Umuwi na ako sa bahay namin at si Ana naman ay nagpunta sa lolo niya. Dahil tapos naman na akong gumawa ng nga assignments ko ay naisipan kong bisitahin ang mga socia media accounts ko. Habang nagsscroll sa facebook ay nakita ko ang isang post ng babaeng kaibigan ni Xavier. Nakatag doon si Nico na friend ko sa fb kaya nakikita ko ang pictures nila. May video doon at clinick ko naman.
Nasa taas ng talon si Xavier ang mga kaibigan naman ay kinakantyawan siya para magdive. Walang kahirap-hirap na nagdive si Xavier. Humanga ang kaniyang mga kaibigan. Salitan sila sa pagtalon hanggang sa natapos ang video.
Nag-aalangan man ay clinick ko pa rin ang pangalan ni Xavier na nakatag. Napunta ako sa newsfeed niya. Wala siyang mga posts tanging mga nakatag lang na pictures ang naroon. Meron noong bago pa lang ang pasukan. Ang bilis niyang nakahanap ng mga kaibigan gayong hindi siya lumaki rito. Napaisip naman ako. Mabait siguro siya? Sa mga nakatag na pictures niya ay mga nakangiti siya dun, pwera na lang kung stolen shots. Pero bakit pagdating sakin lagi siyang galit. Parang ayaw niya sa presensya ko.
Bigla ay nakaramdam ako ng inis. Ibig sabihin, sakin lang siya ganun. First meeting namin, masungit na siya sakin. At sinabihan niya pa akong "bata"
Tumigil na ko sa pagtingin sa newsfeed niya at humiga sa kama. Nakinig na lang ako ng music hanggang sa nakatulog ako.Sumama ulit ako kay lola na magsimba ngayong linggo. Napaaga kaming dumating sa simbahan at mamaya pa magsisimula. Nakipagbatian si lola sa mga kakilala ako naman ay naglakad-lakad muna at tumingin sa mga binibenta sa labas ng simbahan. Habang namimili ako ng bibilhin sa mga bracelets at kwintas ay may biglang humila sa aking kamay at iniharap ako sa kanya. Isang matandang babae, maputi na ang lahat ng kaniyang mga buhok at madumi ang suot na damit. Wala siyang suot na panyapak.
"Kasalanan mo ang lahat!" Galit na sigaw niya sakin. "Dahil sayo, dahil sayo nangyari yun!!!"
Takot na takot akong tumitig sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata at parang kaya niya akong saktan. Hinila siya ng isa sa mga bodyguards ni lola at inilayo sa akin. Nagpupumiglas naman siya at patuloy pa rin sa pagsigaw.
"Mamatay ka na!!" Sigaw niya na malakas.
Nagbubulong-bulungan ang mga tao sa paligid. Patuloy pa rin siyang inilalayo ng mga bodyguards.
"Clara, apo are you ok?" Nag-aalalang tanong ni lola.
Hindi ko magawang sumagot.
"Sino ba yan?" Tanong ng isang amiga ni lola.
"Si aling Eva, yung baliw na nakatira sa kasunod na baryo" sagot ng babaeng nagtitinda ng mga bracelets na tinitingnan ko kanina.
"Leonora, kasalanan mo!" Muling pahabol na sigaw nung Eva.
Leonora?
"Leonora?" Napalingon ako sa nagsalita. Isang uugod-ugod ng matandang babae ang tumingin sa akin.
"Mama" pagtawag ng babaeng nagtitinda ng mga bracelets at necklaces.
Tumingin sakin ang matandang tinawag niyang "mama" naningkit pa ang mga mata nito. Tinitingnan akong mabuti.
"Kamukha mo siya."
Narinig ko ang pagsinghap na ginawa ni lola, at madali siyang hinila ako patungo sa sasakyan namin.
"Umuwi ka na muna Clara. Omar, ihatid mo sa mansyon si Clara." Utos ni lola sa driver. Agad naman itong sumunod.
Tiningnan ko kung saan ko huling nakita si aling Eva, wala na siya. Tuluyan ng napaalis ng mga tauhan namin. Walang kibo ako sa loob ng sasakyan. Nakatulala lamang ako habang paulit-ulit na naririnig ko sa aking ulo ang mga sinabi noong Eva.
Kasalanan ko lahat? Bakit? Anong ginawa ko?
Leonora?
Kanina ko lang nakita ang babaeng yun. Imposible na kilala niya ko. Sino ang tinutukoy niya? Sinong Leonora?
Pagkarating sa bahay ay nagulat si Nana Ester dahil maaga akong umuwi gayong magsisimba dapat ako kasama si lola.
"Asan ang lola mo, bakit mag-isa ka lang? Nagsimba ka ba?" Sunod-sunod na tanong niya sakin.
"May nangyari po kasi." Nakayuko kong sagot.
"Ano yun, sabihin mo sakin"
"Nana, kanina sa simbahan. May lumapit saking matandang babae. Sinigawan niya ko, ang sa-sabi niya, kasalanan ko raw lahat. Tapos, tinawag niya kong Leonora" Napansin ko ang pagkagulat sa mga mata ni Nana Ester ng banggitin ko ang pangalang Leonora.
"Wala naman po akong ginawa. Hindi ko siya kilala, kanina ko lang siya nakita."
"Baka naman, napagkamalan ka lang niya Clara" hindi ko maiwasang pansinin ang pagiging balisa ni Nana Ester. Parang ayaw niyang pag-usapan. Hindi ko alam, may nasesense ako pero hindi ko mapangalanan yon.
Wala ng iba pang binanggit si nana Ester at pinaakyat niya na lamamg ako sa aking kwarto. Sinunod ko siya at naupo sa akin kama. Nag-unahang pumatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Naguguluhan ako sa nangyayari. Totoo bang napagkamalan niya ko. Ang sabi rin nung nagtitinda kanina, baliw siya. Tama, baka napagkamalan niya lamang ako dahil may sakit siya sa pag-iisip.
Buong maghapon ay nasa kwarto lamang ako. Kinamusta ako ni lola ng makauwi siya. Nakarating kina mama at papa ang nangyari at nag-alala sila sakin. Wala sila ngayon dito at nasa Manila, inaayos ang iba naming business.
Pinilit kong kalimutan ang nangyari para na rin saakin at itinatak sa aking isipan na nagkamali lang ang matanda.