"Leonora, Leonora"
Napadilat ako bigla at napatitig sa kisame ng aking kwarto. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking mga pisngi. Hindi ko alam kong bakit ako napaluha bigla. Sobrang bigat ng nararamdaman ko at nasasaktan ako. Ini-on ko ang lampshade sa aking tabi at tiningnan ang oras. Its 2:40 in the morning. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumasok sa banyo para makapaghilamos. Pagkatapos ay bumaba ako sa sala at nagpunta sa kitchen para makainom ng tubig.
Habang naglalakad pabalik sa aking kwarto ay napansin kong bukas ang pinto ng library at may nakabukas na ilaw sa loob. Pumunta muna ako roon, tinulak ko ang pintuang hindi nakasara at lumapit sa lampshade na nakabukas. Nang papatayin ko na ito ay may biglang nalaglag sa pinakadulong shelf. Nilapitan ko ang switch para magliwanag ang buong kwarto. Pinuntahan ko ang bookshelf kung saan may nahulog. Sa pinkasulok ay may libro or album na nakabukas, hindi ito masyadong naiilawan kaya hindi ko maaninag kung ano talaga iyon. Nilapitan ko ito at pinulot at nakitang album ito. Isang wedding album. Sa nakabukas na pahina ay may litrato ng mag-asawang ikinasal. Black and white ang litrato.Dahil hindi na ko dinalaw ng antok ay naisipan kong tingnan nalang ang laman ng album. Bumalik ako sa sofa at umupo rito. Isa isa kong binuklat ang bawat pahina. Hindi ko kilala ang mga taong naroon. Sa pinakadulong pahina ay may larawan na hindi nakapasok sa mismong album, inipit lamang ito roon. Isang dalaga na nakasuot ng mahabang dress, ang kanyang buhok ay hanggang baywang. Both of her hands are on her back. Hindi siya nakangiti sa litrato. I flipped the picture and found a name written on the back of it. Leonora Garceron. 9-17-1916.
Siya yung ikinasal na nasa unang pahina ng album. Binalikan ko ang unang larawan sa first page at tinanggal ito, tinignan ko rin ang likuran kung may nakasulat ba. Leonora;Theodore Yap 5-20-1918.
Leonora? We have the same name. But, who is she?
Hindi ko namalayang sa pag-iisip ay nakatulog pala ako sa library.
Nagising na lamang ako sa mahinang pagyugyog sa aking balikat.Kinusot ko muna ang mga mata bago tuluyang naaninag ang mukha ni lola.
"Good morning apo. What are you doing here, bakit dito ka natulog?" tanong ni lola. Napatingin ako sa mga albums na nakakalat sa lamesa. Napansin naman ito ni lola at napasulyap siya sa mga yon.
"Oh, you found these." Sabay abot niya sa wedding album ni Leonora.
"Do you know her lola?"
"Leonora?"
Napatitig ako kay lola at tumango. Nakangiti naman niyang tiningnan at isa-isang binuklat ang album.
"Leonora is my mother's sister. Your great great grandmother"
"Where is her family now?" tanong ko habang nakatingin na rin sa mga larawan.
"Hindi sila nagkaanak ng lolo Theodore. And she died young. Three days before her twenty-second birthday."