Sumusunod ako kay Xavier na sakay rin sa sarili niyang kabayo. Gusto kong kabigin pa kanan ang kabayo ko para sa daan pauwi sa amin ang tahakin nito pero natakot ako na baka mas lalong magalit si Xavier at ipakulong niya talaga ako dahil sa pagtrespass ko sa kanilang lupain. Nilalamig na ko dahil basang-basa ako.
Nag-angat ako ng tingin sa gate na nasa aming harapan. Nanginig ako sa pinaghalong lamig at takot na aking nararamdaman. Katapusan ko na yata.
Bumukas ito at natanaw ko ulit ang magandamg mansyon ng mga Aragon. Ang mga tauhan nila na nasa malawak na bakuran ay napapatingin sa akin. Iniyuko ko na lamang ang aking ulo dahil sa kahihiyan.
"Si lolo?" Rinig kong pagtatanong ni Xavier sa isang matandang babae na tingin ko ay mayordoma nila.
"Nasa loob, nagkakape." Napatingin sa akin ang matanda, ngumiti ako ng tipid.
"Clara, bakit basang-basa ka?" Nag-aalalang tanong sa akin ng mayordoma.
"I caught her trespassing on our lands" sagot ni Xavier. Nagulat naman ang matandang babae. Bumaba si Xavier sa kanyang kabayo at inutusan rin akong bumaba.
Pero hindi ko ginawa. Nakatingin ako sa kanya na nasa harapan ng aking kabayo.
"Sorry. Hindi ko sinasadya. Please, patawarin mo na ko. Di ko na uulitin, promise" pagmamakaawa ko.
"Baba" ma-awtoridad na sabi ni Xavier. Mabilis naman akong bumaba sa aking kabayo. Binigay niya ang tali ng kabayo sa lumapit na lalaki.
Iginiya kami papasok ng mayordoma sa mansyon. Nahihiya talaga ako dahil nababasa ang kanilang sahig. Nadatnan naming nakaupo ang kanyang lolo sa pan-isahang upuan sa sala habang umiinom ng kape. Nakatalikod siya sa amin. Pumunta kami sa harapan ni Don Xavier Alejandro Aragon Sr. Hindi ako tumitingin dito.
"Isn't she Matilda's granddaughter?" Tanong ng matanda.
"Yes lolo" sagot naman ni Xavier.
"Hija, maupo ka" Napaangat ako ng tingin. Nakangiti si Don Alejandro sa akin at iminuwestra na maupo ako.
"Ahmm, mababasa po ang sofa ninyo" mahina kong sagot sa matanda. Nagulat ako ng may lumapit sa akin na isang katulong at inabutan ako ng tuwalya. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat. Lumapit ako sa kanilang sofa at inilatag ang isang tuwalya, habang ang isa pa ay inilagay ko sa aking balikat.
"She trespassed on our land lolo" pagkukwento ni Xavier. "I saw her swimming sa may talon."
"Patawad po." Tangi kong nasabi. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang gagawin. Alam ko naman na bawal pumunta sa lupain nila. Nasabi na yun sa akin ni lolo Sano dati.
"Hmm" ani ni Don Alejandro. Ang kamay ay nasa baba. Nagbaba ulit ako ng tingin.
"Its just a land apo. And besides, wala naman siyang ibang ginawa kundi ang lumangoy sa talon" patuloy na sabi ng matanda habang tinitingnan ang kabuuan ko na basang-basa.
"Mabuti pang umuwi ka na hija. Baka hinahanap ka na sa inyo. At baka magkasakit ka pa. Ipapahatid kita sa isa kong tauhan."
Agad ay tumanggi ako rito. "Wag na po Don Alejandro. May dala naman po akong kabayo. Maraming salamat na lang po. Tsaka pasensya na po ulit."
Nginitian ako ni Don Alejandro at tumayo na ako para makauwi. Sinulyapan ko si Xavier na naiinis at hindi nagustuhan ang pasya ng kanyang lolo.
Ano ba ang gusto niya? Gusto yata akong pahirapan. Hmp!
Sumunod na ako sa isang katulong na iginiya ako palabas. Agad akong sumampa sa kabayo at nang makaalis na. Hindi ko na nilingon ang kanilang mansyon at pinatakbo ng mabilis ang kabayo para makauwi agad. Hinawakan ko naman nang mahigpit ang tuwalya na binigay saakin para hindi mahulog.
Nang makarating sa bahay ay nagulat si lola ng makita ang kalagay ko na basang-basa. Agad niyang tinawag ang isang katulong para magdala pa ng tuwalya pero tinanggihan ko at sinabing magbibihis na ko agad sa kwarto. Hindi naman ako kwinestyon ni lola. Akala niya siguro sa sapa malapit sa hacienda lang ako naligo.
Sasabihin ko bang pumunta ako sa talon na nasa lupain ng mga Aragon? Panigurado magagalit siya.
Kinagabihan ay tinawag ako ng katulong para bumaba dahil maghahapunan na. Dumating na rin daw si mama at papa galing sa Tagbilaran. Pagdating ko sa hapagkainan ay nagulat ako ng makita si kuya Hendrix. Ngayon ko lang siya nakita after bumalik sa manila ang iba naming pinsan at kapatid niya. Sa resort na kasi nagsstay si kuya Hendrix para mas matutukan ang trabaho.
"Kuya!" Masaya kong pagtawag kay kuya Hendrix
"Clara" nakangiti naman niyang sambit. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap pagkatapos ay naupo sa kanyang tabi. Gusto ko sanang makipagkwentuhan kay kuya pero nagyaya nang kumain si lola kaya naisip kong mamaya na lang.
Habang kumakain kami ng dessert ay nagsalita si lola. "Clara, nakarating sa akin na pumasok ka sa lupain ng mga Aragon. Anong ginawa mo roon?" Pagtatanong ni lola na siyang ikinagulat ko.
"Lola" kinakabahan kong tugon.
"At hindi mo man lang sinabi sa akin. Sa talon ka ba naligo kaya ka basang-basa kanina?" Pagpapatuloy niya pa.
"Clare" boses ni papa habang nakatingin sa akin ng diretso at medyo kunot ang noo.
"Sorry po lola, papa, mama. Gubat kasi yung pinuntahan ko kaya akala ko walang tao. Pero nakita ako ni Xavier"
"What were you thinking. Paano kung nawala ka sa gubat na yon" galit na sabi ni mama. Napayuko ako.
"Hindi mo kabisado ang lugar yet walang takot kang pumasok. At private property yun. Nakita ka ni Xavier? Anong sinabi niya? Nakarating ba kay Don Alejandro?" Si lola.
Kwinento ko sa kanila ang nangyari. At nakahinga naman sila ng maluwag nang malamang hindi nagalit si Don Alejandro. Pero galit si lola. Ipinagbabawal na niyang pumunta ako sa dulo ng hacienda. At kapag sumuway pa ako ay hindi na talaga ako pwedeng lumabas ng mansion. Pwera na lang kung papasok.
Pinaakyat naman nila ako sa kwarto pagkatapos pangaralan. Humingi ulit ako ng paumanhin bago pumanhik sa aking kwarto.
