ito ang unang beses na ang haba ng sinabi niya sa akin. Dati puro 'Tss' lang.


"Daldalhin kita sa mansyon."


Huh?


"Ba-bakit" nauutal kong tanong. Pero hindi niya ako sinagot at tinanggal sa pagkakatali ang kabayo ko at binigay ito sa akin.


"Wag kang magtatangkang tumakas" aniya.


Isusumbong niya ba ko sa lolo niya? O baka ipakulong ako?


Naloko na. Patay ko ani ni mama ug papa ron.

Chains of MemoriesWhere stories live. Discover now