Kakabalik ko pa nga lang sa booth namin ay hinila naman ako ng mga kaibigan ko paalis doon para pumunta sa ibang mga booths at mag-gala.
"Try natin yung booths ng mga freshmen, puro pagkain daw dun eh, nagugutom ako." Suhestiyon ni Ana. Nagpunta nga kami doon. Pero imbes na makabili agad si Ana ay nilapitan siya ng ibang mga freshmen students at nag-usap about sa anime kung saan kinuha ni Ana ang disenyo ng suot niya. Pinabayaan lang namin siya dahil hindi kami makarelate at bumili na lang ng makakain.
"Oi wait niyo ko!" Sigaw ni Ana samin ng umalis na kami doon para magpunta sa ibang booths.
"Bilisan mo!" Sigaw pabalik ni Vanessa kay Ana. Naramdaman ko ang kamay ni Ana na pumulupot sa aking siko.
"Pahingi" sambit niya sabay dukot sa hawak kong papercup na may lamang dynamite.
Naglaro kami sa bust a balloon booth at panay ang reklamo ni Ana dahil dalawa lang ang napaputok niya out of five.
"Duling!" Kantsaw ni Vanessa sa panghuling tira ni Ana na hindi tumama.
"Argggh! Ang liit naman ng mga balloons kasi!"
"Reasons" Pinagtawanan namin si Ana at umalis na doon. Magbibihis na rin daw siya dahil pinagpapawisan na sa maid niyang costume.
"Kakain pa ba kayo ng lunch?" Tanong ni Angela, papalabas kami ng cr pagkatapos magbihis ni Ana.
"Oo, snacks lang yung mga kinain natin. I need rice" sagot ni Vanessa.
"Kaya ka tumataba eh" sambit naman ni Ana.
"Excuse me? This?" Tinuro ni Vanessa ang kaniyang katawan at hinampas ang kanyang legs.
Nagtawanan kami sa ginawa ng kaibigan at lumakad na papunta sa cafeteria. Mabilis lang rin ang ginawa naming pagkain dahil ala una ay magsa-start ang laro sa basketball ng college. Bago kami nagtungo sa court ay bumili muna sila ng mga pagkain sa booths. Pagkarating sa gymnasium ng school ay marami ng mga estudyante na nakaupo sa bleachers. Umupo na kami ng makahanap ng bakanteng upuan sa mga bleachers.
"Ang tagal naman!" Pagrereklamo ng katabi ko na si Ana.
"Filipino time~~" pakantang sagot ni Angela.
30 minutes kaming nakaupo roon, ubos na ang binili naming mga chichirya. Napalingon agad ako sa entrance ng gymnasium nang magsitilian ang mga estudyante. Isa-isang pumasok ang mga players. Ang maglalaban ay college of business at engineering. Maya-maya ay nagsimula na ang game. Panay ang tilian ng mga estudyante, nakikisali rin ang tatlo kong mga kasama. Kalagitnaan ng game ay napansin kong naglalakad paakyat sa mga bleachers si Nico at Jerome, sa likod nila ay si Xavier na ang dalawang kamay ay nasa mga bulsa ng suot niyang pantalon.
"Dito Nico!" Rinig kong sigaw ng nasa likuran namin. Pasimple akong lumingon at nakita ang ibang tropa nila Xavier, kumakaway sa kanila ang isang babae. Binalik ko ang tingin kina Xavier, papalapit na sila sa kung nasaan kami. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila nang tuluyan na silang makalapit.
"Kanina pa nagstart, saan ba kayo galing?" Tanong nung babaeng kumakaway kanina. Nasa likuran siya ni Vanessa nakapwesto, kaya kita ko siya sa gilid ng aking mga mata.
"Nang chicks" Humahalakhak na sagot ni Jerome. Naririnig ko ang boses niya sa likuran ko.
"Landi mo talaga Rome"
Hindi na sila nag-usap kaya nagfocus na lang ako sa panonood ng game. Natapos ang laro at panalo ang college of Engineering. Narinig ko naman ang disappointed na usapan ng mga nasa likod ko. BSBA pala ang kurso nila, kaya ganun na lang ang panghihinayang ng matalo ang representatives ng course nila.
"It's just a game." Sambit ni Xavier.
"Oo nga, Janice. Enjoyin na lang natin"
Napalingon ako sa katabing si Angela nang sikuhin niya ko. Namumula ang kanyang pisngi at nakangisi nang malaki. "Bakit?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Anjan pala si Justin sa likod? Ngayon ko lang nalaman! Kinikilig ako shete!!"
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang crush ni Angela na katabi ni Xavier."Kanina pa yata sila jan" Mahina kong sabi.
"My gosh Clara! Pinagpapawisan ako dahil sa kilig" para siyang uod na binudburan ng asin sa likot niya.
"Likot mo" Puna sa kanya ng katabi niyang si Vanessa. Binulong naman ni Angela kung bakit. Dinungaw ng katabi ko sa kanan na si Ana ang dalawa na nag-uusap at parehong kinikilig. Nakita na rin kasi ni Vanessa na nasa likuran rin si Xavier.
"Hoyyy, share, ano meron" Itinukod pa talaga ni Ana ang mga siko niya sa legs ko, ang sakit tuloy.
"Ana" saway ko sa kanya dahil dumidiin na ang siko niya sa legs ko. Tinutulak ko ang kanyang balikat para umupo siya ng maayos. Tinanggal naman niya ang pagkakatukod. "Sorry" nakangisi niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi. Kung hindi ko lang nakasama ang babaeng 'to mula pagkabata namin ay iisipin kong tomboy siya.
"Day, si Xavier at Justin" bulong ni Angela sabay senyas sa dalawa sa likuran namin. Tiningnan naman yun ni Ana at tumingin rin siya sa akin. Iniwasan ko ang titig niya. Nilapit niya ang bibig niya sa aking tenga at bumulong.
"Crush mo oh" tumawa pa ito pagkatapos. Hinampas ko naman siya para tumigil. Bumaling na lang ulit siya kay Angela at Vanessa para makipag-usap.
"Akala ko si Xavier crush mo Gela."
"Binibigay ko na siya kay Vanessa" Tumatawang sagot ni Angela kay Ana.
"Wow, namimigay~ Bigay din natin kay Clara" Halakhak ni Ana.
"Crush mo rin siya Clare?" Tanong ni Vanessa. Ang mga mata ng tatlo ay nasa akin. Kinabahan agad ako. Magagalit kaya si Vanessa kapag sinabi kong oo? Ayaw ko ng ganun.
"Share tayo!" Masayang sambit ni Vanessa.
"E-eh?" Nalilito kong sagot.
"Share tayo sa kanya. Ok lang na crush mo rin siya." Masaya pa rin siya habang binabanggit ang mga salitang yon.
"Yun naman pala" Halakhak ni Ana. Hindi na lang ulit ako nagsalita at naging busy naman silang tatlo sa pag-uusap. Nakipagpalit pa sakin ng pwesto si Ana para mas makapagkwentuhan pa sila.