Pagkauwi galing sa airport ay nagkita kami ni Ana sa bahay para maghanap nang maisusuot para sa party kinabukasan.
"Clare bagay sayo 'to"
Ipinakita ni Ana sa akin ang isang pink off the shoulder laced dress. Hanggang tuhod ito sa akin. Its cute.
"Isuot mo na dali. Patingin ako." Excited na sabi ng kaibigan. Pumasok naman ako sa banyo para magbihis.
Pagkalabas ko ay agad pumalakpak si Ana.
"Ang ganda. You look like a diwata"
Umikot naman ako sa harap neto at tumingin sa salamin.
"Mamili ka na ng iyo Ana"
Marami kasi akong dresses dahil mahilig si mama na bilhan ako kaya ipapahiram ko kay Ana ang gusto niyang suotin para sa party.
Napili neto ang isang kulay baby blue na spaghetti strap dress. Nagsukat sukat pa kami ng iba pang mga dresses bukod sa napili namin.
Thursday. Sakay sa aming sasakyan ay patungo kami sa mansyon ng mga Aragon.
Pagkarating ay agad kong hinanap si Ana. Kasama niya ang kanyang lola at nakikipag-usap ito kay Don Xavier Alejandro Aragon Sr. Kinawayan ko si Ana nang makita ako neto. Bumulong ito sa kanyang lola at pagkatapos ay pumunta kung saan ako nakatayo.
"Ang ganda mo talaga Clare. Magkaibigan talaga tayo" sabay kaming ng kaibigan. Pumunta kami sa mga kakilala namin at nakipagkamustahan.
Nang magsisimula na ang party ay naghiwalay na kami ni Ana dahil magkaiba kami ng table. Sa lamesa ay kasama ko si mama, papa at lola. Pati na rin ang ibang bisita ng mga Aragon. Walo ang laman ng bawat mesa.
May mc sa harapan na nagsasalita, pinapatawa ang mga bisita. Mayamaya ay pumasok ang isang lalaki na kasing edad ni papa. Si Xavier Jr. na siguro iyon. Tama nga ako, ipinakilala ng mc ang celebrant.
"Good evening everyone. Maraming salamat sa lahat ng nagpunta. This party is not just because its my birthday but also for welcoming my father for his return here in Nueva Vida."
Marami pa itong sinabi, gutom na ako. Nang matapos ay nagyaya na ang celebrant na kumain. Nagsitayuan naman ang ibang mga bisita at pumunta sa buffet para kumuha nang makakain. Ang iba naman ay dumiretso sa table ng mga Aragon, para batiin ang Don. Pati sila papa at lola ay pumunta roon, at sinama ako.
"Don Xavier" pagbati ni lola
"Kamusta ka? This is my granddaughter, Clara" pakilala ni lola sa akin sa kay Don Xavier.
"Good evening po" ngumiti ako sa matanda sabay nagmano.
"Oh hello hija. You look someone I know" nawala ang ngiti nito sa labi.
"Well, she looks like me" masayang sabi ni lola.
