Pagkarating sa mansion ay agad kong ibinalik ang kabayo sa kaniyang kuwadra. Padabog ko pang isinara ang pintuan nito at nagmartsa papasok sa loob ng mansion. Hindi ko pinansin si Kuya Hendrix na nakaupo sa couch sa may porch ng bahay habang nag-gigitara. Tuloy-tuloy akong pumasok at umakyat sa hagdan patungo sa aking kwarto.
Padapa akong nahiga sa aking kama at dala na rin ng pagod galing sa paggagala ay nakatulog agad ako.
"Sa akin ka Leonora! Sa akin ka lamang!"
"Ano ang ginawa mo?"
"Leonora!"
Napabalikwas ako nang bangon dahil sa kabang aking nararamdaman. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na akala mo'y galing ako sa pagtakbo nang mabilis.
Those dreams again.
Inabot ko mula sa ilalim ng kama ang box kung nasaan ang aking diary. I flipped some pages and found Leonora's picture. Tinitigan kong mabuti ang litrato. I even read the writings on its back again. Leonora Garceron. 9-17-1916.
My dreams are weird. Paulit-ulit. The same voice that is calling to someone. Someone I don't know.
After some time ay tumayo na ako at nagbihis. Ibinalik ko na rin ang litrato kung saan ko ito itinago. I should ask Nana Ester about Leonora.
Bumaba na ako sa aming sala at nagtungo sa kusina. Its 6:35 in the evening. Maya-maya ay maghahapunan na kami.
As soon as I entered the kitchen I saw Nana Ester's back facing me. She's busy cooking. Lumapit ako sa lamesa kung nasaan ang mga pagkaing naluto na. Inabot ko ang saging at binalatan ito para makakain.
"Nana?" I called out.
"Oh, Clara, nariyan ka pala. Saglit na lang at maluluto na itong menudo." Nakangiting sabi niya sa akin.
"May itatanong lang po ako."
"Ano yun apo. Halika nga rito. Tikman mo muna."
Lumapit naman ako kay nana at tinikman ang menudo.
"Masarap ba?"
"Opo." Nakangiti kong sagot.
Binalik ni nana Ester ang mga mata sa kaniyang niluluto. Hindi na muna ako umalis sa tabi niya at tumitig na rin sa kumukulong sabaw sa tapat ko.
"Nana, pwede niyo po ba ikwento sa akin si Lola Leonora?"
Agad ay napatigil sa ginagawa si Nana Ester. Tumingin ako rito at maya-maya ay ibinaling naman niya ang kaniyang paningin sa akin. Ngumiti siya sa akin at nagsalita.
"Bakit mo naman gusting pag-usapan ang Lola Leonora mo?"
"I'm just curious about her po. At dahil na rin po siguro kapangalan ko siya."
"Ganoon ba."
Pinatay ni nana Ester ang kalan at kinuha ang bowl na paglalagyan niya ng menudo.
"Konti lang ang alam ko tungkol sa Lola Leonora ninyo. Gaya nang sabi ng Lola Matilda mo, maaga siyang namatay. Ang asawa naman nito na si Don Theodore Yap ay nag-asawa muli noong mamatay si Leonora."
"Nasaan na po yung mga anak ni Lolo Theodore sa pangalawa niyang asawa?"
"Sa Zamboanga na nanirahan si Don Theodore matapos niyang mag-asawa muli. Taga roon rin kasi ang kaniyang napangasawa.
Tulungan mo ako sa pag-aayos ng hapag hija?" Nakangiti si Nana Ester na iniaabot ang kanin sa akin.
Tinulungan ko naman siya sa pag-aayos ng hapagkainan at maya-maya ay naghapunan na kami.
After naming kumain ay binanggit ni lola ang about sa invitation ng mga Aragon para sa birthday celebration ni Xavier Jr. Its on Thursday. Me and my parents are coming and so is lola. Kuya Hendrix refused to come kasi pupuntahan niya raw ang resort.
Kinabukasan ay hinatid namin ang mga pinsan ko at ang kanilang mga magulang sa airport.
"I'm gonna miss you Clarey" said Kuya Tim.
"I'm gonna miss you too kuya" nakangiti kong sagot sa pinsan at yumakap rito.
"Oh, I'm jealous!" pahayag naman ni kuya Jared at kunwari nagpunas ng luha.
"So gay" komento naman ni ate Maea.
Itinaas naman ni kuya Jared ang kanyang shirt para ipakita ang kaniyang tiyan.
"You call this gay Maea? This hard packs of mine?" Kuya Jared said grinning.
"Yuck!" at umakto naman si ate Maea na parang nasusuka. Natawa na lang ako sa bangayan ng dalawa.
After we said our goodbyes ay pumasok na sila sa loob ng airport para makapagcheck in. Kami naman ay nagpasya nang umuwi.