Kabanata XXI

2 0 0
                                    


"Ba't hindi ka nagchat?"
Nagugulat ko siyang nilingon. Chat? Bakit ko naman siya icha-chat?

Pinagkunutan niya ko ng noo at muling nagsalita.

"I've added you on facebook. I'm expecting you to say something"

Eh? Ganun ba yun? Pag inadd kailangan magchat? Malay ko ba.

Natatawa ko siyang tiningnan.

"Wala naman akong sasabihin" natatawa pa rin ako.

He looks cute when he's irritated.

"Tsk. Whatever"
Aba, tinalikuran ako.

"Hey!" Tinawag ko siya pero nakalayo na siya. Mukha akong baliw habang nasa loob ng cr dahil sa hindi mawalang ngiti ko. Habang nakaupo sa toilet bowl ay kinuha ko ang cellphone sa aking sling bag at ini-on ang mobile data. Pagkalabas sa cubicle ay muli kong pinatay ang mobile data. Akala ko naman may nagchat. Inayos ko sa pagkakatali ang aking buhok at lumabas na.

Medyo humina ang kaninang malakas na buhos ng ulan. Babalik pa ba ko sa gymnasium? Rinig na rinig ko sa kinatatayuan ang ingay mula sa loob. Tinext ko na lang si Ana na sa classroom ko na lang sila hihintayin. Sa building ng college ako dumaan para hindi mabasa. May mangilan-ngilan akong mga estudyante na nadadaanan. Panay rin ang silip ko sa mga classroom tuwing napapadaan. Nagbabakasali.

Tinakbo ko na lang ang papunta sa highschool building. Pinagpag ko ang basang mga balikat at umakyat na sa third floor. Muli ay binuksan ko ang mobile data at nagscroll sa facebook. Kinuhaan ko rin ang sarili na nag-iisa sa loob ng room namin at nilagyan ng caption na 'alone' at imi-nyday ito. Habang naglalaro ng plants vs zombies ay may nagpop up na notification.

Xavier Aragon III reacted to your myday.

Agad ay ini-exit ko ang laro at tiningnan ang myday ko. Like lang? Akala ko naman pinusuan. Paasa!
Muling nagbeep ang phone ko sa isang chat sa messenger.

*Xavier Aragon III: Where are your friends?

OH. MY. G!

Pinaypayan ko ang sarili gamit ang mga kamay bago muling dinampot ang phone para makapagreply.

*Clara Leonora Uy Ledesma: Nanunuod pa ng game

*Xavier Aragon III: 👍

Like na naman! Pinatay ko na lang ang data ko at muling naglaro. Hindi nagtagal ay dumating na ang tatlo.

"Bakit di ka bumalik? Wala kang payong ah, tinakbo mo?" Tanong ni Ana.

"Yep" sagot ko sa pangalawang tanong niya.

"Uwi na tayo?" Pagyayaya ko sa kanila.

"Wait. Let me breathe" maarteng sabi ni Angela.

"Anyare?" Pagtatanong ko nang mapansing medyo namumula ang mukha ni Angela.

"Ba't kasi hindi ka bumalik. Di mo tuloy nakita ang nangyari" Tumawa si Ana.

"Hiningi nung isang player ang number niya." Sagot ni Vanessa. Bumaling naman ako sa kanya at naghintay sa sasabihin niya pa.

"Yung number 23 ng accounting, Apolinario yung apelyido. Third year college na yun eh"

"Binigay mo?"

"Oo" nahihiyang sabi ni Angela.

"Aaaaahhhhh kailangan ko na ng jowa. Oh Jared asan ka na ba! Clare, magpapaalam na ko sayo, liligawan ko na talaga pinsan mo. Hindi pwedeng ako lang dito ang walang jowa!" Mahabang litanya ni Ana.

Chains of MemoriesWhere stories live. Discover now